6

1.5K 47 0
                                    


MY CHILDISH WIFE
by: sha_sha0808

AAL 6

Nicole's Pov]
Naiwan kami dito sa veranda pero walang
nagsalita sa amin.hmmmp!!!bahala siya basta
ako ay hinding hindi magsasalita.
"So,nagising nalang ako bigla ng walang
maalala sa nakaraan ko tapos magulat
nalang na may asawa na pala at sad to say
isip bata pa ito". ang bwesit na lalaking to na
mismo ang bumasag sa katahimikang
namayani sa aming dalawa.
"Pareho lang naman tayo.diring diri ka e
ikaw nga daw ang inlove sa akin e" sagot
ko naman.aba hindi ko na problema yon.sabi
naman ng parents namin ay sya ang
nagmamakaawang ikasal kami.
"Yon nga ang hirap e.bakit hindi ko
ramdam na patay na patay ako sayo?e hindi
ka naman ka akit akit". .napataas ang kilay
ko sa sinabi ng hambog na to.akala mo
kung sinong gwapo e pangit naman.tsss...
"Di ko rin naman pinipilit ang sarili ko sa
isang taong walang gusto sa akin..kaya
break na tayo at wag ka ng magpakita pa
sa akin" naasar na sabi ko.
"Tsss...paano kung talagang nagmamahalan
tayo noon?". nagdududang sabi niya.
"Past is past.ang importante ay HINDI na
natin mahal ang isat isa kaya MALAYA
kana!". giit na sabi ko na ikinatahimik niya at
halatang may iniisip.
"Sus.mahal mo ko nahiya kalang
aminin..diba kasal tayo?". nakangiting sabi
niya at tumayo papunta sa akin.
"Oh ano naman ngayon?". nakakairita ang
lalaking to lalo na kapag ngumiti sa akin
nakakabwesit.
"Tara ituloy na natin ang honeymoon". .mas
lalo pa itong lumapit sa akin.
"Waaaa..manyak ka talaga.". tumayo din ako
at kinuha ang sandal ko para ihampas
sakanya.
"Ouch..nicole ano ba!tama na...ang sakit..."
ilag sya tapos mabilis na hinawakan ako sa
kamay at pigilan sa ginagawa ko.
"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka..di ka
na nahiya!". nagpupumiglas ako pero ang
lakas talaga ng pagkakahawak sa akin ng leo
na to.
"Tssss..isip bata kana sadista kapa i'm sure
bago tayo ikinasal ay may nangyari na sa
atin.sa libog mong yan?". natatawa pa na
sabi nito na mas lalong iknagalit ko.
"Hayop ka talaga.bitiwan mo ako para
maputol ko yang pitotoy mo bwesit
ka!". ..pinagsisipa ko na siya sa sobrang inis
pero siya tatawa tawa pa.nakakaasar
talaga.pakiramdam ko ay sinasaniban ako ng
demonyo kapag kaharap ko to.
"Oli,leo ano ba ang ginagawa nyong bata
kayo?". nagulat sina mommy at tita julie ng
makita kaming nag aaway ni leo
"Uwi na tayo mommy ayoko ng makasama
ang hayop na to". tiningnan ko siya ng
masama habang prenteng nakaupo na.
"Baka ang ibig mong sabihin mo ay asawa
mo?". nakangisi niyang sabi.
"Shutup!!!wala akong asawang manyakis
kagaya mo at isa pa hinding hindi ako
magkakagusto sa isang tulad mo". ..naasar
na ako sakanya.anong akala nito?sya ang
lalaking kababaliwan at hahabulin ko??
NEVER!!!."
"haist.tama na nga yan nicole.pasensya na
kayo uuwi nalang kami mare,nextime
nalang uli". hindi na ako nagpaalam pa sa
kanila at nauna ng pumunta sa sasakyan.my
ghad.!!!gusto ko na talagang umalis sa
mansion na to.hinding hindi ko kayang
pakisamahan ang lalaking yon sa iisang
bahay.
Dalawang araw na ang nakalipas mula ng
mangyari ang usapan sa mansion ng mga
marcelo na yon pero hanggang ngayon ay
kumukulo pa rin ang dugo ko kapag maisip
ko ang mukha o pangalan ng hayop na yon.

"Sige po mang kanor salamat po sa
paghatid!". .paalam ko sakanya at bumaba na
sa bagong limousine na binigay ni kuya karl.
"Sige po maam.text nalang po kayo kapag
magpasundo na kayo!". sabi ni mang kanor
sa akin at umalis na.hahaha ang astig ni
mang kanor balita ko ay may girlfriend sya
na batang bata.palibhasa malaki ang sahod
niya sa amin.tapos binibigyan pa sya ni kuya
karl kapag may lakad silang importante.
"Wow naka limo si nicole?akala ko na
kickout na yan?". -girl one.
"At ang ganda pa ng gamit.prada
shoes,prada bag at kahit shades
prada?". mangha na sabi ng isa pa niyang
kasama.
'Baka nakapag asawa ng mayaman kaya
nawala ng isang buwan?".- girl 3.
Tinaasan ko sila ng kilay lalo na yong girl
3.lintik lang sinambit pa ang salitamg
asawa.. naalala ko tuloy ang hayop na leo na
yon.sino sino ba ang mga bruhang to?hindi
ko sila matandaan.
"BAKLAAAAAA!!!!". sigaw ng isang
babae.pagpasok ko sa classroom.siya ang
babaeng kasama ko sa picture na nasa
condo ko.lumipat na kasi ako ng condo
kahapon lang.ayoko don sa mansion
masyadong boring.
"Isang buwan kang nawala saan kaba
nagpunta ha???di ka manlang
nagtext.WOW ang ganda mo bakla
nagmemakeup kana tapos ang mamahalin
na ng gamit mo!". manghang sabi ng
bruhildang to.siya pala yong text ng text sa
akin...nakalagay don na chelsea ang name
niya sa phone.
"Ahhh may importante lang akong ginawa
bakla!". hahaha makibakla na din nga
sakanya.kunwari ay wala akong
amnesia.mamaya ko nalang sabihin sakanya
ang totoo kapag kaming dalawa
nalang.mukhang mabait naman ang lokang
to..
"Mamaya na tayo mag usap bakla andyan na
si sir Legazpi". bulong niya sa akin at bumalik
na sa upuan niya.since friends naman ata
kami ay naupo na din ako sa tabi niya...
Halos lahat ay nakatingin at nanibago sa
akin.hala bakit ganyan mga itsura nila e
mayaman naman ako.ako pa nga ang may ari
ng school na to.
hindi ba nila ako nakikilala?mga walang
galang a....tssss...masumbong nga kay kuya
para mapaalis sila sa school..hehehe.
Matapos mag lecture ay hinila ko na ang
baklang to sa minipark ng school.nakita ko
kasi pagpasok ko kanina na may minipark
dito.isa pa kahit nakapikit ako ay
pakiramdam ko kabisado ko na ang buong
campus.kahit nga library ay alam ko kung
saan banda.
Pero kapag tao ang usapan ay mahina ang
memorya ko...
"Ano ba bakla nagugutom pa ako.tara
punta muna tayo sa canteen". aya niya sa
akin.
"Wait lang chelsea.ahm..may sekreto akong
sasabihin sayo". mahina kong sabi sakanya.
"Ohhh ano yon?di kana virgin?
Awwwww!!!. ".binatukan ko nga nakakaasar
na e.
"Isa pa isusumpa na talaga kita bilang
kaibigan ko!" Naiinis na sabi ko.
"Sorry naman.maka batok ka parang di mo
ako bestfriend a.o ano na yang sekreto
mo?" reklamo niya.tssss bestfriend ko ba
talaga sya?bakit hindi halata???
"May amnesia ako bakla!". .bulong ko
sakanya.
"Weee???" sagot niya sa akin na hindi
naniniwala.
"Makinig ka kasi". ayon inexplain ko na
sakanya ang lahat ng nangyari.nagulat pa
nga sya dahil sinabi kong kami ang may ari
nitong westbridge university e
Haay naku!!!kaya pala ganon ang turing sa
akin ng mga estudyante ay nagpretend
Pala ako na pobre sa school na
to.hahaha.ako?hinayaan ko lang ang sarili
kong lait laitin nila?oh my gosh!!!!...
Natapos ang isang buong araw na sobrang
nakakapagod.nagpasundo na ako kay mang
kanor...
Kakarating ko lang dito sa condo ko ng may
nakita akong naghahakot ng gamit.sa tapat
kasi ng condo ko ay available pa daw..
Papasok na ako ng condo ng makita ko ang
bagong lipat.
"'IKAW???" buong lakas na sigaw ko..
"Tsss...tang ina naman oh! Sabi ko na nga
ba!!! kaya dito ako pinalipat ni mommy e
andito ka din pala". reklamo ng leo na to.
"Lumayas ka na nga dito lipat kana ng
condo!". nakakainis!!!.iniiwasan ko na nga sya
tapos ganito pa ang nangyari.
"Tsss..pag mamay ari mo ba to?". nakakunot
din ang noo niya.halatang naiirita.kung
nairita sya mas lalo na ako.
"Ewan ko sayo.bakit ba kasi pinakasal ako
sayo e hindi ka naman gwapo at
hot!!""". pagmamaktol ko.idagdag pa ang
hambog mayabang at mahangin na pag
uugali niya.
"Ikaw lang ang nagsabi niyan.hindi porket
pinakasalan kita ay ikinaganda mo na.sa
dami ng babaeng nagkagusto sa akin i'm
sure pinikot mo lang talaga ako!". .ayan na
naman po siya sa ugali niyang hambog.
"Asan ang naghuhumaling sayo? Baka mga
mukhang aso!". .panunuya ko bwesit lang...
"Ohhh my gosh!!!!leo?waaaah girls si leo
marcelo". ..tili ng isang babae ng lumabas sa
kabilang unit tapos nagsilabasan na din ang
mga kaibigan niya.sila ang magbabarkadang
laging maingay.ginagawa atang tambayan
ang unit ng kaibigan nila.
"Waaahhhh si leo nga gurl.ang gwapo
gwapo mo sa personal
Pa picture!!!!". ayon dinumog na ng lima ang
hayop na yon at nagpapicture.
Ang loko naman ay todo smile pa!...
"Jealous???". nakangisi niyang sabi habang
nakatingin sa akin.ang KAPAL ng mukha.
Pumasok na ako sa unit ko at malakas na
isinara ang pinto..bwesit siya..BWESIT!!!!.

My Childish WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon