Chapter 11: 1113 - part 1

41 3 0
                                    

Jewel's POV

Hanggang makarating kami sa bahay ng classmate namin, palaisipan parin sa akin kung para saan ba yung black rose at note.

Sino kaya nagbigay nun? Parang tanga naman.

Sinalubong kami ni Bryson sa harap ng gate nila. Malaki din ang bahay, modern talaga ang disenyo.

"Oh. Nandito na pala kayo, pasok kayo. Para masimulan na natin ng maaga yung research."

"Nasaan yung ibang members?" tanong ko

"Nasa library na, nire-ready na nila yung mga laptops, printer at papers."

"Ahh."

Umakyat na kami sa library at nakita ko sila doon. Binati nila kami at sinimulan na namin ang pag-gawa.

Pagkatapos nang ilang oras, natapos din kami. Kahit na maikli lang ang chapter 2, medyo strict pa rin si Teacher Sally sa content ng research kaya kailangan talaga pag isipan ng mabuti.

Bago kami umuwi niyaya muna kami ni Bryson na mag dinner, hindi na ako tumanggi dahil gutom na talaga ko.

Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa sala para tawagan si Manang kaya lang hindi naman sinasagot ang telepono. Paulit - ulit pa kong tumawag pero wala talaga.

"Tsss." iritang ibinaba ko ang telepono

Nahalata ata ni Bernard na medyo naiinis ako kaya nilapitan niya ko.

"Oh. Bakit naka kunot na yang noo mo? May problema ba?"

"Si manang kasi ayaw sagutin ang telepono. Sasabihan ko sana na wag na kong tirhan ng ulam."

"Baka naman tulog na."

"Imposible, hindi matutulog yun hanggat wala ako." he just shrugged his shoulders at niyaya na kong umuwi

Apat na oras din pala ang ginugol namin, pero okay lang.

"Let's go. Medyo malayo pa yung subdivision natin dito."

Halos kalahating oras din ang byahe namin, kaya nakatulog ako kahit konti.

"Jewel, wake up. Were here."

I open my eyes at napagtanto ko na nasa harap kami ng bahay ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Bernard at tinulungan akong buhatin ang iba ko pang gamit.

"Sige, Salamat Bernard ha."

"Gusto mo ba tulungan kita ipasok tong mga gamit mo sa loob?" alok niya pero sabi ko wag na.

Pag alis niya, paulit-ulit akong nag doorbell. Pero walang nagbubukas ng gate, almost ten minutes ako dito sa labas at sobrang pagod nako kaya naisipan ko nang gamitin, ang duplicate key.

Pag pasok ko ng bahay nakita ko sina manang at Jose na naka upo sa may dining room. Hindi ata nila napansin na pumasok ako, kaya lumapit ako sa kanila.

"Manang, what are you two doing?" tanong ko kay manang habang dahan dahang lumalapit sa kanya

But once again, she's not answering. Kaya hinawakan ko ang kamay niya but once my hands touched her hand parang lumabas ang kaluluwa ko sa takot dahil sobrang lamig ng kamay niya. Ayokong mag assume nang kahit ano kaya hinawi ko, ang buhok niya para makapa ko ang pulse sa bandang leeg niya.

At napa-hagulgol ako sa takot dahil may alambre na naka ikot sa leeg niya at ganun din kay Jose.

'Sino ang may gawa nito?!?!'

Unti-unting nagsi-sink in sakin na patay na siya, gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko dahil sa takot at mga katanungan sa isip ko.

'Bakit?!?! Bakit nangyari to sa dalawang taong itinuring ko ng pamilya?! Bakit sa dalawang taong ito na nagmamahal sakin ng totoo?! Huhuhu!!'

Napahinto ako sa pag iyak nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Nanginginig ang tuhod kong humarap sa taong yun at nagulat ako nang makilala ko siya.

"Ikaw ba ang may gawa nito sa kanila?! Ha?!" tanong ko sa kanya

"How dare you do this to my family?!?!" bulyaw kong muli dahil ayawal niyang sumagot

"Ganyan din, ang naramdaman ko ng sinaktan at patayin niyo ang babaeng mahal na mahal ko." mahinahon niyang sagot sa akin pero nagtataka ako, may gusto siya kay Mary Ann?!

"And now is the perfect moment para mawala ka na sa mundo! Hahahahahahaha!!!"

Ngayon ko na realize na he's a psychopath. At kahit ano mang oras ay papatayin niya ko, oras ko na ba talaga?

"Kung makikita mo lang ang sarili mo sa salamin, sigurado matatawa ka din sa itsura mo. Hahaha. Hopelessness is written all over your face! Just the way I want it!" he said with a big grin on his face

"Please. Spare me. I'm begging you!" I beg

"Oh. I'm sorry, darling. But I won't spare your life, just the way you did to my Mary Ann."

Morning

Angela's POV

Knock.. Knock..

"Angela, Breakfast is ready. Bumangon ka na baka ma late tayo." my brother said outside my room

I quickly go to bathroom and get ready after fifteen minutes. I am ready for school, but why do I have this feeling that something is not right.

Pag baba ko, I saw my brother at dining room reading a newspaper.

"Good Morning. *tsup*" I greeted and kiss his cheek, he smiled at me and we start eating breakfast

Naka tayo sa right side ng dining room ang mga maid while the butlers is standing at the left.

"Kuya, nasaan si Kuya Christian?"

"Ah. Maaga umalis, nakikipag kita doon sa girlfriend niya. Mariel ata pangalan nun." muntik na akong mabulunan ng banggitin niya ang pangalan ng girlfriend ni Kuya Christian

"Mariel? As in Mariel Gregory?!" tanong ko na nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat

"Why do you know her?" he ask curiosly

"Ah. Hmm. Hindi naman pero naririnig ko lang doon sa ibang students, kasi diba nawawala yung kapatid niya na classmate ko."

"Ah. Oo nga, ano nga ulit pangalan nung classmate mo na yun?"

"Mary Ann"

"Ahh. So may balita na ba tungkol sa kanya?" tanong niya pa ulit

"I don't know. And besides ayoko mangialam sa mga ganyan, kuya. Oh. Tara na mala-late na tayo." palusot ko sa kanya para maiwasan na ang topic na yun.

"Ahm. Mauna ka na, may nakalimutan lang akong gawin."

"Sige bahala ka. Bye" paglabas ko ng bahay pumasok ako agad ng kotse. Buti na lang hindi na siya sumabay, dahil kung hindi. Hindi niya ko tatantanan ng mga tanong.

Jeremy's POV

Paglabas ng dining room ng kapatid ko. Agad akong kinutuban na para bang may nililihim sakin ang kapatid ko.

I know my sister, basta't nasa isang lugar siya hindi mawawalan ng gulo.

Sana wala siyang kinalaman sa mga nangyayari sa school, ayoko siyang mapahamak.

====================
-----> Jewel at the side

Tagal ko na palang hindi nag update hehe Dedicate ko itong chapter na ito sa sumusunod na tao na nag follow sa akin, nag vote at nag add ng story ko sa kanilang reading list.

coldasme - reading list and vote
dethzkielee - follower
yehethunter - follower
pangetako22 - reading list
iamchacha08 - follower
ShinLeigh - reading list
exo88_kpoplovers - follower
thutrieu3367 - follower
Badgirl_14 - vote
OneIVTree - follower
playfulangel07 - reading list
ninahsarah19 - reading list
ZeeDwine_Keilyn - reading list

Thank You sa inyo

~HyeSunJung / 정 혀 선

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon