Kabanata 9

1.6K 56 3
                                    

Account***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Account
***

Pwede ba akong lamunin ng lupa ngayon? Kung hindi, ako na mismo ang magbabaon sa sarili sa sobrang hiyang nararamdaman ko ngayon.

“Ha?” He, too, looked stupefied at my answer.

Adrenaline rushed through my veins and blood started surging to my face.

Naglumikot ang aking mga mata. “I mean— inihaw. Gusto ko ng inihaw!” sa panic ay bahagyang napataas ang boses ko. Mas lalong nag-init ang mukha ko nang magtinginan ang ibang mga kasama namin.

“Pero Elaine, walang inihaw dito,” natatawa na sabi ni Ronin.

Wala ba? Oh, right! Nasa McDo pala kami, I thought we’re in Inasal. Shit, ang lutang mo, girl!

I brushed the tendrils of hair on my cheek that had been dampened by my sweat and laughed awkwardly.

“Ah, akala ko kasi nasa Mang Inasal tayo.” Natawa na rin ang iba. I cleared my throat and look at Gustave. “Uh, kahit burger and a very cold glass of coke, please.”

Ngumisi siya na tila naaaliw at tumango. “Sige, iyon lang ba? Ayaw mo ng inihaw?” His voice turned taunting when he said the “Inihaw” word, pinaglalaruan niya ako.

Umiling lang ako. “Wala naman silang ganoon dito.”

“Pwede naman akong bumili diyan sa tabi.” Napaawang ang labi ko at muling umiling.

“H-hindi na. Baka sitahin ka pa.”

“Pero gusto mo?”

Mariin akong umiling. “H-hindi na talaga.” And will you please stop grinning? Mas lalo akong nahihiya.

“Okay.” Tumayo na siya at pumunta sa counter kasama si Evry.

“You okay? You look tired kanina pa,” untag ni Ronin. Bumuntong-hininga ako at nanghihinang ngumiti. Gutom na gutom na talaga ako. Kaya siguro ako lutang. Naalala ko ulit iyon.

“Ano’ng gusto mo?”

“Ikaw.”

Tangina, nakakahiya talaga iyon!

“Ayos lang, puyat lang kasi ako saka gutom na rin.”

“Puyat sa lesson plan o sa ka chat.”

Mahinhin akong natawa. “Neither. Wala pa kami sa lesson plan part, sa ka chat naman. Wala namang nagcha-chat.”

“Talaga?” Nilabas niya ang phone. “Then pwede ako?”

Pabiro akong umingos. “Flirt,” malawak ang ngiti na bansag ko.

“What? So hindi ako pwede?”

Napailing ako. Napunta ang tingin ko sa counter at sinalubong ang mga mata ni Gustave habang naka kunot ang kanyang noo. Kinakausap siya ni Evry pero parang wala siyang naririnig, para na tuloy tanga si Solomon doon na nagmo monologue.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon