Para sakin medyo SPG ang part na to... Good Luck na lang guys
Mariele's POV
Nakayuko lang ako dito sa sulok, umiiyak. Medyo malabo ang mga mata ko dahil sa kakaiyak, napansin ko na lang merong dalawang pares ng paa nang isang lalaki, hindi ko na kailangang tignan pa kung sino yun.
"Beauty, bakit ka umiiyak?" tanong sakin ni Chris tumayo ako at inabot sa kanya ang recorder
"Ano to? Anong gagawin ko dito? Teka bakit ka ba umiiyak?"
"Bakit hindi mo pakinggan para malaman mo?" mahinang sagot ko sa kanya pero sana maramdaman niya yung hinanakit sa boses ko, pinindot naman niya ang play button nilapit niya sa kanyang tenga ang recorder para mas marinig niya kung ano ang naka-record, unti-unting nanlalaki ang mga mata niya. Hindi ko na kaya, pagod na pagod nako.
Mabilis akong tumakbo papalayo sa lugar na yon narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na ginawang lumingon, nang mabangga ako ni Patricia, isa siyang nerd na ka-klase ko, nasa labas na pala ako ng building. Hingal na hingal siya at namumutla, hinawakan niya ang magkabila kong balikat, sobrang higpit ng pag-hawak niya.
"Mariele, alam mo na kung ano ang ginawa ni Chris. Umalis ka na, tumakas ka na. Narinig kong nag-uusap sina Arnold at iba pa niyang ka-tropa, meron silang binabalak." sabi niya sa akin halatang natatakot siya kaya hindi ko maiwasang kabahan, bago siya umalis hinatak ko ang braso niya.
"Kung totoo man yang sinasabi mo, tara na isumbong na natin yun sa mga teachers"
"Mariele, hindi mo ba napansing pagkatapos ng judging ay nawala na lang sila bigla. Sinundan ko sila Arnold, narinig kong nilagyan nila ng drugs yung mga inumin ng mga teachers kaya ng makabalik ang mga teachers sa faculty ay lahat sila wala ng malay, dinala nila ang mga teachers sa HRM Building, pero hindi ko na alam kung anong ginawa sa kanila dahil tumakbo na ko pabalik dito.." paliwanag niya "kaya ikaw tumakas ka na, wag ka nang bumalik" dagdag niya pa
"Paano ka, wag ka ng bumalik doon" sabi ko na may halong kaba
"Susunod na lang ako, wag mo na kong antayin, may importante akong babalikan sa loob, kaya umalis ka na wag ka ng babalik, dahil ako kahit kailan hindi na ko babalik sa impyernong eskwelahan na to.." ngumiti siya sa akin at nag paalam kaya kumaway na lang ako at tumakbo...
Tama siya, dapat na kong umalis dito. At wag ng babalik kahit kailan, maganda ang reputasyon ng eskwelahan na ito. Isang Elite School, maganda ang panlabas, impyerno sa loob...
Patricia's POV
Kailangan kong balikan yun... Yung journal ni papa, yun na lang natitirang alaala niya sakin. Oo, patay na siya at ang journal na yun ang paraan para mahanap ko si Mama, mag-isa na lang ako ngayon nasa kalahating pahina na ako, unti-unti ko nang nasasagot ang mga katanungang bumabagabag sakin. Nang harangin ako ng kabarkada ni Arnold na si Seth at Carl
"Saan ka pupunta??" tanong sakin ni Carl
"Babalik lang ako sa classroom" I tried my best na hindi mautal, tumango naman sila at umalis 'sana hindi nila ko nakita kanina', dali-dali naman akong bumalik sa classroom, ang weird kasi yung iba kong mga classmates ay tulog na sa sulok. Lumapit sakin si Mitch.
"Hey.. Patricia here have some beer" alok niya sakin pero tumanggi ako, pilit pa rin niya akong kinukulit yung mga classmates ko naman ay nagsimula ng kantsawan ako, ayoko na ng gulo kaya ininom ko na yung beer medyo masakit sa lalamunan, nag hiyawan naman sila, dahil sa naka-inom na ko at sinabihan ko si Mitch na ayoko na, mabuti at hindi na siya nag pumilit pa.
BINABASA MO ANG
Pretentious Angel [HIATUS]
Mystery / ThrillerCopyright © HyeSunJung, 2014, All Rights Reserved DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...