Chapter 9: Extra Chapter 2 Years Ago - part 2

81 3 0
                                    

Mariele's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas at kaming lahat sa aming klase ay abala sa gaganaping paligsahan, tatlong linggo mula ngayon. Oo, isa itong paligsahan para sa buong klase upang ipakita ang tunay na ibig sabihin ng pagkaka-isa, at isa rin itong aktibidad para sa pang indibidwal.

Medyo nahihirapan kami sa costume dahil ang gusto ng apat sa aking mga kamag-aral ay pasadya na sinangayunan ng marami.. Tumanggi ako sa gusto nila dahil masyadong mahal ang gastos, lalo pa't gusto nila mag-pagawa sa isang sikat na Fashion Designer pero napag-kasunduan na lang namin na mag-ambag ng tig-dalawang libo kada isang estudyante, at medyo mataas ang presyo ng tela dahil sa kuwalidad nito...

Kung tatanungin nyo naman ang tungkol sa amin ni Christian. Well~ Sinagot ko na siya. Oo, kami na nga, medyo napadali ang pag-sagot ko sa kanya kasi hindi ko naman maitatanggi ang pag-ibig ko para sa kanya. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ito na nga siya palapit na sa akin.

"Hey. Beauty" hinalikan niya ko sa pisngi

"Hello din.. Beast" sabi ko naman at pinagpatuloy ang pagbabasa ng The Vampire Diaries na libro...

Btw Beauty and Beast ang endearment namin sa isa't isa. Maganda raw kasi ako sabi niya hihi. At Beast naman ang tawag ko sa kanya dahil mapanganib ang kanyang kagwapuhan. Baka maka-patay ako kapag may lumandi sa kanyang bruhilda.

"Ayan na naman binabasa mo? Hindi ka ba nagsasawa dyan?"

"Ibang series naman ito.. Season 2 na ito eh. Atsaka hindi ako nag sasawa ah.. Ang gwapo - gwapo nga ni Damon eh.." pagtatanggol ko naman at syempre medyo kinilig ako dun sa huling part

"Tss!! Mas gwapo ko dyan!" sabi niya pa at bahagyang napasimangot

"Sus.. Selos ka lang eh" pang-aasar ko pa

"Hindi ah! Ako mag se-selos?!? Tss.. Neverrr" at mukhang effective ang pang-aasar ko. He sounds defensive haha

"Oo na, hindi na po. So please manahimik ka na dyan at ipagpapatuloy ko na ang pag-papantasya ko sa Salvatore Brothers" itutuloy ko na sana ang pagbabasa nang hablutin niya sakin ang libro at sinabing--

"Anong pantasya-pantasya? Ako lang dapat ang pag-pantasyahan mo.. Sakin mo lang dapat ibaling ang atensyon mo.. Got It??" he said posessively so I giggled

"Oo na po.. You Sexy Beast!" ki-niss ko pa ang matangos niyang ilong, kumunot na naman ang noo nya

"Sa ilong lang?? Wala sa lips?" tanong niya sabay pout natawa naman ako sa kanya. Mukha siyang batang hindi mabigyan ng candy..

Christian's POV

Hindi ko akalain na maipapakita ko kay Mariele ang childish side ko. Madalas kasi akong katakutan nang maraming estudyante, syempre as a leader dapat makuha ko ang respeto nila sakin... Noong sinagot niya ko, ewan ko ba pero sobrang masaya ko, never pa akong nakaramdam nang ganung klaseng pakiramdam but at the same time nakokonsensya ko...

Gusto ko ng mag back out sa pustahan, hindi ko kayang nakikitang nasasaktan si Mariel. Oo inaamin ko na, nahuhulog na rin ako sa kanya. Hindi niyo ko masisisi, marami akong bagong karanasan simula nung naging kami nailabas ko iyong dating Christian na masayahin at makulit, naipakita ko lahat yun nung nag date kami sa Amusement Park, never pa akong nakarating sa ganung klaseng lugar lalo na nung bata pa ko hindi ako pinapayagan nina mama at papa.

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon