Kabanata 21

1.2K 38 6
                                    

Close***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Close
***

With a gaping mouth and glittering eyes, I fixed my gaze on one of God's wonders. I quickly wiped away the remaining tears that made me see blobs of colorful lights from the Christmas lights nearby.

"Ah, uhmm..." I tried to clear out my throat and hid my eyes away from him. I was embarrassed that he had to find me in this state. "Gustave," usal ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

It's five o'clock na rin kasi. Marami ng students ang nagsisi uwian. Kaninang alas kwatro naman natapos ang huling klase ko bago ako ipatawag ni Ma'am Valleria.

"Susunduin ko si Hunt," malamyos ang boses na sagot niya. Napatingin ako sa direksyon ng college ni Hunt. Sa may dulo pa ang COA, bakit nandito siya sa tapat ng Teacher Education?

"Ah, ganoon ba? Sige, puntahan mo na siya, baka tapos na ang klase niya."

Matagal muna siyang tumitig. Nakaramdam ako ng ilang sa ginagawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Okay," tipid niyang sabi at tumalikod na. I watched his back retreat from me until his form blended with the crowd. Napahawak ako sa dibdib nang madama ang sobrang pamimigat niyon.

Nang hindi ko na siya makita ay pumasok na ako sa college at ipinasa ang mga requirements sa assigned staff na nandoon.

I attended our org. practice na para akong walang ulo. Lutang at wala sa sarili.

"Okay na po ba ito, Ate? Ate?"

"Ha?" Para akong timang na nagising sa pagkatulala. Nagta time travel pa kasi ang brain cells ko sa nangyari kanina. Ang pag-iyak ni Aileen, ang panenermon ni Ms. Valleria na pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila.

"'Yung beat ko po kung ayos siya," ulit ng minementor ko.

"Ah, s-sige. Pasensiya na, pwedeng ulitin mo?" medyo nahihiyang sabi ko.

I pulled myself together and tried my best effort to act sane. Thankfully, nairaos ko naman iyon na hindi ulit naipapahiya ang sarili.

Nang uwian na namin ay panay ang tingin ko kay Dorcas. I'm still worried that she might say something to my parents about what she saw at the faculty. Ironically, best friends ang mama namin kaya close din siya sa mga magulang ko.

Dorcas treated me like an air, hindi tinitingnan at pinapansin. I don't know if wala talaga siyang pakialam or she's up to something with that silence. I hope that she sticks to her word, sumbongera kasi siya noong bata kami.

Bagot na bagot kong inayos ang mga gamit. Ako ang isa sa mga huling lumabas kaya halos wala nang tao sa corridor. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa mga oras na iyon gayong wala naman akong masyadong ginawa.

"Bye, Elaine," paalam sa akin ni ma'am at kumaway ako.

Nagulat ako nang paglingon ko ay nabungaran ko si Gustave na nakaupo sa pangatlong baitang ng hagdan paakyat ng second floor. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanya.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon