Chapter 4: Transfer Student

191 8 6
                                    

Jewel's POV

Pinakilala na ako ni Angela diba? So no need to introduce myself. Ang tagal na naman ng driver namin, nayayamot na ako dito ha!!! Ang dami ko pa naman dalang materials.. Bwiset kasi yung matandang hukluban kong teacher sa science eh, daming pinapadala meron naman pala silang meeting, kaya the rest of the afternoon ay homeroom kami. Isama pa yung teacher namin sa P.E. na malaki ang galit sa mundo pati kami dinadamay, wala naman kaming ginagawa sa kanya.. 'Oh~ Life.. Why so complicated?'

"Miss Jewel?' nabalik lang ako sa reyalidad ng may tumawag sa maganda kong pangalan... yung driver pala namin na si Jose, 18 na siya.

"Okay lang ba kayo Miss Jewel? Tulala kasi kayo eh.." Aba may gana pa siyang mag tanong. Hindi na lang kunin yung gamit ko, minsan talaga may pagka engot to eh

"Ayaw mo bang kunin tong gamit ko? Kasi sa totoo lang, ngalay na ngalay na ko.." insert the sarcasm here guys

"Sorry po.. hehe" tawa niya pa sabay kamot sa batok. Eh kung bigwasan ko kaya to?

"Tara na" aya ko sa kanya. Alam kong halatang naaasar ako sa kanya kaya hindi na siya nag salita.

Pagkadating namin sa bahay sinalubong ako ni Manang Rose

"Oh. hija, bakit ngayon ka lang?" tanong niya agad sa akin tinignan ko siya at sabay sabing

"Tanungin niyo po yung magaling niyong apo" asar kong sagot sa kanya

"Hayaan mo pag sasabihan ko sigurado ko dinaanan noon yung bagong katulong diyan sa kabilang bahay nililigawan ata, kumain ka muna sigurado akong gutom ka na, niluto ko ang paborito mong adobong manok."

nawala naman ang pagka yamot ko ng sabihin yun ni Manang alam niya talaga mga paborito ko, nag iisa lang akong anak. Yung parents ko, ewan ko kung saang lupalop nang bansa naroroon, malamang may business na namang pinuntahan. Dalawa o tatlong beses ko lang sila nakikita kada isang taon. Saklap noh? Well hindi lang naman ako ang nakakaranas nang ganyan lahat kaming mag kakaibigan madalas wala ang parents sa bahay, Sa maniwala man kayo o hindi pero tatlo lang kaming nakatira dito sa mala mansyon naming bahay.

Pagkatapos kong kumain halos hindi na ako maka lakad at maka hinga sa sobrang dami kong kinain. Well no wonder masarap talaga mag luto si Manang, noong bata pa raw kasi siya meron raw silang negosyong karinderya at madalas niyang tinutulungang mag luto ang nanay niya...

Nang makapasok ako sa kwarto nagbihis ako kaagad ng pangbahay at tinapos lahat nang assignment ko nag review na din ako dahil may quiz kami sa History at Rel. Ed. Next 2 weeks na rin pala yung 3rd Periodical Test pagkatapos sembreak na.. Yey!

(a/n: Rel. Ed. - Religious Education po yun, sa ibang school kasi iba tawag dun)

10:30 na pala. Inaantok na rin ako kaya nag hilamos na ako humarap ako sa vanity mirror ko para mag suklay nang makita ko ang charm bracelet ni Mary Ann.

'Saan kaya siya dinala ni Stephen? Teka ano bang pakielam ko kung saan. Tss'

Makatulog na nga lang.. Good night readers :*

ZZZZZzzzzz             ZZZZZzzzzz

Kinabukasan

Anne's POV

Maaga akong sinundo ni Stephen.

''Belle, naasikaso mo na ba yung passport mo?" tanong niya sa akin habang nagda-drive

"Pinaasikaso ko na sa Secretary ni Dad. Sobra dami ko kasing ginagawa eh"

(a/n: Belle means my Pretty one... Tawag po ni Stephen kay Anne, ang layo sa pangalan noh? hehehhe)

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon