Nag-kekwentuhan lang si tita kris at mommy habang kaming tatlo nila Jana, eh tahimik lang na kumakain.
Patapos na ako kumain ng biglang magtanong sila. Expected ko naman na magtatanong sila, pero di ko padin alam ang sasabihin.
"So, Minzy." Tawag ni tita kris sa akin.
Napatingin naman kaming tatlo nila Jana sakaniya. Pati narin si mommy.
"Po?" Ako
"Magkakilala pala kayo ng anak ko. How come?" Tita asked.
Natahimik ako bigla. Di ko kasi alam isasagot ko eh. Napainom nalang tuloy ako ng juice.
"Minzy? Son? How come na magkakilala kayo, and as Jana said, super close pa daw. Pero bakit di kayo nag-uusap ngayon?" Tita kris asked again.
Enebeyen. Juicecolored! Katense nasa hot seat ako eh.
"Uhh.." Di ko talaga alam sasabihin.
Alangan naman sabihin kong 'Kasi tita, ex ko po ang anak niyo kaya po di na kami nag-uusap. Hindi po kasi maganda huling pag-uusap namin. Iniwan ko po kasi yung anak niyo kaya galit na galit siya sa akin. Hahaha'
Ang baliw ko naman pag sinabi ko yun. Nakakahiya pa, tsaka baka mapaalis pa kami dito. Saan na kami tutuloy pag nagkataon? Dibuuh? Tch
"Minzy?" Tita Kris
"Ah, ano, ganito po kasi—"
"We were bestfriends." Putol niya sa sasabihin ko.
"Ohh. Good thing na mag bestfriend pala kayo." Nakangiting sabi ni tita.
"Before." Tipid niyang sagot.
"Before? What do you mean?" Takang tanong ni tita.
"We were bestfriends pero hindi na ngayon." Cold niyang sabi then continued eating.
Halata ko na naguguluhan sila mommy at tita. While Jana kept silent. Ako nalang din ang nag-explain.
"Kasi tita, bestfriends po talaga kami dati. Kaya lang po nagkaroon po ng misunderstanding bago ako umalis ng Philippines. Hindi po nasolve yun agad. Kaya po, ayun, di na po kami nagka-usap ulit." Explain ko.
Sana naman maniwala sila. Totoo naman kasi eh, di kami nag-usap ng maayos. Di ko sinabi sakaniya ang dahilan ng lahat.
Nakita ko naman ang pagtango tango nila mommy at tita. Buti na-convince ko sila.
"So. Anong di niyo pinagkasunduan? Bakit di niyo ayusin?" Mommy asked.
"Ah kasi ma, di ako nakapag-paalam ng maayos sa kanila. Since, siya ang pinaka-bestfriend ko sa group of friends, nagkatampuhan."
Nakatingin lang sila sa akin. Bahala na, Lord sorry po sa pagsisinungaling ko. Sorry talaga Lord.
"Then, hindi narin po kami nagpang-abot sa airport. Kasi biglaan din po eh. Di ko nasabi agad, mga 5am ko na po nasabi sakanila, which is nasa taxi papuntang airport na po ako nun. Kaya ganun nalang po. And wala din po ako naging communication sakanila, kaya di naayos yung tampuhan." Explain ko.
"Ah. Oh well, simpleng tampuhan lang yan, na natiis niyo within many years? Mag-ayos na kayo ngayon." Tita kris said.
"Yep. Tama yon, we are going to live inside the same roof, so dapat masaya at walang tampuhan." Mommy said.
Ngumiti ako sakanila.
"Sige po tita, and mommy. We'll try to fix it." I said then looked at him.
Napapailing siya dahil siguro sa mga sinabi kong kasinungalingan o dahil sa bagay na alam naman naming hindi kami magkaka ayos agad.
~~~~~
Natapos kami kumain. Masaya naman ang dinner ko with the Yu Family.Nasa loob na ako ng kwarto namin nung makaramdam ako ng uhaw.
Bumangon ako para kumuha ng tubig. Dahan dahan ako naglakad palabas ng kwarto, tulog na kasi si Jana eh.
Nakalabas naman ako na hindi nagigising si Jana. Nakakuha na ako ng tubig at pabalik na sana sa kwarto.
Kaso, di pa ako nakaka hakbang palabas ng kusina ng makita ko siya sa harap ko.
Gulat akong napatingin sakaniya. Anong ginagawa niya dito? Ay oo nga pala. Bahay niya to. I smiled bitterly to that thought.
"So." Nabalik ako sa katinuan ng magsalita siya.
Napataas ang kilay ko sakaniya. Anong kelangan nito?
"Kailangan mo ba talaga sabihin na magbestfriend tayo before. At nagkatampuhan? Srsly Jane?" He asked na medyo naiinis.
"Kailangan ko sabihin yon. Para mas convincing." Sagot ko.
Nakatitig lang siya sa akin hanggang sa bumuntong hininga siya.
"Fine. I'll let that pass. Pero, do you really have to say na, di tayo nagkaroon ng communication?" Tanong niya.
Uhh. I guess?
"Bakit di mo na lang sinabi na hindi ka talaga nakipag-communicate sa amin." He said with pissed voice.
"I can't tell them that." Diretso kong sabi.
"And why?" Taas kilay niyang tanong.
"Mas lalo lang silang magtatanong. Ayoko na pahabain pa ang usapan tungkol dun. Kaya ko yun sinabi."
"Minahal mo ba talaga ako?" Seryoso niyang tanong.
I did not expect that question.
Di ako nakasagot. Nakita kong napangisi siya."Huh! Speechless." Nangiinis niyang sabi.
"Oo minahal kita. Sobra." Sagot ko.
"Then why'd you left me?" He asked with the sad tone of voice.
Wait. Sad tone? He is sad because of the fact I left him dumbfounded?
"I love you that's why I need to leave you."
Natawa siya. Yung nang-uuyam na tawa.
"You love me, that's why you left me." He said then looked straight in my eyes. "Do you expect me to believe that?" Galit niyang tanong.
"No. But—"
"You're a big liar, Jane." Cold niyang sabi at umalis na.
Ouch.
I'm a big liar? I smiled. Yeah, napakasinungaling ko nga naman.

YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...