Chapter 8: Love is Blind

98 5 0
                                    

This Chapter is Unedited

====================

"Bakit ang tagal?!" iritadong tanong ni Kuya Jeremy at salubong na ang kilay

Susunduin kasi namin ang pinsan namin galing Incheon, Korea. Kaya lang nagkaroon ng one hour delay of flight, Peste...

"Hindi mo ba narinig na nagkaroon ng delay... Wag kang magalala hindi lang ikaw naiinip at nagugutom.. Crazy bastard"sabi ko pero bulong na lang yung huli nakakunot na rin ang noo ko paano ba naman kasi ang sabi ni papa 3:00 pm ang arrival pero pinapunta na kami ng 11:00 am..

Gustong-gusto niya talagang pag intayin kami dito.. Haggard na ko! Bakit kasi kailangang kasama pa ko?! Dapat nandoon ako sa bahay nina Anne at binabantayan siya, nabalitaan namin ang nangyari at sobra kaming nagulat lalo na nung naikwento ni Stephen yung tungkol doon sa mga janitors na nakitang patay sa loob ng authorized personel room.

Ano naman kayang pakay nung killer? Bakit kailangan niya pang idamay si Anne? It doesn't make sense.

"Hey! Couz" nabalik lang ako sa reyalidad ng may lumapit sa aming lalaki. Speaking of the Devil siya yung kanina pa namin inaantay. Edi ayun nag man to man hug na sila at shake hands with style.. Malaki nga ang pinagbago niya dati kasi medyo patpatin siya pero ngayon visible na ang muscles niya. Nabaling naman sakin ang tingin niya

"Ikaw na ba si Angela? Aba tumangkad ka ha.. The last time I saw you maliit ka pa ng konti sakin pero ngayon halos magkasing tangkad na tayo" Whatda Hell!!! Ako?!?! Maliit?!?!?! Aba't may gana pa siyang mang-asar eh halos ilang oras niya kami pinag-antay.. Hmp! Pero dahil sa naturingan akong Bitch papatalo ba ko? Of course not!!!

"Nasa Genes kasi... Mabuti na lang wala akong balat na hilaw.." I said and walk out

Christian's POV

Hello readers I'm Christian Daniel Jung Windsor... Hindi nako pinakilala ni Angela kanina na badtrip ata...

Naglalakad-lakad ako dito sa subdivision nila pero paikot lang ang direksyong tinatahak ko, hindi ko naman kasi kabisado dito..

Napahinto ako sa paglalakad nung may pamilyar na babae akong natanaw na nakaupo sa swing sa playground, habang kinakanta ang rolling in the deep ni Adele...

Sa loob ng dalawang taon nakita ko na ulit siya, mas lalo siyang gumanda sa aking paningin, para pa rin akong dinuduyan sa hangin kapag naririnig ko siyang umawit. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at humingi ng tawad sa ginawa namin ng barkada ko sa kanya, pero natatakot ako na baka makita ko na naman ang ekspresyon sa kanyang mukha na puno ng galit at hinanakit.. Hindi ko alam kung paano sasabihing natutunan ko siyang mahalin at totoo ang pagmamahal na ipinakita ko sa kanya noong magkasama pa kami.

Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa gawi ko at halatang nagulat siya dahil nanlaki ang kanyang mga mata. Lalapitan ko na sana siya pero bigla na lamang siyang tumakbo, lumiko siya sa kanang direksyon pero hindi ko na siya naabutan..

Bumalik ako sa mansyon nina pinsan at naabutan kong lumabas si Jeremy galing sa kusina

"Oh, anong nangyari sayo? Bakit parang nanlulumo yang itsura mo?" sabi niya lumapit sakin initsa niya sakin ang isang in can beer nakuha ko naman ito

"I saw her" halos bulong kong banggit sa kanya ewan ko kung naintindihan niya

"Sinong her?"

"May kakilala ka bang Mariele Gregory na dito nakatira sa subdivision??"

"Oo, bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" bahagyang napakunot ang noo niya

"Anong alam mo tungkol sa kanya?"

"Ang alam ko sila ang may-ari nitong subdivision. Yun lang, sige alis muna ko" at bahagya niyang tinapik ang balikat ko

Unknown's POV

Nakatingin ako sa kanya, nakaupo lang siya sa sofa, nakatulala.

"Nakabalik na siya" mahinang usal niya

"Sino?"

"Ang lalaking una kong minahal"

"So?" sabay higop ko ng kape pero muntik na kong mabilaukan sa susunod niyang sinabi

"Pinsan niya ang taong lumapastangan kay Mary Ann.. Pinsan niya si Angela Windsor" and it just gave me an idea

Mariele's POV

2 years of pain and suffering

2 years for me, trying to erase all the memories with him

and now he's back..

Binuksan ko ang facebook account ko. Hinanap ko ang kanyang account at hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko ito agad..

Tama ba ang gagawin ko? Hahayaan ko bang kainin ng galit ang buong sistema ko? Hindi lang ako ang tauhan sa larong ito. Mayroong madadamay sa ayaw at sa gusto ko. Paghihiganti ba talaga ang solusyon?

Sa larong ito dapat kilala mo kung sino ang may karapatan ng iyong tiwala. Maraming tuso, mga kapwa magla-laro na mapaglinlang, pinagmamasdan at pinagaaralan pati ang iyong kilos. Kung ayaw mong mawala sa laro ng maaga, kailangan mong makaisip ng stratehiya.

Sa iyong paglalakbay sa madilim na larong ito, huwag kang magpapadala sa kanilang mga ngiti. Sa likod nang mga ito, lahat sila ay may nagbabadyang plano sa kanilang mala demonyong isip.

Christian's POV

Sobra akong natutuwa. Sa wakas, ang mga damdaming matagal kong ng itinago ay maipapadama ko na sa kanya.. Binigyan niya pa ko ng isa pang tsansa.

Nandito ko sa isang restaurant na madalas naming puntahan. Noon...

Handa na siyang kausapin ako, kinakabahan man ako pero pilit ko itong pinagtatakpan... Ayokong mag mukhang tanga sa harap niya.

Masyadong malalim ang aking pag-iisip kaya hindi ko napansin na nasa harap ko siya. Dalawang taon man ang lumipas pero kahit nasa malapit o malayo hindi ko mapagkakaila na mas lalo siyang gumanda.

Tumayo ako at ipinaghila siya ng upuan, nang siya ay maka upo ako naman ay bumalik sa aking pwesto.

"Salamat at pumayag kang makipagkita sakin." sabi niya at binigyan ako ng isang matipid na ngiti.. Pero pansin ko ang kanyang malamlam na mga mata, na nakapukaw sakin.

"Okay lang. Wala naman akong masyadong ginagawa. Ano nga palang gusto mong kainin?" tanong ko

"The Usual" sabi niya at nakita kong medyo namumula siya, hindi ko alam na hanggang ngayon ay may epekto pa rin ako sa kanya.. Sinenyasan ko ang waiter madali naman itong lumapit, sinabi ko ang aming order tumalima naman ito agad

"Ahm.. Mariele about sa nangyari 2 years ago--" panimula ko but she cut me off

"Wala na yun sakin.. And besides kaya nga ako nakipag kita sayo kasi gusto kong mag simula ulit tayo." unti-unting sumisilay ang ngiti sa aking labi... Wala akong pakielam kung mag mukha man akong tanga basta't masaya ko... Kung ano man ang kapalit ng kaligayahang nararamdaman ko ngayon hinding-hindi ko yun pagsisihan..

====================

Not Edited

.Thank you sa mga nag reads and vote sa last chapter... Vomment Vomment... Si Christian Daniel ay totoong pinsan ko yan hehe

Princess-Sapphire; ito na update hehe ^^

~HyeSunJung / 정 혀 선

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon