My Childish Wife
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Kainis bakit ba sa dinami dami ng condo ay dito pa sya kumuha.
Knock
Knock
Tssss. wala naman akong inaabangang bisita kaya hinayaan ko nalang baka si leo lang yon.
Knock
Knock
Kaasar mas nilakasan pa nito ang pagkatok e may doorbell naman.padabog na tumayo ako at binuksan ang bintana.pero tanga lang ang naniwala pinto po talaga ang binuksan ko..ano yon?si superman?sa bintana dadaan?..
"Oh dalhin nyo na po yan sa loob kuya". pagbukas ko si leo nga ang nasa pinto tapos biglang pumasok ang mga tauhan niya at may dalang gamit.
"Waaah teka teka lang po.kaninong gamit yan?oyyy kuya magpaalam naman po kayo sa may ari.libre naman po ang magtanong kung okey lang ba sa akin.wala pong bayad promise.". walang pakundangan ang mga to kung makalagay ng gamit a.
"Hoy leo ano ang ibig sabihin nito?bakit nandito yang mga gamit mo?" .masikip na nga dito sa unit ang mga gamit ko magbubuhat pa sya ng sakanya.
"Mali pala.ito pala ang unit na sabi ni mommy akala ko don sa kabila.sige dyan nalang po yan kuya ako na po ang mag aayos". binigyan niya ng tig isang libo ang dalawang nagbuhat ng mga gamit niya.
"Hoy leo utang na loob condo ko to.pakialam ko sa mommy mo.lumayas kana dito ngayon din" galit na sabi ko sabay turo sa pintuan.
"Sus.ang OA mo nicole.pwede ba pagod ako.ang layo ng binyahe ko para lang makarating dito". reklamo niYa at pasalampak na naupo sa coach.
" Hoy kapal mo leo.basta ayoko na kasama kita kaya umuwi kana". sabay hila sakanya.urgh!!!di ko sya maitayo dahil nagpapabigat ang loko.
"Nakauwi na ako.nandito na nga ako sa unit ng asawa ko". ipinikit pa niya ang mga mata habang hinihilot ang sentido.makikita mo ang pagkapagod sa mukha niya.
"Leo naman e.wag mo na ngang guluhin ang masaya at tahimik kong buhay!". -ako.
"Mas tahimik ang buhay ko nicole kesa sayo.mas nagulo lang mula ng maging asawa KUNO kita..". kapal din ng mukha ng lalaking to e.akala mo kung sinong gwapo para patulan ko.
"Isa pa dalawa naman ang kwarto mo kaya don nalang ako sa kabila.di ko rin maatim na makatabi ka sa pagtulog.malay ko ba kung naglalaway o naghihilik ka". pandidiri niya tapos iginala pa ang paningin sa kabuoan ng condo ko.
"Hoy leo di ako naghihilik noh!ah basta ayokong nandito ka!". -ako.
"Haay let's give it a try nicole malay mo magkasundo tayo.isa pa BAKA mahal naman talaga natin ang isat isa.". pagsusuko niya.seryoso ba sya?mukhang seryoso naman e..
"Mahal natin ang isat isa?NEVER na mangyayari yan". bakit ko naman mamahalin ang hambog na to.?
"Ngayon lang nicole.sabi ko malay nga natin diba?". nahihirapang pangungumbinse niya sa akin.alam kong pagod na sya aba dapat lang.parang gusto ko ata yang idea na yan a.
"Paano kung bumalik na ang alaala mo tapos hindi naman pala natin mahal ang isat isa?". masyadong risky ang gagawin namin.paano kung may mahal pala syang iba?tapos ma fall ako sakanya?ayyy hindi pala agrabyado ako...
ako nalang pala may mahal na iba tapos sya ang ma fall sa akin.hahaha dapat ganon.parang sa wattpad na stories lang..yon naman talaga umiikot ang story e.tapos ang ending sila din ang magkatuluyan?
E paano kung sa wattpad story na yon.ako naman pala ang kontrabida sa love story nila?ayyyy takte hindi pwede yon.masasapak ko talaga ang author kapag ganon.pero yon nga lang hindi sa wattpad ang buhay ko at hindi din ako makasigurado kung may happy ending nga kami ni leo.
Dahil sa wattpad bago isulat ng author at bago basahin ng reader ang story ay alam na nilang happy ending yon.di naman lahat pero almost ng story ay ganon.pwera nalang kung galit ang author sa happy ending.
"E kung hindi natin mahal ang isat isa bakit pa tayo nagpakasal noon?". sagot naman niya.oo nga bakit kaya?baka arranged marriage ang nangyari????ayyy wag dapat mahal niya ako pero hindi ko sya mahal.dapat ganon ang past namin.oo tama ganon na nga.imposible namang ako ang patay na patay sakanya.nakaka LOW MORAL ang ganon.
"Malay ko..ganito nalang oli.kung hindi naman pala natin mahal ang isat isa at bumalik na ang ala ala natin edi magpa annul nalang tayo pero habang hindi pa ay subukan muna nating magkaayos okey?". mahinahon niyang sabi.tinitigan ko sya sa mukha at masasabi kong seryoso sya.gusto ba talaga niya na magkaayos kami???hmmm pwede rin.
"Haay naku sige na nga deal.basta don ka sa kabilang kwarto ha." Pag sang ayon ko.kung kasal kami ay hindi naman namin matatakasan ang isat isa.
"Tss...wag kang mag alala harmless ako.baka ikaw nga yang mang gapang sa akin. halos nandidiri pa niyang sabi.at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Kapal mo leo tingin mo sa akin ahas?nanggagapang..baka ikaw". nakapamewang kong sabi.
"Aminin mo na kasi oli na noon ay ginagapang mo ako.". pang aasar pa niya habang tumatawa pa.lakas din ng loob ng lokong to para pagbintangan ako.
"Wala akong aaminin dahil 100% sure ako na hinding hindi ko kayang gapangin ang isang tulad mo.". waaah bakit ba parang may mali sa sinabi ko..
"Edi wala.mahirap makipagtalo sa isip bata." tinalikuran na niya ako at kinuha ang mga gamit para pumasok na don sa kabilang kwarto.
Hmmmp hayaan na nga.basta siguraduhin niya lang na wala syang gagawing masama sa akin.kahit pa sabihin na gwapo sya..ayyy konti lang mga 1% pagkatapos ng 100..
Haay para naman akong nakikipaglive in sakanya..ayyy asawa ko pala sya kaya legal na kami na magkakasama.
Pumayag ba talaga ang parents ko na magpakasal kami?huhuhu bad sila mommy at daddy.dapat hindi sila pumayag dahil bata pa ako.
"Oyyy oli magluto kana nga ng dinner natin". kakalabas niya lang sa kwarto.tumingin nalang ako sa baba.magkakasala ata ako.ang hot niya nakasando lang sya at naka short.
"Ayoko di ako marunong magluto". e di naman talaga ako marunong promise.isa pa wala akong matatandaang nagluto ako.
"PAANO kita pinakasalan kung hindi ka naman pala marunong magluto?" wow as in gulat na gulat talaga siya.
"Wag kang mag aalala di ko rin matandaan kung paano kita nagustuhan.higit sa lahat ay wala din akong natandaan na nag apply ako sayo noon bilang kusinera.". sarap hambalusin ng tubo sa ulo ng matauhan na ito.
"Isa pa leo wag kang feelingero dyan.di bagay sayo.magluto ka kung gusto mo". mag oorder ako.anong akala niya sa akin poor?.maghanap sya ng babaeng marunong magluto.
"Tss kung di lang kita minahal akala mo magtitiis ako sayo?". panunumbat niya sa akin abat sumusobra na to a.
"Hoy ikaw ang nag ayang magpakasal ako sayo kaya wag kang ano dyan dahil sabi nila ay pinilit mo lang ako.". nagdial na ako at mag order nalang sa shakey's ng pizza.
'E order mo na din ako". utos niya sa akin.
"Basta libre mo ako!".. hahaha gusto ko lang makatipid.sarap kaya kumain lalo na kapag libre.
"Oo na!". pagod na sabi niya..hmmmp.buti naman.
Nanood lang kami ng tv syemprw teleserye niya.kaasar naman ang ka loveteam niya mukhang hipon di sila bagay..
"Pangit naman ng ka loveteam mo!". reklamo ko.
"Bagay kami ang dami naming fans.wag kang manlait dyan dahil kapag malaman ng die hard fans namin na asawa kita tiyak di ka pa artista ay madami ka ng bashers". pananakot nito sa akin.
"Sus pag malaman nila na ako ang asawa mo.tiyak sasabihin nila na ang swerte mo dahil maganda ako". proud na sabi ko.sus wala sa kalingkingan ko yang babaeng yan.
Magsasalita pa sana sya kaso dumating na ang delivery boy.
"Ohhh kumain ka ng marami ha.magpalakas ka para mamaya". todo ngisi na sabi nito habang sinusubo ang isang slice ng hawaian pizza.
"Magpalakas para saan?". nagtataka kong tanong tapos kumuha din ako ng para sa akin.
"Para sa naudlot na honeymoon natin". .kumindat pa sya sa akin.
"Waaaahhh manyak ka talaga leo.maghoneymoon kang mag isa mo". sabay tapon ng isang slice ng pizza sakanya na hawak ko pero bakit parang excited ako para mamaya.???