My Childish Wife
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
[Third persons Pov]
Ilang araw na ang nakalipas ng mangyari ang sa MOA.hindi na niya tinangka pang magpakita kay leo kahit gustong gusto na niya talaga.
Ika 25 birthday na ngayon ni leo at lahat ng pamilya niya ay invited.
"Nicole wag kang magkalat sa party ha." paalala ng kuya niya.alam namin kasi ng mga ito ang kalokohan at kabaliwan niya kay leo.
"Hmmmp!!!break na kami kuya!" nakasimangot na sagot niya sa kapatid.
"Sus ikaw?bakit ka niya hiniwalayan anak?" tanong ni mommy niya.
"Wow mommy ha.ako kaya ang nakipagbreak sakanya AKO PO" ..napipikon na sabi niya sa ina.
"Sus oli naman parang hindi kita anak.ikaw makakaya mong hiwalayan si leo?" ..hindi makapaniwalang sabi ng mommy niya.
"Believe it or not ako talaga ag nakipaghiwalay sakanya mom". pangungumbinsi niya sa ina.
"Tumigil kana nga oli ang ingay mo e wala naman kayong relasyon ni leo" ..saway ng kuya niya habang karga ang cute na baby nila ni jane
"Hon?akin na si baby padedein ko muna" kinuha na ni jane ang anak kay karl at kinuha ang beberon sa baby bag na dala nila.
"Hahaha ang cute talaga ng apo ko mana sa lola buti nalang tahimik lang siya hindi nagmana dito sa tita niya" ..nakangiting sabi ng mommy nila habang nakikinig lang ang daddy nila at patuloy sa pagdadrive.kung tutuusin ay isa silang larawan ng perfect at masayang pamilya.
"Sa akin kaya nagmana yan mommy.akala mo naman.makapanlait ka sa akin wagas ah.e sayo lang din naman ako nagmana" sobrang ingay ng mag ina habang nasa biyahe sila si jane ay sobrang sakit na ng tiyan sa kakatawa habang ang mag ama ay naiinip na sa asaran ng mag ina.
Pagdating sa party ay marami na ang tao.medyo agaw pansin din sila dahil halos lahat ng kababaihan ay humahanga parin kay karl habang bitbit nito ang anak nila ni jane.
Pagkatapos ng pasasalamat ni leo sa mga nagdalo ay nagkainan na sila.halos mapapatay na ni nicole ang kanina pang kumakapit sa braso ni leo na si shane.
"Sus hanggang tingin kalang ba Oli?akala ko ba matapang ka?" bulong ni jane sakanya ng mapansing ang sama na ng tingin ng kasama sa dalawa.
"Dito kalang ate ha!" tumayo bigla si nicole at nagmamadaling lumapit sa dalawa na ngayon ay nakaharap sa mga bisita at reporter na nag iinterview sa dalawa.
"My loves!!!!" malakas na sigaw niya papunta kay leo na todo ngiti kaya napalingon ang mga tao sakanya.maganda naman siya sa suot na black cocktail dress ang cute niya.
kanina pa nga siya pinagtitinginan ng mga kalalakihan kaso mas nakafocus talaga siya kay leo.para sa dalaga ay wala ng ibang lalaki para sakanga kundi si leo lang at hinding hindi niya susukuan ang binata hanggat hindi niya ito nakukuha.
"Happy birthday my loves!". tapos sabay kapit sa leeg nito at hinalikan sa lips ang binata.halos lahat ng bisita ay nagulat sa ginawa niya lalo na nang mga reporter na nasa harap nila na nag iinterview kay leo kanina.
"What are you doing?" ..galit na sabi ni leo.kung pwede niya lang sanang ipahila sa guard ang dalawa ay ginawa na niya ang kaso ay nahiya sya sa mga magulang nito at bestfriend pa niya ang kapatid.
"Bakit?hindi ko ba pwedeng esurprise ang fiance ko?".. malambing na sabi niya habang pasimpleng tinulak si shane para maghiwalay sila ni leo.
"Totoo ba ang sinasabi niya na fiancee mo siya leo?"- reporter 1
"Paano na ang relasyon nyo ni shane"- reporter 2
"Matagal na ba kayo?kelan ang kasal?"- reporter 3.
Sunod sunod na tanong nila kay leo at nagkikislapan na ang camera.si nicole naman ay todo ngiti pa sa harap ng cameraman.
"Sorry guys.i think she really didnt mean what she said.hindi ko po siya fiancee.family friend ko lang siya alam nyo naman po bestfriend ko ang kuya niyang si karl". pagpapaliwanag ni leo sa mga ito.
"Family friend?ibig sabihin matagal na kayong magkakilala?sya ba ang non showbiz girlfriend mo?di mo naman kailangang e deny ang ganda naman ng batang to!bagay kayo"..sabi ng medyo matanda ng reporter
"Thank you po kuya..ayieeee my loves bagay daw tayo oh". mas lalo pang kumapit ito sa braso ng binata habang si shane ay naitsapwera na.
"Naku nagkakamali po kayo.ganito lang talaga siya.. mapagbiro". hinging paumanhin niya.
"Kung totoo man pong family friend lang siya may tendency ba na mahalin mo siya?o mahal mo na ba siya?" .tanong uli ng babaeng reporter na halos kasing edad lang niya.
Medyo natigilan si leo sa tanong sakanya.
"No!hindi ko siya mahal and i will never love her more than a little sister.".
Kampante niyang sagot sa mga ito.medyo lumuwag ang hawak ni nicole sa braso ng binata.halos hindi makapaniwala sa narinig.
Alam niya na ganon lang siya kay leo bilang isang nakakabatang kapatid pero ang e deny sa harap ng marami ay napaka sakit pakinggan sakanya but she still manage to smile..ayaw niyang ipahalata sa harap ng lahat na nasasaktan siya.
"Excuse us!" mahigpit na hinawakan siya ni leo sa braso at hinila palabas sa party hanggang makarating sila sa garden.
"Alam mo ba ang ginagagawa mo nicole?ilang beses mo bang gustong sirain ang buhay ko" galit na wika niya sa dalaga.yong tipong ama na sinesermonan ang pasaway na anak dahil nagkalat ito sa isang party.
"Hanggang sa magsawa kana at mahalin mo din ako leo!". sagot niya sa binata at matapang na tiningnan ito sa mga mata.
"Grow up oli!!!!..pang ilang beses ko ba sabihin sayong hindi kita mahal. mahirap bang intindihin yon?at lumayo kana sa akin.ayoko ng makita kapa!.just give me a privacy" ..halos hindi niya alam kung ano ang gagawin sa dalaga para tumigil na ito sa kakahabol sakanya.
"Bakit ba leo?bakit hindi mo ako kayang mahalin?bakit hindi ka marunong tumupad sa pangako?bakit napaka sinungaling mo??BAKIT??????".. naiiyak na sabi ng dalaga.kanina pa kasi niya pinipigilan ang mga luha pero ngayon ay kusa na itong pumatak.
"Buong buhay ko minahal kita!!kahit noong bata pa ako ikaw lang ang buhay ko.sayo lang umikot ang buhay ko..huhuhu pero bakit pinangakuan mo ako?bakit pinaasa mo ako?bakit niloko mo ako?nagtiwala ako sayo leo e" patuloy lang sa pag iyak ang dalaga.sira na rin ang makeup niya.
"Dahil napakakulit mo na.dahil hanggat hindi ko sinasabi na gusto din kita ay hindi ka tumitigil!dahil nakukulitan at nabebwesit na ako sayo at higit sa lahat napaka BATA mo pa...naintindihan mo?" .pilit niyang pinapaintindi sa dalaga.
"Huhuhu ang sama mo leo.wala akong kasalanan sayo maliban sa minahal kita.wala akong ginawa sa buong buhay ko kundi ang walang sawang mahalin ka araw araw minu minuto at segu segundo pero ito pa ang kapalit mo.tao din ako leo marunong umasa sa konting salita mo at higit sa lahat marunong din ako masaktan kahit pa sabihin kong mahal na mahal kita". panunumbat niya sa binata.
"Isa pa leo kailan pa nagkaroon ng age limit ang pagmamahal?kapag mahal mo ang isang tao ay walang bata o matanda.kung kaya ko lang pigilan ang puso ko tingin mo maghahabol ako sayo?tingin mo magiging tanga ako sa kakahabol sa taong alam kong hindi naman ako gusto????". mahabang litanya niya dahil sobrang nasasaktan na siya sa sinasabi ng binata.
"Tama na nicole.wag mo na akong habulin pa nagsasayang kalang ng oras!" walang ka buhay buhay na sabi niya sa dalaga na hanggang ngayon ay todo sa pag iyak pa.
"Yon ba talaga ang gusto mo?sige.makakaasa ka na hanggang ngayon nalang kita mamahalin.bukas pag gising mo ay hindi na kita mahal.kakalimutan ko na minsan sa buhay ko ay minahal ko ang isang walang puso kagaya mo!" ..taas noo na sabi niya kay leo.
"Sana darating ang araw na ikaw naman ang magmahal sa akin ng sobra para malaman mo kung gaano kasakit ang umasa". tumakbo na ito pabalik sa party at naiwan si leo.ayaw niyang saktan si nicole pero kailangan nitong matanggap ang totoo.
Bumalik na siya sa loob ng party at nakihalubilo sa mga bisita.hindi na rin niya pinansin ang mga reporter.
"Oyyy pare happy birthday.pasensya kana kay oli ha" ..hinging paumanhin ni karl na umaasang hanggang ngayon ay unawain parin niya ang kapatid dahil alam niyang sobrang napipikon na si leo kay oli.
"Naku hijo nakakahiya ang ginawa ng pasaway na batang yon". .dagdag pa ni ginang montemayor.si jane naman ay kalong na ang anak na nakatulog.
"Wala po yon sanay na ako sakanya!" wala na din naman siyang balak na sabihin pa sa mga ito ang pag aaway nila sa garden kanina.hindi na rin niya nakita pa si nicole sa loob ng party.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakasalubong ang kilay niya ng makita si nicole na may kasamang lalaki at nakipagsayawan sa gitna ng dance floor.
"Shiit excuse me!". paalam niya sa kausap ng makitang hinihila na nito ng kasayawan palabas ng bahay.
"Excuse me pare saan mo siya dadalhin?" naikuyom niya ang kamao.
"Oyyy pare gusto daw niyang umuwi na ihatid ko lang". ..sabi ng binata.
"Ah ganon ba?sige bumalik kana sa loob ako na ang bahala sakanya kapatid to ni karl". alam ng binata na bestfriend niya si karl kaya umalis na din ito at iniwan sakanya ang lasing na lasing na si nicole.
"Ano ba ang ginagawa mo nicole ha". galit na hinawakan niya sa braso ang dalaga.
"Bitiwan mo ako..hindi kita kailangan leo mula ngayon isinusumpa ko hinding hindi na ako maghahabol pa sa lalaking walang ginawa kundi saktan ang puso ng ISANG BATA. . isang bata na walang ginawa kundi ang umasa na mahalin din ng isang matanda..". malakas na itinulak siya ng dalaga kaya natumba siya.
Biglang tumakbo si nicole sa van na gamit nila kanina at pinaandar.hinabol niya ito.
"Shiiiit nicole di ka pwedeng magdrive lasing ka!". galit na sabi niya habang kinakatok ang bintana.alam niyang reckless ang dalaga..
"Damn!!!". mura niya ng umandar ang sasakyan.
Dali dali niyang kinuha ang ducati.mabuti nalang dahil nasa bulsa niya ang susi nito kaya nasundan niya ang dalaga.sobrang bilis ang pagpapatakbo nito ng van.
"NICOLE!!!!!... sigaw niya ng makitang paliko na sana ang van ni nicole nang biglang may sumulpot na taxi.isang malakas na basag ng salamin at salpukan ang narinig niya.ngayon lang siya kinabahan ng ganito.alam niyang sobrang laki ng damage ng sinasakyan ni nicole
Dahil sa nakita ay nawala ang konsentrasyon niya sa pagdadrive at dahil sa pagkataranta kaya hindi na rin niya napansin ang mabilis na kotse na makakasalubong niya.
Pilit man niyang iniiwas ang ducati na dinadala pero huli na ang lahat.
Sa gabing iyon dalawa ang malaking aksidenteng nangyari sa gitna ng kalsada.pawang tunog ng ambulansya at police patrol ang naririnig ng mga tao..A/N;
At ito na po ang totoong kwento ng story ni nicole at leo...tnx sa nagboost sa akin para ipagpatuloy ko ang story na to dahil balak ko na sanang isuko at e unpublish ito..hehehehe..