"Long time no see Yohan" Bati ko sakaniya.
"Is that really you?" She asked habang gulat padin.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Isn't it obvious?" Medyo sarcastic kong tanong.
Napalunok naman siya at medyo nawala na yung pagkagulat niya.
"Woah. W-welcome back, minzy." Medyo kinakabahan niyang sabi. Nginitian ko lang siya.
"Anyway." Singit ni Sandy.
Napatingin naman kami sakaniya.
"Anong sched niyo guys?" Sandy asked.
"Well, 8am ang klase ko. I have two vacants. After recess and after lunch. 5pm ang uwi ko." France said.
"Ako naman, 8am ang pasok ko. I have 1 vacant. Before lunch, 4pm uwi ko." Lance
"Well, 8am ang pasok ko. I also have 2 vacants. 1-3pm. 5pm ang end of class ko." Frank
"Ako naman, 9am ang class ko. I have 1 vacant and that is 1pm. Ang uwi ko ay 5pm." Sandy.
"Ah. Ako, 7am ang pasok ko. I have three vacants. Before recess, before lunch, and 3pm. 5pm ang uwi ko." Yohan.
Nagulat naman sila. Paano, ang ganda ng sched ni Yohan. Three vacants tapos five pm ang uwi.
"Woaah. Palit tayong sched!" Lance
"Oo ngaa. Ang swerte mo gurl." France
"Eh ikaw Minzy? Anong sched mo." Tanong ni Frank.
I looked at my sched. Well, okay nadin ang schedule ko. 9-5pm.
Magsasalita na sana ako, kaso, may biglang dumating.
"Hi guys!! Hi love!" Bati niya sa amin. Then, sabay halik kay Yohan.
"Hi bro." Lance
"Ehem. Aga nan ha." Reklamo ni Sandy. Bitter hahaha.
"Anyway, anong sched mo?" Tanong ni France sakaniya.
Tumingin siya sa sched niya and nagkibit balikat.
"Uhh. 9am ang start ng class ko. I have two vacants. Before lunch and 3pm. 5pm ang uwi ko." He said.
Then napatingin siya sa akin. Omg. Fhudge.
"Ohh. Andito ka na pala. Hi Minzy" He greeted me. Awkward.
Minzy. Hindi Jane. What do you expect? Na tatawagin ka niya sa dati niyong code endearment? Wag kang umasa. Tss. I smiled at him. Fake.
"Hi, Jarred." I greeted back.
Silence. Napansin nila na ang awkward ng atmosphere. Kaya naman umimik na si Sandy.
"Ehem. By the way, anong sched mo bestie?" Sandy asked.
I looked at them, paano ko ba sasabihin? Hays.
"Uhh." Panimula ko.
Nagtaas ng kilay si Sandy. Kaya naman, sumagot na agad ako.
"Same sched kami ni Jarred eh." Alanganin kong sagot.
Natigilan sila. I knew it. Tsk bakit kasi same sched pa kami? Napatingin ako kay Yohan. Nag-iwas siya ng tingin.
"Meaning, classmates kayo?" France asked. Gulat padin siya.
Tumango ako ng marahan. Sabay iwas ng tingin sakanila.
Silence. Nakabibinging katahimikan.
"Well." Putol niya sa katahimikan. Di ko siya nilingon.
"Okay yun ah. Atleast, may kaklase ako sa barkada." He tried to make his voice sound okay.
Well, alam kong ayaw niya ako maging kaklase. What can I do? Eto binigay sa akin na sched eh. Tsss.
"Don't be jealous, love." He said at umakbay kay Yohan.
Tumingin si Yohan sakaniya at ngumiti.
"I'm not." She said then kissed him on the cheek.
Then she looked at all of us. Then she smiled. She looked at me, she smiled, pero umiwas ako ng tingin.
Nakita ko sa peripheral view ko na nawala yung ngiti niya.
"Well guys, let's go to our classes na. First day pa naman." Yohan said.
Nagpaalaman na kami at nag-kasundo na magkikita-kita after class dito. Umalis na sila pero, naiwan ako dito.
Gusto ko mapag-isa. Mag-muni-muni.
Akala ko ako nalang natira pero, may nagsalita sa likod ko.
"Minzy." He called.
Lumingon ako sakaniya.
"Let's talk." He said. Then sat beside me.
Oh God.
AN: Hi readers! Sorry, lame ba? Hahaha. Btw, Marcus Jarred Yu ang full name ng ex ni Minzy :"> Keep supporting! Thank you! Vote and comment :* Loveyou all
YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...