Its been 3 years since I left the Philippines. And now I am back.
I missed this country. Medyo madami din nagbago. Napangiti ako.
Pumara ako ng Taxi at sumakay na. Nagpahatid ako sa Easton.
I'm Minzy Jane Go, 16 years old na ako. I'm a writer, reader, singer, dancer, and I love playing instruments. Mabait ako, friendly. Matalino din ako. Kaya naman, nag-aral ako sa ibang bansa.
Nakarating na ako sa Easton, namiss ko to.
Bumaba na ako ng taxi at naglakad na. Konting lakad lang naman at makakarating na ako sa pupuntahan ko.
Pagdating ko sa may pinto, ang tahimik. Kumatok ako.
"Sino yaan?" Sigaw ni Mommy. Alam kong boses ni mommy yun. Hahaha.
Di ako sumagot. Kumatok ulit ako.
"Jeno, buksan mo na nga yung pinto." Utos ni mommy kay, Jeno. Kapatid ko.
Binuksan na ni kuya ang pinto at gulat siyang napatingin sa akin.
"I-ikaw ba iyan minz?" Gulat na tanong ni kuya.
Nginitian ko siya.
"Oo naman. I'm back!" Masaya kong sabi sakaniya at niyakap siya.
"Shit! Laki ng pinagbago mo Minzy!"
Tumawa lang ako. Napatingin ako kay mommy at nagulat din siya. Nginitian ko siya.
"Ma, I'm back" Pagkasabi ko nun, automatic na yumakap si mommy sakin.
"Bakit di mo sinabi na uuwi ka? Edi sana nasundo ka namin sa Airport!" Sermon ni mommy sakin. Natawa nalang ako, haha.
Bumitaw na sa yakap si mommy. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ang laki ng pinagbago mo. Ang ganda ganda mo na."
"Haha. Ma naman, matagal na akong maganda." Biro ko. Natawa naman sila.
"Kamusta ka naman dun? Nag-enjoy ka ba? Masaya ba dun?"
"Oo naman ma. Masaya dun, super enjoy ako." Masaya kong sabi kay mommy.
"Osiya, magpahinga ka na. Alam ko pagod ka. Kukuha lang ako ng mamemeryenda mo." Sabi ni mommy at pumunta na sa kusina.
"Minzy." Tawag sakin ni kuya.
"Bakit kuya?" Nakangiti kong tanong sakaniya.
"Naging masaya ka ba talaga dun?" Tanong niya.
Nawala yung ngiti sa labi ko. May gusto siyang iparating.
"O-oo naman. Bakit naman hindi." Kinakabahan kong sagot sabay iwas ng tingin.
"Oh come on minzy. We all know na hindi ka masaya." Pag-akusa niya.
Ano ba kuya, bakit mo ba binabalik sa past?
"Masaya ako kuya. Ano ka ba." Pinilit kong pasayahin yung boses ko.
"You can't lie to me. Alam ko na hindi ka naging masaya." He said na para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.
"Kuya." Napabuntong hininga nalang ako.
"Hindi nga ako naging masaya. Pero, I tried. Sumaya din ako kahit papaano."
Yun ang totoo. Hindi ako masaya nung umalis ako. I tried to be happy, and I did it. But not completely happy.
Nginitian ako ni kuya.
"Atleast you tried" Nakangiti niyang sabi.
Nginitian ko nalang din siya.
"Magpapahinga na muna ako kuya. Jetlag eh haha" Masaya kong sabi kay kuya.
Tumawa siya at tumango tango. Pumasok na ako sa kwarto.
I missed my room so much! Humiga ako sa kama ko. Namiss ko din to.
Nakita ko yung teddy bear ko. Bumangon ako at kinuha yon.
"Kamusta ka na? Miss na kita" And after I say that, I hugged the bear.
I miss you MJ.
![](https://img.wattpad.com/cover/39293279-288-k786975.jpg)
KAMU SEDANG MEMBACA
Living with HIM
AcakAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...