Kabanata 6

1.9K 62 3
                                    

Betrayed***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Betrayed
***

Para akong natuod sa kinatatayuan at ilang segudong hindi nakagalaw. I formed and forced an awkward smile at Lola Lorna and took a step towards the kitchen slash dining room of our house.

Nakasuot siya ng apron at may basahan sa isang kamay. She gave me a once over and my nervousness heightened, thinking that she might read what I did.

Ibinaba ko ang pouch sa counter sa tabi ng air fryer at nginitian siya.

“Uh, sina mama, po?”

“Nasa taas, ang daddy mo ay lumabas.” Muli niya akong pinasadahan ng tingin. “Saan ka ba galing?”

“S-sa bahay lang ng classmate ko po. Kina R-reanna,” pagsisinungaling ko. Pumupunta rin kasi ang babaeng iyon sa bahay.

“Aba’y bakit ngayon ka lang umuwi? Alam ba iyan ng mama mo?”

I was about to say yes and lie when my mom suddenly materializes from the door. Akala ko ay wala na akong ine-nerbyos, meron pa pala.

“Constancia?” kunot-noo niyang baling at humalukipkip. “Ngayon ka lang nagising o ngayon ka lang nakauwi?” her thunderous voice asked. Matalim ang kanyang tingin habang pinag-aaralan ang itsura ko. Nagtagal ang tingin niya sa fluffy inside slipper na hiniram ko.

I did a swift glance at my pouch beside the air fryer, hoping and praying na hindi niya iyon mapansin. Or else…

“Kagigising lang niya, Samira. Nagutom na yata kaya naisipang bumaba,” bigla ay sabi ni Lola na siyang ikinagulat ko.

Napatingin ako sa kanya ngunit kay mama nakatuon ang mga mata niya. Mom eyed me, seemingly waiting for a confirmation.

“A-h, opo. Napuyat po kasi ako kagabi. Nakatulog ako agad, hindi na nakapag palit.”

“Anong oras ka ba umuwi kagabi? Napapadalas na iyang paglabas-labas mo. Sa pasukan ay hindi ka pwedeng ganyan.”

Lumunok ako at nagbaba ng tingin. “Yes, ma. Sorry po.” I don’t know what I’m being sorry for, maybe sa lahat ng kapalpakan ko. Kahapon, kagabi at sa mga susunod pa.

She heaved a sigh. “And where did you get those slippers?”

“K-kasi ano… binili ko siya sa Shopee.”

Nakakunot-noo pa rin siya pero hindi pa nag-usisa. “Okay. Eat then take a bath then pumunta ka sa office, help me with the papers.”

I nodded. “Opo.”

She was gone after that.

I let out a breath that I didn’t know I had been holding.

Binalingan ko naman si Lola Lorna nang marinig ko siyang bumuntong-hininga.

“Huwag mo na ulit gagawin ang ginawa mo kagabi.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi sigurado kung anong ginawa ko kagabi ang tinutukoy niya. Alam ba niya? Do I still smell like sex? Pero nag linis naman na ako kanina. Is it my clothes? I fought the urge to smell and check myself for a kiss mark na baka hindi ko nakita.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon