My Childish Wife
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18
Unedited
"May asawa na pala siya?" bulungan ng mga estudyante habang naglalakad sila sa corridor ng paaralan.
"Malamang! Ki bata bata pa ang landi na," sabat ng isa.
"Hindi na siya virgin!"
Dedma lang ni Nicole ang mga tsismosa. Inaasahan na niya ito dahil sa balita noong isang araw.
"Hayaan mo na sila. Mga inggitera lang. Kapag malaman nilang ikaw ang anak ng may-ari ng school na ito at si Leo ang asawa mo, mamamatay sila sa inggit." Bulong ni Chelsea. Awang-awa siya sa kaibigan dahil hanggang ngayon ay iniiyakan pa rin niya ang nangyari.
"Huwag mong i-remind sa akin ang pangalan ng hayop na iyon!"
"Pero friend, asawa mo na siya."
"Hindi ko siya asawa. Hindi kami kasal. Lahat ng nangyari sa amin ay set-up lang at hindi pa niya alam," mabilis na naglakad siya pero napabalik din sa kaibigan nang makitang palapit si Leo.
"Nicole sandali!" Tawag ng binata.
Biglang nag-ingay sa paligid.
"Huwag mo akong kausapin!" Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid. Ang naiisip niya ay galit siya rito.
"Gusto ko lang mag-usap tayo ng masinsinan. Oli naman, umuwi ka na sa condo ko." Natahimik silang lahat sa narinig. Pilit na ina-absurb ang sinabi ng binata.
"Hindi ako uuwi! Hindi naman kita asawa," nilagpasan niya ito pero napabalik din kaagad dahil nahawakan siya sa braso.
"Mag-asawa tayo at kasal ako sa 'yo. Kaya lang naman kitang pinigilan dahil malalaman din nila ang lahat tungkol sa civil status mo," nahihirapang pag-e-explain ni Leo.
"Wala akong pakialam sa civil status! Ang akin lang, gusto ko maging beauty queen! Gusto kong matupad ang pangarap ko. Gusto kong magawa ang mga bagay na nais ko pero bakit lagi kayong nandiyan? Kayo ni kuya!" Napasinghap ang mga estudyante sa narinig. Hindi sila maka paniwalang si Leo Marcelo ay sinigawan lang ni Nicole.
"My loves, sana maintindihan mo na para rin naman sa iyo ang lahat ng ito."
"Hindi ko naramdaman. Para akong isang ibon na nakakulong sa hawla dahil bantay sarado ako. Higit sa lahat, huwag mo akong tawaging My Loves! Hindi bagay sa 'yo dahil hindi mo naman ako mahal! " Mapait na ngumiti siya sa lalaking minahal.
"Asawa nga kita. Pero ang tanong, mahal ba natin ang isa't isa? Or MAS tamang tanong: Minahal mo ba ako? Tingin ko, hindi naman, 'di ba?" pagod na siya. Mula noon ay wala siyang ibang hiniling kundi ang mahalin din ni Leo pero kapag hinahabol niya ito ay mas lalo namang tumatakbo ito palayo sa kaniya.
"Pasensya na, ipapadala ko na lang ang annulment paper sa abogado namin." Malamig na wika niya. Bahala na ang mommy niyang humanap ng paraan tungkol diyan. Tutal, sanay naman sa ganiyan ang mom niya.
"I'm sorry," tanging nasambit ni Leo.
"Pasensya na rin, Leo." Tinalikuran na niya ito. Humingi siya ng pasensya dahil sa panloloko niya rito pero nagawa lang naman niya iyon dahil galit siya pero deep inside ay mahal pa rin niya ang binata. Wala naman siyang ibang minahal kundi si Leo lang.
"Hala! Kasal nga sila. Ibig sabihin, siya talaga ang may-ari ng school na ito. Siya ang kapatid ni Karl Montenegro,"
"Sinabi mo pa. Naku! Baka ma kick-out tayo," natatakot na sabi ng isa.
"Grabe! Sayang naman ni Leo. May asawa na pala," nanlulumong saad ng isa. Dire-diretso lang si Nicole palabas ng paaralan. Buo ang loob niyang ipagpatuloy ang naudlot na pangarap. Hindi pa huli ang lahat. Gagawa siya ng tv commercials at mag modelling siya. Marami namang kakilala ang mommy niya para sa bagay na iyan. Siya lang talaga ang umayaw noon dahil kay Leo at ayaw ng kuya niya.
-----------
"Oh! Bakit parang pasan mo ang mundo?" nasa mini bar sila ng bahay ng kaibigan. Kaarawan kasi ng high school classmate nila kaya nagkaroon ng bachelor's party.
"Psh! Itanong mo sa kapatid mo," habang nilalaro ang kopita.
"Tama lang ang ginawa mo. Umalis lang ako, kung ano na ang pinaggagawa ng batang 'yon." Nabalitaan na ni Karl ang nangyari. Pagkauwi nila galing sa ibang bansa ay iyan na ang sumalubong sa kanila. Akala pa naman niya ay nabantayan ito ng maayos na kaibigan.
"Sana, hinayaan na lang natin siya. Alam mo namang may pangarap din siya, 'di ba? Masyado na ata tayong mahigpit sa kaniya?" naaawa siya kay Nicole pero hindi lang niya napigilan magalit noong makitang lumabas ito at halos wala nang nakatakip sa katawan.
"Ano'ng pangarap? Ang maghubad sa harap ng camera?" bulalas ni Karl.
"Dude naman! Kilala mo ang kapatid ko. Hindi basta-bastang pagmo-model ang gagawin niya," napailing si Karl. Iba ang trip ni Nicole. Pangarap nito ang maging sexy star. Ang naka two piece o halos wala nang maisusuot kapag humarap sa camera na hindi naman niya mapapayagan. Hindi naman sa nanghuhusga siya pero ayaw lang talaga niyang maging ganun ang kapatid. Mas hindi siya pumayag nang makita ang photos nito sa laptop na nakahubad at tanging daliri lang ang itinatakip sa private parts. Isinet lang nito ang timer sa laptop para makakuha ng pictures.
"Oo. Hindi ko na alam ang gagawin sa kapatid mo," bakas sa mukha nito ang pagiging problemado.
"Mas lalong magwawala iyon kapag malaman niyang wala kang amnesia," kumuha si Karl ng wine at isinalin sa kopita. Wala itong kaalam-alam na walang amnesia ang kapatid. Ang alam niya lang ay si Leo ang nagkukunwari para pagbayaran ang kasalanang nagawa nito kay Oli dahil hanggang ngayon ay ang sarili pa rin nito ang sinisisi kung bakit sila naaksidente.
"Huwag na nating pag-usapan pa ang bagay na iyan," pag-iwas ni Leo.
"Okay!"
"Mabuti at pinayagan ka ni Jane? Kamusta na pala ang inaanak kong si Kimberly?" tanong ni Leo.
"Ayun! Inaalagaan ng ina niya. Alam naman kasi niyang mapagkatiwalaan ako at hindi ko siya ipagpalit sa iba," nakangiting tugon ni Karl at tinikman ang wine. "Masarap, ha."
"Mabuti na lang. Pasalamat ka sa kalokohan ni Nicole," hanggang ngayon ay napailing na lang siya sa tuwing maalala ang ikinwento ni Karl.
"Paminsan minsan, may magandang resulta rin ang kapalpakan niya." Napailing si Karl pero naiinis pa rin kapag maalala niya ang nangyaring kalokohan ng mga ito noon. Mabuti lang dahil hindi gano'n ka grabe ang asawa. Nagiging maloko lang sa tuwing magkasama ang mga ito at ang betfriend niyang si Lenny.
"Ano'ng balak mo sa kapatid ko?" usisa niya.
"Hindi ko pa alam. Sa ngayon, hayaan ko na lang munang mag-enjoy siya sa buhay. Pero oras na makita kong sumusobra na siya, wala akong magagawa kundi ang pakasalan na talaga siya."
"Mahal mo talaga siya, ano? Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa kaniya. Kung ako ang tatanungin, hinding-hindi ako magiging masaya kapag lagi ko siyang kasama. Kunsumisyon lang talaga siya sa akin," bata pa lang sila ay lagi na siyang napagtripan ng kapatid. Kakampi pa nito ang mommy nila kaya wala siyang magawa kundi ang mainis na lang kay Nicole.
"Psh! Akala ko nga, magbabago siya pero mas lalo pa atang lumala ang kalokohan at pagiging ignorante ng kapatid mo." Problemado rin siya. Naalala naman niya ang ginawa nito noong nakaraang linggo sa puregold.
"Sabi ko na sa 'yo, e. Dapat pinanood natin siya ng porn para kahit papano, may konting nalalaman din naman siya," ani Karl. Mahigpit na pinagbawalan kasi niya ito noonna huwag manood ng kung anu-ano dahil tatanggalin niya ang lahat ng gadgets sa kwarto nito.
"Tapos ano? Gagahasain niya ako? Gagawin niya sa akin ang mga pinapanood niya? Ilang beses na niya akong magahasa, Karl. Baka nakalimutan mo?" medyo tumaas na ang boses niya. Kung wala lang siyang respeto kay Nicole ay malamang, matagal na niya itong pinatulan dahil ilang beses na siya nitong ginapang. May mga oras pa ngang humuhubad ito sa harapan niya. Lumalapit ang ilang batchmates nilang babae. Nakangiti pa ang mga ito na tila nang-aakit.
"Psh! Talagang masasapak ko ang babaeng iyon," tumayo na si Karl bago pa makarating ang mga babae. Iwas babae siya dahil ayaw niyang masira ang tiwala ng asawa kahit na hindi naman nito nakikita ang ginagawa niya.
"Sige lang, malalaman din niya balang araw kung bakit natin ito ginagawa sa kaniya. Sana lang, tama tayo." Naguguluhang tumayo na rin siya. Aakyat siya sa kwartong nakatalaga sa kanila dahil pagod at medyo nahihilo na siya sa kakainom.