Orphan
***Nangangalay na yata ang bibig ko dahil kanina pa ako nakangiti habang nasa National Bookstore kami ni Gustave. It's weekend at nagpasama ako sa kanya na pumuntang mall para bumili ng highlighter. Ang pagbili ng Stabilo Boss na nauwi sa date.
Ang gwapo ng pormahan niya. Simpleng black v-neck shirt na walang design, then jeans at Van's naman ang pag-ibaba and of course, his signature watch na hindi nawawala sa kanya.
Siyempre, hindi na yata makokompleto ang NBS experience ko kung hindi ako pupunta sa book section. Kahit lapis lang bibilhin ko ay hindi pwedeng hindi ako dadaan dito.
"Bibili ka ulit ng libro?" he asked while I was checking the available titles on the shelves.
"Uh-huh," I answered with a nod.
"But you bought a ton of books last month."
I pouted and frowned at him. "Anong a ton ka diyan. Pitong libro lang kaya iyon."
"Pitong libro na hardbound. Did you even finished reading those?"
Pilyang ngumisi ako. "Siyempre hindi! Magkaibang hobby ang book reading sa book buying, okay?" Nagpatuloy ako sa paglibot ng shelves. "At saka, hindi pwedeng hindi ako bumili ng libro sa isang buwan kun'di dahil para akong magkakasakit."
He looked at me incredulously and shook his head. "I didn't know that books can be a sort of maintenance," he said.
Pinahawak ko sa kanya ang ibang librong hindi ko na kayang bitbitin. Most of them are English titles and the others are written by local authors.
Nasa may nonfiction area kami nang may hugutin siya sa shelf at ipakita sa akin iyon.
'A Guide to a Successful Parenthood' ang title.
Natatawa ko iyong kinuha at binalik sa shelf.
"What do you need that for?"
"Why, we will need that in the future. It might help."
Kinuha niya iyon at idinagdag sa stack ng books na nasa kamay niya. Hinayaan ko na lang, mukhang seryoso, eh.
We continued to that shelf nang may kunin siya ulit.
'The Joy and Pain of Marriage'
"Gustave, ano ba?" napipikon na saway ko. His laughter echoed in my ears but still kept the book in his hands.
I feel like he's taunting me with those titles. Parang may gustong sabihin.
Umalis na kami doon dahil baka kung anong libro ulit ang kunin niya.
Pumunta na kami sa cashier after. 'Yung pagbili ko ng isang highlighter, nauwi sa siyam na libro.
"That would be 4, 849 pesos, ma'am," ani ng cashier kaya hinalungkat ko na ang wallet ko. Halos wala na iyong laman nang kunin ko ang apat na libo at limang daan. Lihim akong napamura dahil mukhang kukulangin pa yata ang pera ko.
BINABASA MO ANG
A Gust Of Constellations (Cold City Series #3)
RomantiekCold City Series #3: A Gust Of Constellations "She's my gust of constellations, my sublime serenity." - Kasper Gustave D. Reanzares *** On a brief night of lunacy, Constelaine decided to break free from her parent's pressures and follow no rules but...