Nanlaki ang mata ko, ng makita ko na bahay nga ito ng magaling kong ex-boyfriend.
Pero, mas nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jana. Ang kapatid niyang babae.
Di kaya namamalikmata lang ako? Hindi niya to bahay. Hindi. Hindi. Hindi rin si Jana yon. Namamalikmata ka lang, Minzy.
Napapikit ako at napailing. Gutom ka lang, Minz. Gutom ka lang.
Huminga ako ng malalim at nagmulat ng mata. Pero nagulat ako sa nakita ko sa harapan ko.
Di talaga ako namamalikmata lang.
"Ate Jane? Ikaw ba yan?"
Di ako umimik. Gulat padin ako.
"Kilala mo siya Jana?" Tanong ni mommy.
Ngayon lang nag-sink in sakin ang katotohanang..
HINDI AKO NAMAMALIKMATA! BAHAY TALAGA NILA TO. OMG!
"Hi Tita! Opo, kilala ko po si ate Jane." Nakangiting sabi ni Jana, sabay tingin sa akin.
"Hi ate Jane! Naaalala mo pa ba ako? Ako to, si Jana." Pagpapakilala niya.
Jana...
Nginitian ko siya.
"Kamusta Jana? Laki mo na ah." Sabi ko sakaniya at ginulo ang buhok niya. Nginitian ko siya.
"Ok lang naman po. Ikaw po? Tagal kitang di nakita ate. Nagkita na po ba kayo ni kuya?"
Nawala yung ngiti ko sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin sakaniya.
"Kilala mo ang kuya niya?" Takang tanong ni mommy.
"Ah.. Eh.. Hehe" Di ko alam kung ano isasagot ko kay mommy.
"Ah, opo tita! Close na close po sila ni kuya. Lagi nga po nandito si Ate Jane noon eh." Sagot ni Jana.
Jana, bakit mo sinabi? Lagot ako neto eh huhuhu T^T
"Hmm. So, close pala kayo ng kapatid niya. Edi, hindi ka na mahihirapan mag-adjust dito sa bahay nila." Masayang sabi ni mommy.
"Ano kasi ma-" Naputol yung sasabihin ko nung may magsalita galing sa loob.
"Amiga!" Bati nung babae kay mommy.
"Amiga! Kamusta?" Bati din ni mommy.
"Mabuti naman. Oh, halika pasok kayo sa loob." Sabi nung babae sabay kuha nung ibang gamit na dala namin.
Naglakad na sila papasok sa loob. Ano ba naman tong nangyayari sakin. Tsk tsk.
Pumasok nadin ako sa loob ng bahay nila.
"Oh, siya na ba ang bunso mo? Maganda ha" Masayang sabi nung babae.
"Oo naman! Mana sa nanay." Proud na sabi ni mommy.
Nagtawanan silang dalawa.
"Hi Ija! How are you?"
Tinitigan kong mabuti yung babae, maputi siya, matangos ilong, medyo ka-height ko lang. Maganda.
*flashback*
Nakaupo kami sa sofa, habang naka akbay siya sakin at hawak ko kamay niya. Then, bigla ko natanong mommy niya.
"By, nasaan mommy mo?" I asked.
"Nasa ibang bansa siya." He answered.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Living with HIM
РазноеAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...