My Childish Wife
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 26 ( FINALE )
Leo, hindi ka ba pupunta sa thanksgiving party ng asawa mo?" isang buwan na ang nakaraan nang magkita sila ni Nicole sa bahay nina Karl. Hindi na rin sila nagkita pagkatapos. May mga umuugong na balita na may relasyon ito at si Jake na ka love team niya pero walang confirmation sa magkabilang panig.
"Hindi naman ako invited, Mom." Wala sa mood na sagot niya habang binubuksan ang ref at kumuha ng maiinom na tubig.
"May invitation cards na binigay sa ating lahat at kasama ka na roon. Si Nicole mismo ang nag-abot sa akin."
"Sige. Tingnan ko mamaya," sumalin muna siya ng tubig sa baso saka binalik ang pitsel sa ref. Naunang natapos ang teleserye niya kaysa kina Nicole dahil nauna naman talagang umere ang sa kanila ni Lucy. Hindi na rin siya muling pumirma ng kontrata dahil gusto niyang pagtuunan ang family business nila. Napapansin din niyang panay ang out of town ng ka loveteam at palihim na pagkita nito sa tsinoy na kaibigan ni Nicole. Ayaw lang niyang makialam sa buhay ng dalaga dahil sa labas ng camera, may kaniya-kaniya naman silang buhay.
"Anong titingnan? Gawin mo. Ikaw Leo, napaghalataan kang bitter kay Oli, ha. Akala ko ba, hindi siya mahalaga sa 'yo? Tingnan mo nga ang sarili mo! Mahaba na ang balbas at buhok mo! Mag-ayos ka nga! Ipakita mong guwapo ka pa rin para ma inlove siya muli sa'yo!" panenermon ng ina.
"Psh! As if siya ang dahilan. Tamad lang talaga akong mag-ayos dahil pagod ako nitong mga nakaraang buwan sa trabaho. Alam mo namang sinagad na nila ang serbisyo ko bago mag end ang contract ko." palusot niya. May mga times na hiniling niyang sana ay bumalik na lang siya sa nakaraan. Iyong patay na patay pa si Nicole sa kaniya. Na sana ay sinulit na niya ang pagkakataong magkasama pa sila.
"Sus, oo na lang. Magpadala ako ng barbero at nang maayos ka naman. Binili na rin kita ng damit na isuot mo para mas guwapo ka sa lahat ng lalaking naroon."
"For what?" nakataas ang kilay ni Leo.
"Ano'ng for what, for what ka diyan? Siyempre para hindi naman mahiya si Baby Oli na ikaw ang asawa niya."
"As if na alam nilang ako talaga ang asawa niya. Isa pa, sikat at guwapo na ako kahit na hindi pa siya artista. Ako pa rin ang pantasya ng bayan!" Pagmamalaki niya pero aminado siyang paunti-unti na siyang nasasapawan ni Jake lalo ngayong nag hit ang teleserye nila ni Nicole. Ikinalamang din nito ang pagiging bata kaysa sa kaniya.
"Oo na lang. Maiwan na nga kita!"
Sa sala lang siya at nanonood ng iba't ibang palabas na ni isa ay hindi man lang pumapasok sa utak niya hanggang sa dumating nga ang barberong pinatawag ng kaniyang ina.
Matapos siyang magupitan ay saka namang dumating ang white suit at black pants na binili ni Mrs. Marcelo.
"Ready?" ngingiti-ngiting wika ng ina habang nakadungaw sa pinto niya.
"Okay."
"Kanina pa naghihintay ang daddy mo sa baba. Ang pogi naman ng unico hijo ko." Buong pusong pagmamalaki ng ina na ikinailing na lang ng anak.
Pagdating nila sa mansion ay pasado alas siyete na ng gabi. Marami-rami na rin ang bisita. Halos lahat ay nasa showbiz at business world. May iilang napalingon nang dumating sila at ang mga mata ay nakatutok sa kaniya.
"See? Tama lang na nag-ayos ka. Kita mo, proud mother here!" Bulong ng ina saka humagikhik na yumakap sa braso niya.
"Mapagkamalan ako nitong may sugar mommy," ganting bulong niya sa ina pero ngumiti lang ito ng matamis sa mga bisita.
"Hi, Leo!" Bati ni Jane na mas lalong gumanda sa puting bestidang suot.
"Hello, Jane. Where's Karl?" humalik siya sa pisngi ni Jane. Pasimpleng iginala niya ang mga mata pero hindi niya masagap si Nicole.
"Nasa guest room. Pinapapunta ka pala niya. Samahan mo raw siyang buhatin ang cake," ani nito.
"Ganoon ba? Maiwan muna kita." bumaling siya sa mga magulang.
"Tutulungan ko lang po si Karl."
"Go ahead, son." Pagpayag ng ama.
Dali-dali siyang umakyat sa hagdan. "Wala bang katulong at kami pa ang bubuhat?" pagmamaktol niya habang umaakyat.
"Karl?" tawag niya sabay bukas sa guest room dahil hindi naman naka lock.
"A-Ahm..." natigalgal siya nang makitang nakaupo si Nicole sa couch. Ang ganda nito sa suot na pulang cocktail dress. Simple lang pero litaw ang ganda at kurba ng katawan. Umiwas siya nang tingin dahil sa nagmumurang dibdib.
"H-Hinahanap ko si Karl."
"Bakit mo hahanapin kung ako naman ang nauna mong nakita? Hindi ka pa ba kuntento sa akin at maghanap ka pa ng iba?" tumayo ito at lumapit sa kaniya. Dahil sa pagkataranta ay napaatras siya.
"Mukha ba akong mangkukulam at natakot ka?" nakasimangot na tanong nito.
"NO!" Mabilis na sagot niya. "Hindi ko lang inaasahan na ikaw ang madatnan ko rito. Kukuha lang sana ko ng cake?"
"Wala na 'yung cake pero ang icing nandito pa."
"Nasaan?" pilit na pinapakalma niya ang sarili. Na miss niya si Nicole. Sobrang na miss niya. Her scent, taste at lahat-lahat na tungkol sa asawa. Kulang na lang ay takbuhin niya ito at paliguan ng halik.
"Ako!"
"Ah..." wala siyang maisagot. Nakanganga lang siya.
"Wala ka bang sasabihin?"
"W-Wala..." blangko na talaga ang utak niya. Ang ganda at kakaibang Nicole Montenegro ang nasa harapan niya.
"Good!" Bakas sa mukha ang pagkapikon nito.
"Tutal nandito ka naman, ibibigay ko na ang matagal mo nang hinihintay!" Lumapit ito sa desk na nasa tabi ng couch at iniabot ang isang folder. Hindi na niya kailangang buksan ito. Alam na niya na divorce paper ang laman nito.
"Tingin mo, tatanggapin ko 'yan?" nakatagis ang bagang na wika ni Leo.
"Bakit? Wala namang masama kung maghiwalay na tayo, 'di ba? May mahal ka namang iba."
"Diyan ka magaling! Ang humusga. Tamang hinala. Baka gusto mo lang pirmahan ko 'yan para malaya na kayo ng Jake mo? Sabihin mo nga sa akin, mas magaling pa ba siya kaysa sa akin?"
"Wala ka na bang ibang sasabihin?"
"Wala na. Hindi ko pipirmahan 'yan. ASAWA KITA!" Giit ni Leo.
"At kahit ano ang gawin mo, hindi kita papakawalan!" dagdag nito.
"Bakit? Para ano? Ayaw mong mapahiya na wala kang kuwentang asawa? Ah, o baka ayaw mo lang masira ang pangalan mo sa madla?" pinipilit lang na huwag sumigaw ni Nicole pero napupuno na rin ito.
"Pakialam ko sa pangalan ko? Hihiwalayan ko ang taong gusto kong hiwalayan! Wala akong pakialam sa sasabihin nila!" Naiiritang sagot ni Leo.
"E di, hiwalayan mo ak--"
"NO WAY!" Mabilis na pagputol niya. "Hindi kita hihiwalayan dahil asawa kita. Hindi naman siguro ako papayag na magpakasal sa 'yo kung hindi kita mahal, 'di ba?"
"So? Mahal mo ako?" nakataas ang kilay na tanong ni Nicole.
"K-Kuwan..."
"What? Hindi?"
"Oo na! Mahal na kita! Masaya ka na? Masaya ka na na pagkatapos ng lahat, ako ang talo sa ating dalawa? Ako ang maiwang sugatan sa atin?" Naikuyom niya ang kamao. Ang isiping may ibang lalaki sa buhay ni Nicole ay hindi niya makakaya. Gabi-gabi na lang ay natataranta na siya sa kapag maisipang iba ang katabi nito.
"Kailan pa?" papalapit na tanong ni Nicole.
"Matagal na. Kaso bata ka pa. Alam kong hindi puwede at alam ko namang darating tayo sa puntong ito na iiwan mo ako kapag nasa tamang edad at pag-iisip ka na."
"Kaya mo ako ikinakahiya sa mga fans mo? Kaya palagi mo akong dini-deny?"
"Alam kong mali ang ginawa ko noon." nakayukong saad niya. "Dini-deny kita pero sana malaman mo na hindi kita ikinakahiya. Kung alam mo lang," napalunok na siya ng laway dahil sa nagbabadyang mga luha.
"Kung alam ko lang?" ulit ni Nicole.
"Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. K-Kung paano ko pigilan ang sarili ko para lang 'wag lumapit sa 'yo dahil bata ka pa. Alam kong may mga times na sobra na ako pero iyon lang ang tanging paraan para lumayo ka sa akin dahil... Dahil..."
"Dahil ano, Leo?" napipikong tanong ni Nicole.
"Dahil matigas ang ulo mo at isip bata ka pa," mahina niyang sagot. Gusto pa sana niyang aminin na delubyo ang inaabot niya kapag kasama niya ito pero baka mas lalo pang magalit ito sa kaniya. Kung tutuusin, ilang beses siyang napahiya kapag magkasama sila.
"Kaya hindi mo ako mahal?"
"Mali!" Pagtutol niya.
"Kaya mas lalo pa kitang minahal..." pag-amin niya. Kahit ganito ang ugali ng kaharap, mas lumalalim ang pagtingin niya rito sa bawat araw na dumadaan.
"Mahal mo ba talaga ako?" nagdududang tanong ng dalaga. Nasa harapan na niya ito kaya mas lalong nataranta ang puso niya. Biglang bumilis din ang pagtibok nito. Sanay naman siyang malapit ito sa kaniya noon pero this time, iba na. Iba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Iyong tipong hindi na niya kayang kontrolin ang sariling hagkan ito.
"Oo. Mahal na mahal kita, Mrs. Marcelo. Ikaw lang ang babaeng bigyan ko ng apelyido ko. Kahit na ikaw pa ang pinakaisip-batang babae sa buong mundo, hindi kita ipagpalit sa iba. Ikaw lang talaga. Wala nang iba," buong pusong pag-amin niya. Napamura na rin siya sa sarili dahil sa kacornihan pero ano ang magagawa niya? Iyon talaga ang sinasabi ng puso niya.
"Mahal mo rin ba ako?" wala sa sariling tanong niya. Kinabahan siya nang tumahimik ang kaharap kaya sa takot ay hinawi niya ito da bewang. "Sabihin mong mahal mo ako. Sabihin mong ako lang. Sabihin mong hindi mo ako iiwan. Oli, please..." pagsusumamo niya saka niyakap ang babaeng pinakamamahal.
"Nakikiusap ako. Huwag mo akong iiwan. Do not sign the divorce paper. H-Hindi ko kaya..." mas lalong hinigpitan niya ang pagkakayakap sa asawa.
"Alam mo bang m-matagal ko nang hinintay na marinig ang bagay na i-ito galing sa 'yo? B-Bata pa lang ako, gusto ko nang mahalin mo na ako k-katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko s-sa'yo?" humihikbing sabi ni Nicole.
"M-Mahal kita, L-Leo. M-Mahal kita kahit bata pa ako. H-Hindi naman iyon nagbago," pag-amin ni Nicole saka kumalas sa pagkakayakap ng asawa. Hinarap siya nito at hinawakan sa magkabilang pisngi.
"U-Ulitin mo nga ang sabi mo, Oli?" umiiyak na utos ni Leo.
"Mahal kita. Walang nagbago. Ikaw ang may problema. Wala kang tiwala sa nararamdaman ko dahil palagi mong iniisip na bata pa ako. Kahit kailan, hindi edad ang sukatan sa pagmamahal. Mahal kita kahit na sa tingin mo ay bata pa ako..."
"Oh, Oli, I love you..." Walang pasabing siniil niya ng maalab na halok ang asawa. Sa una ay natigilan ito pero nang makarecover ay gumanti sa mga halik niya.
"I missed you..." Bulong niya saka mabilis na hinubad ang damit ng dalaga.
"L-Leo, na miss din kita My loves. B-Bakit ngayon ka lang?" nauutal na sagot niya dahil ang labi nito ay nasa leeg na niya at ang likod na rin ng kamay nito.
"I love you, O-Oli." Tumigil ito at pinantay ang kanilang mga mukha. "A-Alam mo bang m-matagal akong nagtiis dahil w-wala ka?" namamaos na pag-amin niya at hinatak pababa ang cocktail dress nito. Nakaternong bikining itim ito. Mas lalo pang nagwawala ang pagkatao niya dahil sa makinis at kaakit-akit na katawan ng asawa.
"A-Ang mga babae mo?" habang busy ito sa paghubad ng sinturon niya.
"W-Wala. Celibate ako. M-Magmula nang may nangyari sa atin, w-wala nang iba. L-Lo- ooh..." napaungol siya nang masagi ng kamay nito ang umbok niya nang tuluyan nang mahubad ang kaniyang pantalon. "Loyal ako sa 'yo..."
"T-Talaga... Waaah... My loves..." tili niya nang inihiga siya ni Leo sa couch at pumaibabaw sa kaniya.
"Y-Yupz... I badly needed y-you, Oli!" Bulong niya. Ang mga dila ay naglalandas sa maputing leeg nito pababa sa maumbok na dibdib. Ilang buwan niyang hinintay ito. It's now or never. Wala siyang ibang gusto gawin kundi ang mapasok muli ang asawa at maging isa sila.
"L-Leo... O-ohhh... S-Shit! Ahhhh..." ungol din ni Nicole nang maramdaman ang mainit na mga palad nito sa ilalim ng kaniyang bra. Pumipisil at naglalaro.
"M-My love... S-Sandali... M-Makita nila..." nauutal na pagpigil ni Nicole kay Leo nang tuluyan na nitong natanggal ang hook ng kaniyang bra pero tila bingi ang lalaki.
"L-Leo sandali! H-Hindi puwede!" Namumula niyang pagpigil. Kahit ang totoo ay ayaw naman talaga niyang tumigil ito sa ginagawa.
"W-What?" naguguluhang tanong ni Leo.
"K-Kuwan... N-Naka live tayo..." atubiling sagot ni Nicole sabay kagat sa ibabang labi. Ang mukha nito ay sobrang pula na.
"Live?" nagtatakang tanong ni Leo. Hindi pa pumapasok sa utak niya ang mga nangyayari.
"L-Live tayo, nationwide..." saka lang napansin ni Leo ang lapel sa bra ng dalaga at iilang surveilance camera sa paligid.
"Fuck! NICOLE?" mabilis na tumayo siya at pinulot ang mga damit sabay yuko. Wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao.
"Hindi mo naman kasi sinabi na aabot tayo sa ganito. Sana pala, hindi ko na pina live ang confession mo." nakasimangot na sabi ni Nicole. Sabay kuha ng lapel sa katawan para hindi na sila marinig ng mga taong nanonood sa kanila. Bago nangyari ang lahat ay pinaniwala siya ng ina ni Leo na aamin ito sa kaniya basta ibigay lang niya ang divorce paper.
"Nakakainis! My loves naman. Lipat tayo sa kabilang kuwarto. Miss na kita!" Nakalabing wika niya. "Huwag ka magbihis. Ang abs mo. Huhuhu. Hindi ko pa natitikman, eh!" Sabay padyak ng paa. Naiinis na talaga siya.
"Magbihis ka na, Nicole! UTANG NA LOOB!"
"Galit ka?" bakas ang lungkot sa mga mata nito. "Hindi ko talaga sinasadyang maghubaran tayo. K-Kung gusto mo... I-Ituloy na natin... H-Hayaan na lang natin sila..."
Blangkong tiningnan ni Leo ang asawa. Kahit ganito ang nangyari, walang pagbabago ang pagmamahal niya rito. Pinakalma muna niya ang sarili bago magsalita.
"Hindi na. Magbihis ka na. Haharapin natin ang mga bisita."
"Talaga? Sige, sige!" Sumigla ang mga mata nito at mabilis na nagbihis.
Magkahawal kamay silang lumabas sa kuwarto at bumaba ng hagdan pero si Leo, nakayuko at walang makapantay sa kapulahan ng mukha. Ilang beses niyang pinapanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat pero nagigising naman siya sa kislap ng mga camera na sumasalubong sa kanila. Si Nicole ay todo ngiti habang nakahawak sa braso ng asawa. Tila sinisigaw sa buong mundo na siya ang pinakamagandang babae sa lahat dahil siya ang nagwagi.
Pag-angat ni Leo ng mukha ay halos hindi rin makatingin ang mga tao sa kanila. Ang mga magulang nila sa isang table ay nakayuko rin at halos hindi na makatingin sa mga bisita at namumula ang mga mukha.
"My loves, i love you..." bulong ni Nicole sabay pisil sa kamay niya. Tumingin siya rito at matamis na ngumiti. Nahawa na yata siya sa pagiging makapal na mukha ng asawa basta masaya at matibay sila.
"I love you too." wala na siyang choice kundi tanggapin ang kalokohan at pagkatao ng kaniyang asawa. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Mahal niya ang isip-batang si NICOLE.
" My Childish Wife..." dagdag niya.
------------------- THE END---------------
A/N:
Ouch! Tapos na si Nicole. Sana po nag-enjoy kayo. Sorry about sa kakulangan ng kuwentong ito. Like sa apelyido ni Leo. Sa una, Mercado tapos ginawa kong Marcelo.
About sa anak nila ni Leo, isa lang. Si Paul Marcelo. Nasa " I AM A PORNSTAR" Tapos na rin iyon. Salamat! 😀💖💜💖💜💖💚💗💚💖💜💖💜💖💚💗💜💗💜💜💗💜💗💖💜💖💚💖💚💖💚💚💗💜💗💜💗💜💗💜💜💖💜💖💜💗💜💗💚💗💚💗💚💗💚💖💜💜💗💜💖💜💖💜💖💜💖💜💗💜💗💜💗💜💜💗💜💗💜💗
"Accidentally Married with Mr.Famous" - Karl at Jane.
"Ang Asawa Kong Nerd na, Tboom pa. (Completed)" sa anak nina Karl at Jane Montenegro.