"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong.
"Well, dito ako nakatira." He said sarcastically.
Inirapan ko siya.
"Fine. Oh? Anong kailangan mo sakin?" Mataray kong tanong. Kahit deep inside, kinakabahan ako. Ohmygee.
"Bakit kayo dito titira?" He asked.
Hindi ko nga alam eh, tas itatanong mo pa sakin? Loko ka ah.
"Ask my mom. Not me, because I also don't know why." Walang emosiyon kong sabi sakaniya.
He looked at me straight in the eye. Kaya naman umiwas ako ng tingin.
"Is this your mom's plan?" He asked.
Napalingon ako sakaniya.
"What are you saying?" I asked.
"Plano ba ng mommy mo to? Iniisip niya ba na magkakabalikan pa tayo? Well, I already have a gi—" Pinutol ko yung sasabihin niya.
"Walang alam ang mommy ko sa relasyon natin." Diretso kong sabi. Natahimik siya.
"Kung yun ang iniisip mo, nagkakamali ka. Walang alam si mommy tungkol sa atin. Di niya alam na naging tayo. Kaya wag kang mag-feeling." Seryoso kong sabi sakaniya. May inis sa tono ng boses ko.
Nanatili siyang tahimik at nakatitig lang sakin. Tinry ko titigan din siya, pero di ko kaya. Iniwas ko ang tingin ko.
Anong akala niya? Na kaya kami tumira dito ay dahil gusto ko makipagbalikan? No way.
"Uhhh. So hindi pala alam ng mommy mo yung naging serious relationship natin." May pagka-disappointed niyang sabi.
Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko sinabi sakaniya."
Napatingin ako sakaniya. Nakatingin din siya sa akin.
"Kung ayaw mo naman kami dito, sasabihin ko nalang sa mommy ko na mag-rent nalang kami. Sasabihin ko nadin sa mommy mo." Seryoso kong sabi.
Napabuntong hininga naman siya.
"No. Its okay. Magkaibigan ang parents natin. Ayokong malungkot si mommy." Sabi niya sabay tingin sa mga mata ko.
Iniwas ko naman ang tingin ko. Geez. Di ko talaga kaya makipag titigan sakaniya.
Nakakabingi ang katahimikan. Walang nagsasalita o umiimik sa aming dalawa.
Ako nadin ang bumasag sa katahimikan, di ko kaya yung ganito katahimik eh.
"Siya pala ang mommy mo." Sabi ko.
Tumingin ako sakaniya.
"Ang ganda niya sa personal." Nakangiti kong sabi.
"Maganda naman talaga si mommy eh." Medyo may inis sa boses niya.
Problema niya?
"Like what I have told you nung tayo pa. Parehas kayong maganda." He said while looking in my eye. Di ko naiwasan yung titig niya, nagtitigan kami.
"Pero, si mommy."
Naghintay lang ako ng sunod na sasabihin niya.
"Hindi marunong mang iwan si mommy ng walang dahilan." Pagkasabi niya nun, lumabas na siya ng kwarto.
OUCH.
Hindi ko naman sinasadyang iwan ka. May dahilan ako, pero di ko kayang sabihin. Sorry.
YOU ARE READING
Living with HIM
RandomAng tagal na panahon mo nanirahan sa ibang bansa. Sa pag-uwi mo sa Pilipinas, ay hindi inaasahang nasunog ang inyong bahay. At no choice kayo kundi tumira sa bahay ng isang kaibigan ng mommy mo. Pero, ang kaibigan ng mommy mo ay ang mommy ng ex boy...