Chapter 1: The Victim

253 10 2
                                    

Third Person's POV

Hindi makapaniwala si Mary ann sa nakikita niya.

Nakikita ni Mary Ann kung paano humithit ng droga ang ilan sa mga kaklase niyang lalake kasama nito ang kanilang kasintahang mga babae, hindi gumagamit ang mga babae at pinapanood lamang ang mga kasintahan na gumamit ng droga

'bakit hindi nila ito pinipigilan? bakit parang mas hinihikayat pa nila ito? Kulang ang barkada ng mga lalake may isang nawawala at yun ay si Lucas'

'Nagdo-droga din kaya si Lucas??? Teka! Kaibigan ko siya dapat hindi ko siya pinagiisipan nang masama. Pero mahirap pa rin mag tiwala, paano kung gumagamit din siya lalo na ngayong may nalaman akong lihim tungkol sa mga kaibigan niya. Hindi imposible ang nasa isip ko' sa isip isip ni Mary Ann

Maraming bagay ang gumugulo at tumatakbo sa kanyang isip hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Nakabalik siya sa katinuan nang may narinig siyang yapak galing sa loob nang kwartong yun.

"Girls, mag c-cr lang ako ha. Kailangan kong mag retouch before we go" sabi ng isa sa kanila

Kilala niya kung kanino nanggagaling ang boses. Myembro rin ito ng barkadang b*tches. Camille ang pangalan niya, ito ang pinaka liberated sa barkada. Kahit saan lantaran ang makikipagtalik niya. Wala siyang pakialam sa paligid niya basta't masaya siya sa ginagawa niya.

"Hey! wait lang sama ko. Kailangan ko rin mag retouch. Lalo na may dare kaming gagawin ni Luciya mamaya sa bar." sabi din nang isa rin sa kanila na ang pangalan ay Nicole, pareho silang liberated ni Camille pero kahit papaano may limitasyon si Nicole.

'Naku! Kailangan ko nang makaalis.'

Paatras ng paatras si Mary Ann at hindi niya napansin ang mga cleaning utensils na malapit lang sa kanyang likuran dahil sa kanyang pag atras nasagi niya ito at nakagawa ng ingay.

"Did you hear that, Camille?" tanong ni Nicole sa kaibigan

"Yes, I think it came from that way" sagot naman ni Camille sabay tingin sa direksyon kung nasaan nag tatago si Mary Ann

Dahan-dahang nag lakad si Mary Ann nang nakayuko para hindi siya makita at maka gawa nang ingay. Nagtago siya sa likod na malaking basurahan. Sobra siyang kinakabahan pero kahit papaano tinatatagan niya ang kanyang loob.

Habang papalapit sa direksyon niya ang mag kaibigan nang--

"Hoy, anong ginagawa niyo dyan?!" biglang sumulpot sa likod nila si Jewelyn

"AHHH!" sigaw ni Camille at Nicole

"Oh! Bakit!?"

"Bw*set ka! Ginulat mo kami!" galit na sabi ni Nicole

"Sorry naman. Ano ba kasing tinignan niyo dyan? Akala ko nag cr na kayo."

Habang nagbabangayan ang mag ka kaibigan. Naisip ni Mary Ann na pagkakataon niya iyon para makatakas.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ni Mary Ann pero dahil basa ang sahig dahil din sa pagkakatumba ng cleaning utensils kanina kaya nadulas si Mary Ann at tumama ang kanyang ulo sa sahig.

"Kyahhh!!"

"Sino yan!?" galit na sigaw ni Camille ng may nakita silang anino at may narinig na sigaw

Tumayo si Mary Ann mula sa pagkakabagsak niya at tumakbo palabas nang basement

Nakita iyon nang magkakaibigan

"Nicole, sabihan mo si Angela na may nakakita sa atin susundan lang namin siya" paalala ni Camille

Tumango lang si Nicole sa kaibigan at pinuntahan ang kanilang pinuno.

Mabilis na pagtakbo ang ginawa ni Camille at Jewel para maabutan ang taong nakakita sa ginagawa nila, napahinto si Jewel sa pagtakbo nang may nakita siyang kumikinang na bagay na nahulog mula sa kamay nang dalaga na nakakita sa kanila, kinuha niya ito. Isa itong silver charm bracelet may nakaukit doong pangalang 'Mary Ann'

Nanigas si Jewel sa nakitang pangalang nakaukit sa Charm Bracelet

"Camille!" tawag niya sa kaibigan, nagtatakang lumapit si Camille sa kanya

"Bakit ba!? Tara na sundan na natin. Baka makatakas pa iyon!"

"Tignan mo to" binigay ni Jewel kay Camille ang bracelet at kagaya ni Jewel nagulat din siya at parang binuhusan nang malamig na tubig

Samantala galit na galit si Angela sa nalamang balita

"Ito na nga ba ang ikinakatakot ko eh!!! Tara na sundan natin sigurado akong hindi pa nakakalabas yun!" sabi ni Angela at nagsimulang tumakbo palabas

"Kailangan nating malaman kung sino yun, kundi katapusan na natin" sabi naman ni Gwyn na sumunod din sa kanya

"Oo nga" sabi ni Annemarie

"Don't worry hindi ko hahayaan na ang taong yun ang pagpapabagsak sa atin... Kung kailan gumamit nang dahas gagawin ko!!!" sabi ni Angela na ikinatakot naman nila. Full of determination and authority sa bawat salitang binibitawan nito.

"A-anong i-big mong sabihin??" natatakot na pahayag ni Abi

"We will kill him/her.." baliwalang pahayag nito na nag pahinto sa kanila sa pag takbo

"Papatayin agad!? Hindi ba pwedeng bugbugin muna, sobra naman ata yun!?!?" hindi makapaniwalang tanong ni Brigiette

"Bakit, natatakot ka ba? Nakokonsensya ka na, ni hindi pa nga natin ginagawa eh! Kung ayaw mo eh di huwag, hindi ko kailangan nang opinyon mo! Ikaw rin ang magdudusa once na hindi mo kami tulungan. I blame it all on you. Whenever I want."

"Fine, payag na ako. But promise me na walang makakaalam nito, maliban sa atin. Even our boyfriends na wala sarili ngayon dahil sa hinithit nila." sangayon na sabi ni Brigiette

"I promise"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang hindi alam nang mag kakaibigan... May nakakarinig sa pinaplano nila at masasaksihan nang taong ito, ang bawat detalye na gagawin nila sa planong pag paslang sa dalagang nag ngangalang Mary Ann...

====================

Not Edited

Chapter 1 posted.. Pinalitan ko nang title, ang dating title is Demon Pretending Angel.. Dun sa mga nagbasa nang prologue.. Thanks ng marami.. and thank you again kay Achifigdre for my new book cover..

Para mabasa niyo yung Chapter 2 kailangan niyo po ako i-follow kasi naka RESTRICTED po siya, pag na update ko na.. So follow me first naka private kasi ang chapter 2 PAG na UPDATE KO.. Thanks po

~HyeSunJung / 정 혀 선

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon