Chapter 11

5 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas nung huli kami magka-usap. Nasaktan ako sa mga sinabi niya, kasi totoo.

Iniwan ko siya ng walang sinabing dahilan. Iniwan ko siya, ng basta-basta. Ang sama ko.

Di ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin sakaniya ang dahilan ko. Ayoko lang naman malaman niya na its about tita kaya kami naghiwalay. Mabuti nadin na hindi ko sinabi. Its for the best.

Naandito ako sa classroom ko, kakatapos lang ng statistics namin at hinihintay ang next professor.

Nag-aadvanced reading ako, habang nagte-take down notes nang may lumapit sa akin.

"Nagtext sila Sandy. Pumunta daw tayo sa tambayan." He said.

Hindi ko siya nilingon.

"May klase pa." Tipid kong sagot habang nakatingin sa notebook ko.

"Walang klase, may biglaang meeting." Jarred.

Nilingon ko na siya. Poker face lang siya habang nakatitig sa akin. Umiwas na ako ng tingin.

Di na ako umimik at inayos ko na mga gamit ko. Ano naman kaya kailangan ng mga yon?

Tumayo na ako at pumunta na kami sa tambayan namin. Sa ilalim ng punong mangga sa may sa soccer field. May bench kasi dun at table, dun kami lagi napwesto dati.

"Sandy." Tawag ko sakaniya.

Lumingon naman siya at lumapit sa akin. Si Jarred naman lumapit kay Yohan. Ugh

"Anong meron?" Tanong ko.

Ngumiti si Sandy.

"Mag-gagala tayo." Masaya niyang sabi.

Ayoko nga. Wala ako sa mood mag-gala. Mag-aaral nalang ako, or matutulog sa bahay.

"Nakakatamad. Ayoko." Emotionless kong sabi.

Nawala naman ang ngiti sa labi niya.

"Pero, minzy. Bonding natin magkakaibigan yun. Welcome party mo." Namimilit niyang sabi.

Tumingin ako sakaniya. Welcome party? Di talaga nagbago tong mga to. Napangiti ako sa isip ko.

"Ayoko." Matigas kong sagot.

Pagtitripan ko muna si Sandy. Hahahaha.

"Minzy naman! Sige na. Sabado naman bukas. Sumama ka na." Nagmamaka-awa niyang sabi.

Tinitigan ko siya at nagpa-puppy eyes siya. Ang cute ng isang to. Hahaha.

"Oo na. Sasama na ako." Sabi ko at napangiti naman na parang aso si Sandy.

"Yesss!" Masaya niyang sabi.

Tuwang-tuwa ang bruha. Hahaha.
Namiss ko sila. Eto ang unang beses na mag-gagala ako kasama sila, simula pagka-uwi ko. Exciting!

Living with HIMTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang