My Childish Wife
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16
"Kamusta na ang buhay may asawa? virgin pa ba?" natatawang tanong ni Xian na ikinasimangot ko.
"Iyon nga ang problema, e, virgin na virgin pa." Problemadong sagot ko.
"Loko ka talaga, Oli." Sagot ni Xian. Andito kami ngayon sa canteen para mag breakfast. Iniwan ko si Leo sa unit dahil na bwesit ako! Umaga na nang makauwi sa kaka shooting daw nila ng ka loveteam niya.
"Uy, Xian. Ligawan mo nga ang Lucy na iyon. Nang-aagaw ng boyfriend, e." Nakasimangot na sabi ko.
"Loka, loka ka. Mabait naman si Lucy Nicole. Balita ko nga ay siya ang breadwinner ng pamilya. Galing kasi siya sa mahirap at nanalo sa isang reality show," pagtanggol ni Chelsea. Bruha! Harapan niyang sinasabi sa akin na kesyo mabait, sexy at maganda raw talaga si Lucy na iyon.
"Wala akong pakialam! Maganda naman ako at alam kong may laban talaga kesa sa mga taga-showbiz!" Seryosong sabi ko. Ayoko lang talagang mag-artista dahil ang boring at wala kang freedom. Si kuya at Leo na lang.
"Inggit lang 'yan Oli," binalingan ko si Xian. Ang kapal ng mukha ng hapon na 'to!
"May gusto ka na kay Lucy noh? Aminin mo nga!" Wika ko.
"Okey! She's pretty and hot," napataas ang kilay ko sa sagot ni Xian.
"Nagkita na kami sa isang resto with common friends kaya masasabi kong mabait siya. Isa pa, Leo isn't her time. Ako ang type niya," nakangising sagot ng hinayupak kong kaibigan.
"Hala! Inlove ka na kay Lucy. Kitang-kita sa singkit mong mga mata hapon," binusisi pa talaga ni Chelsea ang nangniningning na mata ng intsik kong kaibigan.
"Haist! Ba't sa akin napunta ang usapan? Alam mo Nicole, kapag ganyan ang porma mo, e, hindi ka talaga mapapansin mg asawa mo. Kung ako si Leo, itatakwil din kita." Galit na tinusok ko ang strawberry cake at nilamon.
"May ibang term naman na pwedeng gamitin pero bakit itinakwil talaga ang ginamit mo? Walang hiyang intsik 'to a!" Nakakapikon lang.
"Sorry for the term. Pero, Oli, try mo rin kasing magseryoso." Payo ni Xian.
"Yes, I agree." segunda ni Chelsea.
"Oo na! Sasali ako sa beauty pageant nextweek." Determinadong sagot ko. Pangarap ko talaga ang maging isang Beauty Queen noon pa.
Ayaw lang akong payagan nina daddy at kuya. Pero ngayong nasa ibang bansa na sila ay walang makakapigil sa akin.
"Ang sabi ko, seryoso sa buhay, ano'ng pageang ka diyan? Alam mo namang hindi ka papayagan ng parents mo." Paalala ni intsik.
"Shut-up! Basta sasali ako sa beauty pageant!" Desididong sagot ko at tumayo na para pumasok sa next subject namin.
-----------
Natapos ko nang fill-upan ang form. Kompleto na rin ako sa requirements. Birth certificate, good moral, medical for both physical and mental health and high school diploma.
Pictures na isang close-up at isang body size. Wala nang parents consent, total 18 naman ako.
Nakapasa ako sa first and second screening kaya bukas na raw ang final screening at interview kaya pinaghahandaan ko na talaga ang interview. Sanay naman akong makipagsagutan kaso, minsan, inuunahan ng kaba lalo na kapag medyo suplado o maldita ang mga judges.
"Nicole, rito ka lang, may importante akong lakad kaya 'wag kang gumawa ng kalokohan." Bilin ni Leo. Lagi na lang ganyan ang sinasabi niya kapag umalis. 'Yung para akong bata na pinapayuhan ng mga magulang.
"Alam ko ang ginagawa ko, Leo. Hindi mo na ako kailangan pang paalalahanan." Nakasimangot na sagot ko. Mabuti na lang dahil aalis siya kaya malaya akong makapunta sa resort's world ngayon kasama si Chelsea.
"Talaga lang Oli, ha. Kapag malaman kong may kalokohan ka na namang gagawin, malilintikan ka sa 'kin." Pagbabanta niya. Sus! As if takot ako sa kanya.
Mukhang na basa ata niya ang iniisip ko, "Nasa akin ang allowance mo, subukan mo lang magloko." Sabi ko na nga ba, e. Nakakaasar! Galit na ako sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Nagpapansinan naman pala pero hindi ko siya sinasagot. Kinakausap ko lang kapag may kailangan ako.
"Ikaw nga ang mahilig magloko, e. Magsama kayo ng kerida mo!" Kaasar kasi siya! Sabi niya, loveteam lang, e, nabalitaan kong nagdi-date raw sila ng lintik na Lucy na iyon.
"Wala nga kaming relasyon ni Lucy! Nicole naman, artista ako! Malamang may kissing scene talaga!" Galit na siya. Lagi naman, e.
"Pakialam ko kung artista ka! Ayoko ng asawang artista kaya manahimik ka!" Singhal ko rin. Bahala na kapag makarinig ang kapitbahay.
"Understand! Pwede naman nating pag-usapan ito. H'wag mo ngang pairalin iyang pagiging selosa mo! Napaghalataan ka, e." Nakasalubong na ang mga kilay niya kaya tumahimik na ako.
"Sige na, mag-order ka na lang ng kakainin mo mamaya o 'di kaya'y magluto ka," kinuha na niya ang jacket saka naglakad palapit sa pintuan.
"I HATE YOU!" Napatigil siya at humarap sa akin. Galit talaga ako sa kanya! Ang dami niyang kasalanan sa akin.
"I love you!"
Ilang minuto na siyang nakaalis pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko. Tama ba ang narinig ko? Mahal daw niya ako? O baka naman sarcasm lang iyon?
Nang maayos ko na ang aking sarili ay mabilis na nagbihis ako ng maisusuot. Isang simple red dress ang isinuot ko at hinayaang nakalugay ang mahaba at straight kong buhok, isinuot ang 3 inches high heels at naglakad na palabas sa unit dahil nasa labas na raw sina Xian at Chelsea.
After one hour, dahil traffic ay nasa resorts world na kami. Ang dami na'ng mga contestants pero wala akong pakialam! Standout pa rin naman ako.
Kung height ang pag-uusapan ay hindi ako pahuhuli. 5'5" din naman ang height ko. Dagdagan pa ng heels kaya keri na.
H'wag silang manlait dahil ipapalamon ko sa boyfriend nila ang 36 cup size na boobs ko.
Tinawag na kami isa-isa kaya naghanda na rin ako. Dapat with poise, dapat with confidence.
"Galingan mo, bakla." Bulong ni Chelsea.
"Talagang gagalingan ko, hindi ako papatalo kay Lucy na iyon. Hindi man ako mag-aartista pero magiging Beauty Queen naman ako para nganga si Leo," taas noo kong sagot. Who you ka talaga Leo sa akin kapag ako ang manalo.
"Sus! Sana 'wag kang sushunga-shunga Oli," nang-aasar na sabi ni Xian habang ang mga mata ay parang nakakita ng masarap na ulam dahil sa mga participants.
"As if na ganun nga ako!" Duh! Hindi kaya ako shunga. Malas lang kung minsan.
"Tawag na ako, bakla. Wish me luck!" Sabi ko at lumapit na sa baklang tumawag sa amin.
Ang iba ang mapang-uyam pa na nakatingin sa akin. Ang iba naman ay nag-uusap dahil close na sila. Sanay na kasi sa pakikipaglaban. Ako lang ata ang baguhan at bata rito.
"Pasok na kayo," utos ng bakla.
"Para sa pangarap," bulong ko at nagdasal pa.
Pagpasok ay agad kaming ininterview at kung anu-ano pa ang pinaggawa sa amin.
Todo bigay naman ako sa buong araw. Si Xian ay nauna nang umuwi dahil may importante raw silang pag-uusapan ng dad niya
Hanggang sa pinasuot na kami ng swimwear. Isang black bikini ang napili ko. Bagay lang sa hubog ng aking katawan at sa mala-porselana kong kutis.
"Adik ka Nicole! Ang ganda pala ng katawan mo bakla!" Bulalas ni Chelsea habang inaayos ko ang aking dibdib. Maganda na siya! Kitang-kita ang maumbok kong cleavage.
"Oo naman! Hindi kagaya mo na ang kapal magsuot ng v-neck o malaki ang cut sa t-shirt pero wala namang maipagmalaki," pang-aasar ko na ikinasimangot niya. Yung boobs kasi nito ay hindi magkabati. Hiwalay! Kaya ang lawak ng agwat at walang cleavage.
"Ang kapal mo, Oli, ha!" naupo siya sa isang tabi. Ang mga kalaban ko ay napatingin sa akin lalo na ang mga bakla nilang make-up artist. Ako lang ata ang walang dalang ganun dahil hindi napaghandaan. Si Chelsea lang ang dala ko pero wala namang kaalam-alam kaya nagsasariling sikap na lang ako.
Tinawag na kaming lahat at pumila bago magrampa sa stage. 88 kaming lahat at 40 lang daw ang kukunin pero wala akong pakialam. Basta lamang na ako sa kanila. Nasisense ko na.
Pang number 38 ako. Tumunog na ang music at agad pumasok ang number 1, 2,3... bast sunod-sunod.
Inilagay ko ang kanang kamay ko sa bewang at ipinaskil ang isang matamis na ngiti. Pati na rin ang mala Diyosa kong poise dahil nasa number 27 na ang pumasok.
Ayan na... malalapit na ako kaya breast out stomach in na akong sumunod kay number 37.
With poise pa rin na nakangiti ako na nakatingin sa mga judges pero....
Muntik na akong himatayin at matumba ng makita kong isa sa mga nakaupo sa judges ay si Leo. Nagkagulatan pa kami nang magtama ang aming paningin.
Nanlamig ako nang nagsalubong ang mukha niya tapos hindi na maipinta.
Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa tapos tumigil sa dibdib ko.
"Lintik! Bilisan mo sa paglalakad," pakiusap ko kay number 37 na kumikembot pa habang naglalakad. Sarap itulak!
"Ano ka ba gurl, ganito dapat ang rumampa! Own the stage," nakangiti pa rin niyang posing.
Ang kapal niya! Mapapatay na ako ng tingin ng asawa ko, e.
Mabuti na lang dahil medyo mabilis ang pag-ikot kaya natapos na kami kaagad.
Nag final call na ang official candidates kaya lumabas kaming lahat.
Medyo yumuko pa ako para hindi ako makita ni Leo.
"And now, to join our 39 contenstants, congratulations number 38." Sabi ng emcee.
Hala! Ako ang number 38 dahil ako ang pinapalakpakan nila kaya dahan-dahan akong pumunta sa gitna.
"Excuse me, guys." Nagsalita si Leo. Ayan na! Kinakabahan ako.
"I think, mali ang natawag. Si number 45 ang nakapasok. Pasensya na number 38," wika ni Leo na halos ikinalumo ko.
"Pero Mr. Marcelo, siya ang nakapasok." Sabat ng babaeng judge. Siya ang nanalo noon na Miss Universe 2005.
" She's disqualified! Unang-una sa requirements ay dapat single! Hindi married," napayuko ako.
"Miss number 38? Are you married?" Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Hinihintay ang magiging sagot ko sa kanilang tanong. Ano ba ang dapat kong isagot?
"This is a beauty pageant at lahat ng sasali ay hindi lang beauty, body and brain ang kailangan. But, kailangan namin ng isang babaeng modelo at dapat hangaan ng mga kababaihan. Hindi ang sinungaling na candidate," wika ng isa pang judge na hindi ko na maigalaw pa ang mga tuhod ko. Nanghihina ako.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ano ba ang dapat na isagot ko? Nahihiya na ako sa lahat lalo na may mga reporters sa paligid. Gusto kong umuwi. Gusto kong mayakap si mommy.
"I'm s-sorry," luhaang sabi ko at pinahidan ang mga luha. Wala na akong pakialam sa mga taong nasa paligid. Naaawa ako sa sarili ko. Wala na, wala na talagang pag-asa na makamit ko ang mga pangarap ko dahil pinigilan ni Leo.
Goodbye! Miss Universe na.
Hindi ko na pinansin pa ang mga tao. Mabilis na tumakbo ako paalis sa stage at kahit naka-bikini ay mabilis akong lumabas sa resort at sumakay sa taxi.