25

1.4K 38 0
                                    

My Childish Wife

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

"Paano 'yan? Pasikat na ang kapatid ko?" ani Karl habang tinutungga ang isang kopita ng alak. Napabuntong hininga si Leo at nilaro ng mga daliri ng kanang kamay ang bibig ng kopita. Kasalukuyang nasa mini bar sila ng bahay ng best friend.
"Hayaan mo siya. Alam mo namang pangarap niya 'yan," ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang pabayaan ang babae. Hinihintay na lang niya na padalhan siya ng divorce paper at kapag mangyari ngang iyon, tatanggapin niya ang desisyon ni Nicole. Basta para sa ikaliligaya nito, handa siyang magparaya.
"Isa pa, mukhang masaya na rin naman siya sa ka loveteam niya..." dagdag pa niya at pilit na itinago ang pait na nararamdaman. Paminsan-minsan ay sinisilip niya ang teleseryeng ginagawa ng asawa pero nang makita niyang may kissing scene si Nicole ay hindi na niya muling binuksan pa ang tv kahit na nasa iisang tv station lang sila at magkasunod ang kanilang teleserye.
"Paano 'yan? Mukhang may lumalabas na paninira kay Oli. May naghahanap na sa sinabi mong asawa niya... Alam mo na... Haters..."
Nag-aalalang wika ni Karl. Kapag malaman ng taong bayan na si Leo ang asawa nito ay malaking gulo sa magkabilang kampo. Matigas ang ulo ni Nicole kaya tinulungan na rin ng mga magulang sa showbiz world at ibinigay sa tamang manager para hindi na mapahamak.
"Bahala na. E di alam kung alam," wala sa modong sagot niya nang mapansing papasok si Nicole.
"Kuyaaaaaaaa... I miss you!" Sigaw ng dalaga sabay takbo sa kapatid at niyakap ito.
"Ano ang ginagawa mo rito, Oli?" nagtatakang tanong ni Karl.
"Hmp! Na miss kita at si Ate Jane... Nasaan sila ni Baby Kimberly?" nakalabing tanong niya saka niyakap sa braso ang kapatid.
"Nasa kina Mom--"
"Whaaat? Pumunta lang pala ako rito sa wala..."
"Sino ang may sabing pumunta ka rit-- oh, ayan na pala ang dalawa..." ani Karl na ang mga mata ay sa mag-ina niyang papasok sa bahay.
"Ateeeeee. Na miss ko kayo!" Masigla niyang bati sabay takbo sa mag-inang kakapasok lang at kinuha si Kim sa ina.
"Naku, basa 'yan. Puno ang diaper niya." Wika ni Jane. Papalitan na sana niya sa sasakyan ang anak kaso naiwan pala niya ang diaper nito sa bahay ng biyanan.
"Ay, basa nga. Ewww!" mabilis na ibinalik niya kay Jane ang bata.
"Ako na ang papalit, hon." pagbo-boluntaryo ni Karl saka lumapit sa mag-ina niya at kinuha si Kim na paiyak na. "Huwag nang umiyak ang princess ko..." pag-aalo ni Karl saka umakyat sa hagdan kaya naiwan silang tatlo.
"Nandito ka pala, Leo. Hinahanap ka ng kaibigan ninyo ni Karl kanina sa bahay nina Mommy," wika ni Jane nang mapansin ang binata.
"Ah, oo. Nag-usap lang kami ni Karl. Matagal na rin naman kaming hindi nagkita," sagot ng binata at pasimpleng sumulyap kay Nicole na nakatingala sa kapatid na paakyat ng hagdan.
"Sige ha. Mauna muna ako sa inyo. Papalit lang ako ng damit. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Jane sa dalawa at sumunod na sa mag-ama sa itaas.
Naupo si Nicole sa isang upuan na nasa tabi ni Leo at sumalin ng alak sa kopita. Tahimik na tinungga rin ng lalaki ang natirang alak na iniinom.
"Kamusta ka na?" si Leo na ang unang nagsalita nang magkaroon ng lakas ng loob ula sa nainom.
"Matapos mong lokohin at saktan? Heto, masaya't successful na!" napa smirk si Nicole pero ang mga mata ay nasa hawak na kopita.
"HINDI KITA SINAKTAN!"
"Ano ang tawag mo sa ginawa mo? Sa pagpapahiya sa akin sa harap ng mga tao?"
"Lahat ng iyon ay para sa iyo. Malalaman at malalaman nila iyon at mas lalo ka pang mapapahiya!"
"Whatever! Past is PAST! Tapos na iyon at masaya na ako! See? Successful na ako na walang tulong mo o hindi dahil sa iyo! At hindi ko hahayaang sirain mo muli ang PANGARAP ko! Hindi ko na hahayaan ang sarili ko saktan pa muli ng isang katulad mo!"
Napanganga si Leo sa mga narinig. Ibang Nicole ang nasa harapan niya ngayon. Hindi na ito isang bata na basta na lang bumibigay kapag kaharap siya. Napayuko siya. Hindi niya kayang makita ang kakaibang aura ng kaharap.
"Marami pa akong gagawin. May photoshoot at shooting pa ako mamaya. Bye!" Nang umangat si Leo ng mukha ay malapit na ito sa pinto. Tumigil si Nicole at humarap sa kaniya.
"Huwag mo palang aminin na ikaw ang lalaking pinakasalan ko. Alam mo na, para sa career nating dalawa."
Ilang minuto nang wala ang asawa sa harapan niya. Hindi na siya nagpaalam at umuwi na sa mansion ng pamilya niya.
"Oh, himala! Napadalaw ka yata?" nasa gazebo ang kaniyang ina at nagmemeryenta nang nadatnan niya.
"Mommy naman. Hindi mo ba ako na miss?" pilyong bati ni Leo.
"Ano ang mamiss ko sa 'yo? Ang pagkamaloko at palekero mo?"
"Mommy naman."
"What is it this time, Leo?"
"Kapag pumunta ba ako rito, may problema na kaagad?"
"Bakit? Wala ba?" nakataas ang kilay na sagot ng ginang.
"Wala naman. Nasaan na si Daddy?" pag-iiba ng anak.
"Hindi ka na kasi umuuwi kaya wala ka nang alam sa mga magulang mo!"
"Mommy naman!"
"Nasa Europe ang dad mo. Kasama ang ama ng asawa mo."
"Hindi ko na siya asawa, Mom."
"Hindi pa kayo divorce kaya mag-asawa pa rin kayo." Tumayo ito at naglakat pabalik sa bahay na sumunod naman si Leo. Alam ng parehong pamilya ang nangyayari sa kanila kahit na wala pang umaamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
"Matulog muna ako, Mom. Pagod ako," paalam niya sa ina.
"Palagi ka namang pagod. Pasalamat ka pa nga at maraming babae ang nagmamahal sa 'yo kahit na wala kang time sa kanila. Kung ako ang babae, hindi ako magtatagal sa 'yo. Wala ka kasing time at effort," prangka ng ina kaya blangko ang mukha na sinulyapan niya ito.
"Mauna na ako sa kuwarto," mabilis na pumanhik na siya sa sariling kuwarto ng mansion.
Naligo muna siya at naupo sa kama para patuyuin ang buhok. Kinuha niya ang remote control ng tv at nanood muna.
"Is it true na patay na patay ka kay Leo Marcelo?" tanong ng babaeng host ng isang showbiz talk show kay Nicole.
"Hahaha! Sino ang nakapagsabi sa inyo niyan?" pilit na tumatawa si Nicole kaya mataman na nakatingin si Leo sa mukha nito na ipinokus ng camera.
"Alam mo namang marami kaming source, gurl!" Maarteng sagot ng baklang nasa trenta ang edad.
"Ah, normal lang naman na humanga tayo sa isang guwapong celebrity dahil well," bumuntong hininga muna ito. "Bata pa ako noon at alam naman ninyo na best friend siya ng kuya ko."
"So? Walang... You know... Walang romance na nangyari?"
"Ano'ng romance ang pinagsasabi mo?" nakangiting tugon ng dalaga.
"Sus, chusera. Wala talaga? Hindi naging kayo?" ulit nito.
"Bata pa ako at iilan lang ang nakilala ko noon. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Ngayon ko lang napagtanto na crush ko pa lang siya noon kaya walang naging kami." Seryosong sagot.
"E si Jake?" na ang tinutukoy nito ay ang ka love team niya. "May pag-asa ba? O kayo na?" biglang nag-ingay ang studio audience kaya naiinis na pinatay na ni Leo ang tv at itinapon ang remote sa dingding.
"NICOLE!" Sambit niya sa pangalan ng babae at nahiga habang nakaunan ang ulo sa dalawang palad.
"Tama lang pala na lumayo ako sa iyo noon," sambit niya. Isa sa pinagsisihan niya ay kahit na lumayo siya, nahulog pa rin ang loob niya rito. Bata pa si Nicole kaya hindi pa ito sigurado sa nararamdaman. Noon pa lang ay pinagsabihan na siya ng pamilya nito. In the end, siya pa rin ang talo.
Kung saan mahal mo na ang isang tao, saka naman ito mawawala sa iyo.
"Hindi kita kayang ipaglaban, Oli." alam niyang wala siyang laban kung kabataan nito ang kaniyang laban. Gusto niyang mag grow up ang asawa at kapag nasa tamang edad o pag-iisip na ito ay ito na mismo ang magdesisyon ng para sa kanila.
"Bakit ba kasi nauna akong ipinaganak kaysa sa iyo?" out of the blue na wika niya.
"Alangan namang mauna siya kaysa sa iyo?" napabalikwas siya nang magsalita ang ina sa pintuan.
"Mom, kanina ka pa ba diyan?"
"Bago lang. Itatanong ko lang sana kung kumain ka na ba? Kaso naabutan kitang tulala diyan at nagsasalitang mag-isa."
"Sorry..."
"Alam mo, imbes na magmukmok, kumilos ka na at magbuhay binata. Ilang buwan na lang, baka malaya ka na..." makahulugang wika ng ina kaya mas lalong naiinis siya.
"Pipirmahan ko ba k-kung s-sakali?" napalunok siya ng laway. Ngumiti ang ina.
"Ikaw? Kaya mo bang makisama sa isang tao dahil sa papel lang?" lumapit ang ina at tumabi sa kaniya.
Muling natahimik si Leo.
"Ang baby ko, binata na!" sabay gulo ng buhok nito.
"MOMMY!" Parang batang reklamo niya.
"Hmp? Nilalambing ka lang e. Namiss lang kita. Hindi ka na kasi nalagi rito."
"Sus, palagi mo naman akong nakikita sa tv."
"Ah ganoon? Hanggang sa tv na lang?" nagtatampong wika nito saka tumayo.
"Biro lang Mom!"
"Oh siya, maghahanda na ako ng dinner natin."

My Childish WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon