Kabanata 3

2.1K 61 1
                                    

Soundlessly***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Soundlessly
***

His name was K.G. Alustre, and he has no DP,  ang background niya lang ay isang sea of clouds na may sunrise. Probably sa isang mataas na bundok.

I checked his account and wala man lang akong nakita ni isang post o shared post man lang. Five years old din yung account kaya hindi naman siguro troll. Pero paano niya na maintain na wala siyang ni isang activity sa NF niya. Do he even react or comment? O baka naman dummy account lang 'to.

Regardless, I decided to push through with him. Wala naman akong importanteng kailangan sa kanya.

Constelaine: "Hello po.☺"

I assume, COC is for College of Chemistry? Same college sila ni Hillary, at kahit hindi ako sigurado kung same year ay may chance naman siguro na kilala niya ang babae.

Na-seen agad ang reply ko and he was now typing. Wala pa yatang five seconds nang mag pop ang reply niya. Keyboard Warrior siguro ito.

K.G.: "Hey! Good evening."

Okay... What's next? Nag hintay akong mag appear ang tatlong tuldok pero 1 minute na ay wala pa rin. Isn't he going to ask me, "Ano gwa mo?" and then I'll answer him with "1.18." Sheeet, corny.

I was a bit disappointed at his impassiveness, I thought that he would be eager to chat with me since siya ang unang nag message. Guys of my experience were like that.

Dahil mukhang wala naman siyang balak mag follow up, ako na ang gumawa.

Constelaine: "So, you're from SBU?"

Automatic seen agad at parang naka auto reply din siya dahil wala pang limang segundo ay may sagot na.

Hmm... Maybe he's not that impassive at all.

K.G.: "Yup!"

Kaya naman pala mabilis sumagot. Tatlong letters lang. Medyo boring na tuloy siyang ka chat. Nasaan na yung tatadtarin ako sa tanong na akala mo ay panelist sa defense?

Constelaine: "Anong course mo doon?"

Okay lang kahit anong tipid ng sagot niya, importante, mabilis mag reply. Time is gold.

K.G.: "I'm taking Chemistry. You?"

Sa wakas! Nagtanong din.

Constelaine: "Me? Educ ako sa CSU."

Chemistry? Matalino siguro ito. Pero hindi mo naman talaga kailangang maging matalino para mapunta doon, ang importante ay masipag ka.

K.G.: "So you want to be a teacher?"

Constelaine: "Hindi. Gusto ko kasing maging doctor kaya ako nag Educ." Duh, obvious buh?

K.G.: "Funny. Your student must be always laughing when you are their teacher."

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon