Chapter 2: The Torture

224 8 1
                                    

Warning meron pong parts na hindi dapat sa mga age below 11 or 12 so be open minded. Correction wala pong BS to, Mystery/Thriller po ang story ko. Thanks sa nag basa nang prologue and chapter 1 :)

====================

Third Person's POV

Mabilis ang ginawang pag takbo ni Mary Ann.

'Kailangan ko nang makaalis, hindi nila ako pwede maabutan'

Naiiyak na si Mary Ann sobrang takot pero isasantabi muna niya ito para makaisip nang paraan para makalabas siya ng unibersidad.

Saka lamang niya napansin na nasa loob siya nang abandonadong building ng school. Wala masyadong napapadpad sa gawing iyon dahil ayon sa kwento-kwento ay may ni-rape, tinaga at mga namatay daw dito, at nasunog din ang building na ito two years ago at may ilang estudyante at teachers na trap, ang sabi aksidente daw may ilan ding naniniwalang sinadya ang insidenteng iyon. Dahil noong panahong iyon nagkaroon ng illegal drug syndicate sa loob ng isang section na unti-unting kumakalat sa iba pang sections, may nag balak na mag sumbong kaya daw sinadya ipasunog ang buong building para sa ikatatahimik nang lahat.

Pumasok siya sa isang classroom at ni lock iyon. Mary Ann tried to compose herself ng makarinig siya ng yabag ng mga paa sa corridor, palapit ng palapit ang mga yabag kaya isiniksik niya ang sarili sa ilalim ng teachers table.

Sinilip ni Mary Ann kung sino ang nasa labas at nakita niya na may dalawang pigura nang lalaki sa labas nang classroom

(a:n - yun classroom nila may mahabang bintana kung saan makikita nila ang mga taong dumadaan sa corridor..)

'sino kaya yun?!?! Haisst! Bakit ko pa kailangan alamin!? Dapat umisip na ako paraan para makalabas nang school nang walang nakakakita sa akin, sigurado ako naghihiwalay na ang bawat myembro nina Angela para mahanap ako'

Nilibot ni Mary Ann ang kanyang paningin at nakita niya ang isang basag na bintana. Dahan dahan siyang lumapit sa bintana. Sa labas nang bintanang iyon makikita sa baba ang garden. Ang hula ni Mary Ann nasa fifth floor siya nang building, ito na ang pinakamataas na floor kaya siguradong mamamatay siya kung siya ay bababa dito.

Tinanggal niya sa pagkakasabit ang kurtina at pinagbuhol - buhol ito. Itinali sa window framing ng sobrang higpit kaya lang paulit ulit na napupunit ang tela kaya kailangan niya gumawa ng bago.

Meanwhile

Bzzzzzt Bzzzzzt

Kinuha ni Angela ang cellphone niya.

1 New Message from Unregistered No.

'You want to see her? Room 023 abandoned school building ... Kung ano man ang plano niyong magbabarkada sa ngayon bahala na, papanoorin ko muna kayo

Nagtataka si Angela kung sino ang nag text sa kanya.. Gusto niyang mag reply pero hinayaan niya na lang... At dali-daling tinawag ang kanyang barkada para pumunta sa abandoned building.

''Uy! Paano na to nakapadlock oh.." sabi ni Nicole sabay turo sa padlock nang front door nang building..

"Nicole, Gwyn and Abi. I-check niyo yung backdoor. The rest of you surround the whole building, while I stay here infront hanggang makabalik sina Nicole dito. Tatawagin na lang namin kayo"

Sabay sabay silang tumango at pumunta sa lokasyong ibinigay ni Angela..

Angela's POV

Umalis na sila so ako na lang ang mag isa dito. Patingin-tingin lang ako sa paligid habang iniintay sila.. Hindi ko alam pero ang weird, parang may tumititig sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko, I dialed the same no. na nag message sa akin kanina, pero walang sumasagot, paulit - ulit akong tumatawag pero wala talaga, so I press the reply button

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon