17

1K 40 2
                                    

My Childish Wife

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

"Nakakainis!"
Umiiyak na sabi ni Nicole habang inililigpit ang mga gamit.
"Oli," hindi niya pinansin si Leo na ngayon ay nakatayo sa pinto at malungkot na nakatingin sa kaniya.
"I'm s-sorry. Hindi ka kasi pwedeng sumali dahil magagalit sa akin ang kuya mo. Malalaman at malalaman din nila na kasal na tayo kaya habang maaga pa ay sabihin mo na sa kanila na may asawa ka na," paliwanag ng binata. Pagkatapos ng pageant ay agad niyang nilisan ang Resort's World para sundan ang dalaga.
Mabuti na lang dahil tama ang hinala niyang umuwi ito sa bahay.
"Alam mong pangarap ko iyon! A-alam mong importante sa akin ang pageant! I-ikaw ang sumira sa pangarap ko, Leo. Ikaw!" Singhal niya habang umiiyak na nilalagay ang mga damit sa travelling bag.
"S-saan ka pupunta?"
"Aalis na! Ayoko nang makasama ka sa iisang bubong! Ayokong makasama ang isang lalaki na sumira sa buhay ko mula noon!" Natigilan si Leo sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa dalaga na kinukuha ang mga damit sa closet.
"Kaya nga, e. Alam kong bata ka pa... Pero, wala na tayong magagawa dahil kasal ka na sa akin. Pareho lang natin ginusto iyon, 'di ba?" lumapit siya sa dalaga at hinawakan sa dalawanf kamay para tumigil sa ginagawa.
"Ano ba? Bitiwan mo ako," nagpupumiglas siya. "Ako lang ang may gustong ikasal tayo, Leo. Dahil wala ka namang gusto sa akin, e. Ako lang ang nagmamahal sa 'yo mula noon!"
"Mahal kita... mahal kita, Oli." Natigilan si Nicole sa pahayag ng binata. Nakatingin lang siya sa gwapong mukha nito.
"Mahal kita, kaya ayokong sumali ka sa contest dahil ayaw kong may ibang tao na pinagpipiyestahan iyang katawan mo." Saad ni Leo.
"Nasabi mo lang iyan dahil may amnesia ka," malungkot na sagot ni Nicole. Sa ibang pagkakataon siguro ay pwede pa siya maging masaya pero hindi ngayon lalo na't wala itong maalala tungkol sa nakaraan nila.
"My loves naman, pag-usapan natin 'to." Desperadong pakiusap ni Leo nang isarado na niya ang zipper ng maleta.
"Umalis ka sa daanan ko, Leo!"
"Ayaw mo na ba talagang tumira kasama ko? Oo! Kasalanan ko ang lahat dahil sinira ko ang pangarap mo, pero sana, maisip mo na hindi lahat ng pangarap mo ay pwedeng matupad." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. "Masyado ka pang bata para makasama ako, siguro nga, mali ang lahat ng ito. Mali ang desisyong magsama tayo sa iisang bubong dahil bata ka pa. Siguro... mali ang ang lahat ng ito dahil isinakripisyo mo ang lahat ng pangarap mo para sa akin. Siguro... mali nga talaga na minahal kita... dahil bata ka pa," natigilan si Nicole sa sinabi nito. Tama ito, bata pa nga siya at marami pang pangarap. May mga bagay na gusto niyang matupad pero lahat ng iyon ay isinakrispisyo niya para kay Leo.
"Sige, umalis ka na, tuparin mo ang pangarap mo pero sana, tandaan mo na mahal kita, at nandito lang ako kung sakaling maisipan mong bumalik. Handa akong maghintay, Oli. I'm sorry." Napaupo ito sa kama at napahilamos sa mukha. Katahimikan ang namayani sa kanila.
"Salamat sa pagmamahal, pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon na magsama tayo. Dahil tama ka, bata pa nga ako. May mga pangarap pa akong gustong tuparin at isa ka sa magiging hadlang no'n," napalunok siya ng laway at tumalikod. Kanina pa niya gustong umiyak pero ayaw niyang ipakita ang kahinaan sa harap ng binata.
"Pasens'ya na, hindi ko pa nga kaya." Naglakad na siya palabas sa kwarto. Ni hindi niya sinubukang lumingon pa kay Leo dahil ayaw niyang ipagkanulo siya ng kaniyang damdamin.
Mabilis na sumakay siya sa taxi patungo sa bahay nina Chelsea.
"Ano ang ginagawa mo rito, Nicole?" tanong ni Chelsea nang pagbaba ng hagdan ay nakitang nakaupo ang kaibigan sa sala na nakatingala sa kaniya.
"Hindi ba ako welcome rito? Sabihin mo lang," nakasimangot na sagot ni Nicole.
"Matapos mo akong iwan sa Resort's World, akala mo welcome ka pa rito?" nakasalubong ang mga kilay na sagot ni Chelsea. Galit siya sa kaibigan dahil nagmumukhang tanga na siya sa labas kakahintay pero natapos lang ang pageant at lumabas na ang lahat ng tao ay wala kahit anino ni Nicole Montenegro.
"S-sorry."
"Ano ba ang nangyari?" naupo siya sa sofa na nasa harapan ng kaibigan. "Natalo ka ba?"
Hindi sumagot si Nicole kaya tumayo siya at kinuha ang remote. Bumalik na sa ibang bansa ang parents niya kaya siya na lang ang naiwan dito sa bahay nila.
"Psh! Ikaw na nga ang nang-iwan sa akin tapos ako pa itong dini-dedma mo?" Ini-on niya ang tv. Sakto namang showbiz patrol nakatuon ang balita. "Ano ba ang problema? Bakit may bitbit kang maleta?" napataas ang kilay niya nang makita ang malaking maleta na nasa tabi ng sofa.
"Magandang gabi, kanina na pinangalanan ang mga pasok na kandidata para sa Binibining Pilipinas at may isang na disqualified dahil sa murang edad ay may asawa na ito ayon sa sikat at isa sa mga judges na si Leo Marcelo. Ayon sa ibang judges, malakas sana ang laban ng kandidatang ito. Ang kabuuang ulat, ibalita mo, Sheena Cordero." Walang tanong-tanong ay biglang pinatay ni Chelsea ang tv at nanlulumong tumingin sa nakayukong kaibigan.
"Isa pala sa mga judges ang asawa mo?" mahinang tanong ni Chelsea.
"A-ang sama niya! Ang s-sama, sama niya!" Umiiyak na sabi ni Nicole. "Pangarap ko 'yon, e. T-tapos... T-tapos sa isang iglap lang, gano'n ang mangyari? A-anong kasalanan ko? L-lahat na lang ba sirain niya sa buhay ko?" umiiyak na sabi ni Nicole sa kaibigan. Halos masira na ang make-up nito pero wala siyang pakialam kahit ang maskcara niya ay kumalat na sa palibot ng kaniyang mga mata dahil sa luha.
"Oli, tama na. Matatag ka 'di ba? Bakit ka magpapatalo? Walang makakapabagsak sa isang Nicole Montenegro," tumayo siya at hinimas ang likod ng kaibigan bilang pagdamay.
"Sa harap ninyo, maaaring matatag ako, masiyahin, pero sa likod ng mga ngiti ko, itinatago ko lang ang sakit na nararamdaman ko. Pilit na tumatawa para mapasaya lang kayo, kahit na nagmumukhang tanga, pero ang totoo, tao lang ako. Nasasaktan! Hindi ko lang ipinapakita na masakit na ang ginagawa niya dahil gusto ko kayong tumawa, ngumiti, at maging masaya. Dahil... dahil alam ko ang nararamdaman ng taong nasasaktan at malungkot. D-dahil g-gusto ko, lahat kayo ay masaya. Okey lang na masaktan ako, basta kayo, tumawa lang. Kalimutan ang problema," ito na siguro ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay niya dahil itong araw lang na ito naging honest siya sa harap ng ibang tao na nasasaktan din siya.
"Pangarap ko iyon, b-buong buhay ko gusto ko talagang pumasok s beauty pageant pero bakit gano'n? W-wala akong ginawa kundi ang... Ang m-mahalin si Leo mula noon. B-bata pa lang ako, s-sakaniya na umiikot ang buhay ko. S-siya na ang hinahabol ko kahit na nagmumukha na akong tanga p-pero bakit ngayon... N-ngayong malapit na, s-sinira niya?" kinuha niya ang isang tissue sa harapan niya na nasa center table at pinahidan ang mga luha.
"L-lagi na lang akong napapahiya kapag k-kasama ko siya, l-lagi na lang akong n-nasasaktan dahil m-mahal ko siya, l-lagi rin niya akong... Pina... P-pinapahiya in p-public. Noong pinahiya niya ako sa party, ang s-sakit. Sana... S-sana namatay na lang ako sa aksidente... S-sana, hindi na lang ako nabuhay kasi... kasi... K-kasi mas doble pa pala ang s-sakit na naramdaman ko," natahimik si Chelsea. Wala siyang masabi o mahapuhap na idudugtong sa mga sinabi ng kaibigan.
"Sana... h-hindi na lang ako pumayag sa naisip ni m-mommy. Sana... H-hindi na lang ako nagkunwaring, may... m-may amnesia, edi sana, hindi nagkagulo ang lahat. S-sana... lumayo na lang ako. Hindi  'yong pinilit ko pa ang sarili ko sa kaniya."
"Hala! Wala kang amnesia, Nicole? Niloloko mo lang si Leo?" Bulalas na wika ni Chelsea.
"H-hindi ko naman alam na palabasin nina mommy na k-kasal na kami, e. G-gusto ko lang talaga na kalimutan na siya... na kunwari, h-hindi ko na siya matandaan para magmove-on na lang... na lumayo na lang sana sa kaniya," sising-sisi na sagot ni Nicole habang pinapahidan ang mga luha.

A/N:
Ayoko nang tumagal pa ito. Hahaha. Hopefully, umabot pa sa chapter 30 pero mukhang hindi ko na keribels. Pak ganern!

My Childish WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon