Kabanata 23

1.3K 39 13
                                    

Pakakasalan***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pakakasalan
***

I placed my fourth rose in the crystal vase na ninakaw ko sa library nina mama. Hindi rin kasi iyon halos nagagamit kaya kinuha ko na. Ang box ng rose ay itinabi ko kasama ang tatlong iba pa sa ilalim ng bed ko.

The fourth rose in the vase signifies Gustave's fourth day of courting. Sa nakalipas na dalawang araw ay personal niyang ibinigay sa akin ang rosas sa tuwing susunduin niya ako sa umaga. Ngayon naman ay weekend at pinadala na lang niya sa errand boy niya yata iyon dahil may fieldwork sila.

Nawala ang ngiti ko nang tumunog ang phone ko. Naningkit ang mga mata ko sa nabasa.

Cap's "Bulaga! 23 ka na" Party

Evry Solomon added you to the group and 11 others.

Shuta, ano 'to?

Rai Solomon: "E yow!"

Asher: "Yow yow yow! What's up man!🤘"

Heron: "Good EvE$!"

Bwisit, mga jeje!

Pumunta ako sa settings ng group at pinalitan ang pangalan niyon.

You changed the group name into Samahan ng Jejemonsters.

Rai Solomon: "Hoy! Constantine, bakit mo pinalitan?"

Heron: "Sinong Jejemonsters."

Asher: "Elaine, look at me, this is not you! Pakibalik please."

Ismael: "Gago, Jeje monsters?🤣🤣🤣"

Ronin: "Reklamo pa kayo. Bagay naman ah!"

Heron: "Hoy, @Ronin Pelaez baka ikaw 'yung jeje dito dinamay mo pa kami."

Ronin: "Sino ba 'yung nag good EvE$ dito?"

Heron: "Gago neto, typo lang 'yung $! Good evening naman talaga iyon, tinamad lang ako kumpletuhin."

Ronin: "@Constancia Elaine, paniniwalaan ba natin siya?"

Constancia Elaine: "Kunwari oo para hindi umiyak."

Rai Solomon changed the group name into Cap, 23 ka na, pwede ka na mag-asawa.

Constancia Elaine: "Para saan ba kasi itong GC? Akala ko naligaw ako sa grupo ng mga jeje na na stuck noong 2013."

Asher: "Payag kayo doon? Nilalait-lait tayo nitong nililigawan ni multo."

Heron: "Bakit, kapag sinabi kong hindi ako payag, may magagawa ka?"

Asher: "Wala. Deserve mo kasi iyon, Good EvE$."

Asher Vincente set the nickname for Heron Millano to Good EvE$.

A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon