Magkatabi si Minzy at Jarred sa bench. At pareho silang tahimik.
'Akala ko ba gusto niya makipag-usap? Bakit di siya umiimik? Tss' Isip ni Minzy.
Tahimik ang paligid. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita.
Nagpapakiramdaman sila pareho. Hanggang sa umimik din si Jarred.
'Sa wakas. Nakakabaliw kaya ang katahimikan.' Isip ni Minzy.
"Minzy." Tawag ni Jarred.
Lumingon naman si Minzy sakaniya pero hindi ito umiimik.
"Don't be awkard with Yohan." Mahinahon na sabi ni Jarred.
Napaiwas ng tingin si Minzy. Hindi niya pala kayang makipagtitigan dito.
"I'm not awkward with her." Sagot ni Minzy.
"Look, wala naman kasalanan si Yohan dito eh." Jarred.
Nanatiling tahimik ang dalaga. Nagpatuloy si Jarred sa pagsasalita.
"Di niya kasalanan na nasa ganitong sitwasyon kami. Kaya, wag kayong maging awkward." Jarred.
'Tama. Di naman kasalanan ni yohan na na-inlove siya sayo eh.' Isip ni Minzy.
"Yeah, its not her fault. Its all because of love." Minzy sarcastically said.
"Please, Minzy." Pakiusap ni Jarred.
"She's your bestfriend, so try to understand the situation." Nakikiusap na sabi ni Jarred.
Nainsulto si Minzy sa sinabi ni Jarred.
'Yun na nga eh. Bestfriend ko siya. Ang ex-boyfriend ko, boyfriend ng bestfriend ko ngayon. The heck.' Isip ni Minzy.
"Wow. Nag-please ka talaga. Ganoon mo ba siya kamahal? Para makiusap ka sakin ng ganiyan?" Sarcastic na tanong ni Minzy.
Hindi nakaimik si Jarred. Alam niya sa sarili niya na, hindi niya ganoon kamahal si Yohan.
"Nakakagulat malaman na kayo na pala. Wow." Minzy.
Napatingin sakaniya si Jarred. Habang si Minzy ay nakatingin lang sa malayo.
"Bakit? Matagal na kami and alam mo yun, right?" Takang tanong ni Jarred.
Tumingin si Minzy kay Jarred. At ngumiti. Eye contact.
"No, I don't." Matigas na sagot ni Minzy sabay tingin ulit sa malayo.
"K-kanina ko lang nalaman. Kay, Sandy." Nauutal na sagot ni Minzy.
Nagulat ang binata sa sinabi ng dalaga. Ang buong akala nito ay alam ni Minzy ang tungkol sakanila ng matalik na kaibigan nito.
"H-h-how come na hindi mo alam? 2 years na kami and ngayon mo lang nalaman?" Gulat na tanong ng binata.
"Two years. Congrats, ang tagal niyo na pala." Minzy
'Ang tagal niyo na ako ginawang tanga.' Isip ni Minzy.
Bumuntong hininga ang dalaga bago nagsalita ulit.
"I never had an update with you guys. Not even communication. So, how could I know about the two of you, hmm?" Minzy.
Natahimik si Jarred at tila nag-init ang ulo niya. Oo nga naman, hindi nga pala ito nakipag-communicate sakanila kaya paano nito malalaman?
"Oo nga pala. Nawala sa isip ko na, umalis ka ng bansa at hindi nakipag-usap sa amin sa loob ng tatlong taon. Huh!" Inis na sabi ni Jarred.
Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa.
Hanggang sa umimik muli ang dalaga."Start na ng klase. Mauna na ako sayo." Tumayo na si Minzy at pupunta na sa klase. Ngunit nagsalita muli at humarap sa binata.
"Don't leave her, nor hurt her." Bilin ni Minzy.
Kahit nasaktan siya sa kaalamang ang bestfriend niya at ang ex-boyfriend niya ay mag-kasintahan. Tatanggapin at iintindihin niya. Dahil mahalaga sakaniya ang dalawa.
Tumayo si Jarred at humarap sakaniya. Ngumisi ito bago nagsalita.
"Oo naman. Hindi ko siya iiwan dahil ayoko siyang saktan. At sisiguraduhin kong may matinding dahilan ako kung bakit ako makikipag-hiwalay." Sagot ng binata.
Ngumiti ng pilit ang dalaga.
Tumalikod na ang binata para pumunta na sa klase niya. Pero may binitawan itong mga salita, na nakapanakit sa damdamin ng dalaga.
"Hindi naman ako katulad ng iba diyan. Yung makikipag-hiwalay ng walang dahilan. At basta na lang mang-iiwan ng hindi nagpapa-alam." Cold na sabi ni Jarred. Pagkasabi niya nun ay umalis na siya.
Naiwan si Minzy na nakatayo doon at hawak ang kaniyang dibdib na naninikip.
"Ouch. Ang sakit." Sambit ng dalaga sa sarili.
YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...