Kabanata 20

1.3K 35 6
                                    

Sorry***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sorry
***

Pakiramdam ko ay sobrang napahiya ako roon kahit na wala naman talaga sa amin ang pansin ng lahat. Siguro kay Evry, oo.

I was close to crying when I decided to reclaim my dignity. Kung ayaw nila, edi akin na lang.

Tumayo ako at inabot ang plato na parang walang nangyari, na parang hindi nagpupuyos ang kalooban ko.

"Akin na kung ganoon," kunway balewalang sabi ko. Napasulyap ako kay Evry na mukhang nagulat din sa sinagot ng kaibigan at tiningnan ako ng may halong awa.

Gosh! I want to smack him in the face! He did this to me and now he's looking like he's pitying me! Mas lalong nag-init ang ulo ko sa kanya!

Kinuha ko ang squeezer na may lamang hot sauce at garlic sauce. I squeezed a generous amount of it on the crust para magkaroon ng lasa then I ate it with my fork and knife with my head held high.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

Suminghap ako at doon na namalayang maanghang pala talaga yung hot sauce pero tolerable naman.

"Elaine, you're crying!" manghang bulalas ni Huntleigh at dali-daling kumuha ng tissue paper sa bag niya.

"Tubig." Bahagyang itinulak ni Evry ang iced tea ko. "Bakit mo naman kasi binuhusan ng hot sauce, iyan tuloy nasusunog na ang bibig mo."

Now I had the excuse of why I'm tearing up. Kumurap ako at nasulyapan si Gustave na pinapanood ako. He was looking guilty and regretful.

Isa pa itong gusto kong suntukin sa mukha. He just rejected me, can't he just stop there and refrain from giving me those guilty look? Mas lalo lang akong naiimbyerna.

Pilit kong inubos ang pizza crust na lumalangoy sa hot sauce. Nakakapagsisi pero pinanindigan ko na kahit parang sasabog ang bibig ko sa anghang at ang tiyan ko sa busog.

My eyes locked with Ara and she gave me that pleading look. Mukhang walang epek kasi ang mga pinaggagawa niya kay Alpha.

Well pareho lang tayong miserable ngayon, Ara. Panindigan na lang natin ang mga desisyon natin sa buhay at matuto sa mga pagkakamali.

Pagkatapos ng lunch ay nagbalak pa sana kaming gumala sa Skyranch nang tumanggi si Ara. Hindi na natuloy dahil umayaw din si Alpha. Mabuti na rin iyon, wala na kasi akong gana para ipagpatuloy pa ito.

My inner introvert is kicking in. I felt so drained and I needed solitary time to regain my energy.

Sumabay kami ni Evry kina Huntleigh, sa likod kami ni Rai habang sa harap ang mag pinsan. Si Gustave ang nagda-drive. Si Ara ay pinilit kong sumakay na kay Alpha. 

Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni Gustave sa rearview mirror. Ang kanyang mga mata ay namumungay na parang may nais iparating.

I rolled my eyes at hindi na ulit tumingin doon. I kept my eyes out of the window even if my neck started to ache.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon