Chapter 9: Extra Chapter 2 years ago - part 1

95 5 3
                                    

2 Years Ago (October)

Mariele's POV

"Okay.. Everyone magkakaroon ang 4th year level ng contest for the halloween night next month (november), it's all about costumes and classroom design, bawat section kailangan merong theme, Mr. Windsor please come forward dahil ikaw ang bubunot para sa theme ng class" sabi ng aming guro na si Ms. Diaz, tumayo naman si Christian ang aming class President at nagtungo sa harapan "By the way class, hindi na pwede ang theme na wolves, aswang, about scary nurses, and zombies kasi meron ng nakabunot non" paalala pa nito bumunot nang isang papel si Christian at binasa ang nilalaman nito

"Our theme is all about vampires"

"Woohooo!!!!"

"Yess!!!"

"Siguradong panalo na tayo!!"

pagbubunyi nang aking mga kaklaseng magaling sa sining, sigurado meron na silang naisip, pero hindi dapat sila maging sobrang kampante

"Quiet!!! Kahit pa na maganda ang theme na nakuha natin, hindi niyo kailangan mag sigawan pakatandaan niyo nandito pa rin tayo sa loob ng silid at nasa harapan ang ating guro! Matuto kayong makiramdam!" sabi niya na malakas ang boses para marinig ng lahat..

"Okay. Thank You, Mr. President, you may take your sit. Class tomorrow na lang natin pag-uusapan yung materyales.. For now mag take down notes muna kayo.." dinig kong anunsyo ni Ms. Diaz pero hindi ko na ito pinansin, nakatingin lamang ako kay Christian

Ang galing niya talaga kaya mas lalo ko siyang nagugustuhan... Oo, may gusto ko sa kanya, sabi ng lahat walang perpektong tao pero para sa akin isa siya sa mga halimbawa ng perpektong tao.. Umupo na siya sa kanyang pwesto at itinuloy ang kanyang pagbabasa ng libro, nanahimik naman ang aking mga kaklase at pabulong na lang nakipag-usap, natatakot sila dahil alam nilang galit na si Christian..

Siya si Christian Daniel Jung Windsor, half-korean, ang papa niya ay isang sikat na negosyanteng Filipino at kanyang ina naman ay purong koreana at isa ring magaling at kilalang negosyante sa kanilang bansa. Conservative ang pamilya nila lalo na sa kanyang mother side. Paano ko to nalaman? Sa facebook at dati nagkaroon kami ng activity about sa family at syempre nag bahagi naman siya pero limitado lamang ito. Kaya nag-aaral siyang mabuti, siya rin ang SSC President nang high school department, mas humanga pa ko sa kanya tuwing nagii-speach puno ito nang determinasyon at otoridad, intimidating din siya pero mas natutuwa ako kapag lumalapit siya sakin, ako kasi ang Vice President kaya madalas kaming magkasama.

Nakatitig lamang ako sa kanya nasa dulo kasi ang upuan niya nasa tapat ng bintana, ako naman ay malapit sa pinto. Masaya na ko kahit pagmasdan ko lang siya mula sa malayo.

DISMISSAL...

"Okay. Class, see you tomorrow" paalam nang aming guro at lumabas na ng silid

Inayos ko na rin ang gamit ko ng may napansin kong nakatayo sa harapan ko at laking gulat ko na si Christian yun.. Mabilis kong naitago ang aking pagka-gulat "Anong kailangan mo Christian?" nagtataka kong tanong

"Mamaya mag o.l. ka, magpa-plano tayo about sa theme natin." sabi niya walang bahid ng kahit konting emosyon ang kanyang mga mata medyo nasaktan ako sa ipinapakita niya.. Palagi siyang cold

"Sige.. Mga 8:00 pm mago-open ako" kaswal kong sagot tumango naman siya at sinabing umuwi na ko inalok niya pa ako na tulungan akong dalhin ang aking mga libro pero tumanggi ako, kaya ko naman eh.

Christian's POV

Nang lapitan ko si Mariele kanina, hindi nakatakas sakin ang pagkagulat niya. Ang cute niya talaga, pinipigilan ko lang ma-ngiti kanina kaya pilit akong nakipag usap sa kanya na may malamig na boses. At nakita kong lumamlam ang kanyang mga mata.

Siya si Mariele Gregory isang simpleng estudyante, hindi niya alam na medyo popular siya dito sa school. Maganda, matalino at walang bahid ng arte sa katawan. Para sakin napaka-misteryoso ng pagkatao niya. Wala akong alam tungkol sa pamilya niya, ang tanging alam ko lang may kapatid siyang babae. Minsan ko nga siyang nakitang umiiyak sa library nagpapanggap na nag babasa, nilapitan ko siya noon at tinanong kung anong problema at sinabi niyang namatay daw ang nanay niya, nagpa-part-time job siya sa isang convenience store.. Ewan ko ba pero para bang pinipiga ang puso ko pag nakikita ko siyang umiiyak, pero pinipilit ko namang inaalis sa sistema ko itong nararamdaman ko..

Lumapit sakin ang isa sa mga kabarkada ko at tinapik ang braso ko bago nagsalita

"May crush ka dun noh??" pangaasar sakin nitong kaibigan ko at tumataas pa talaga ang kilay ni gago

"Wala noh" tanggi ko kasi wala naman talaga. Dba readers?

"Sus... Osige kung wala talaga pustahan tayo. Paibigin mo siya, pagnapa-ibig mo siya bigyan kitang 100 thousand pagkatapos noon makipag-break ka sa kanya. Pero kapag nainlove ka sa kanya, talo ka, bigyan mo kami ng 4 grams of you know, for free." napailing na lang ako sa hinihingi niya, malala na to pero sige na para matahimik lang

"Oo na.. Sige na. Manahimik ka na lang" pagkasabi ko noon ayon halos magtata-talon sa tuwa at sinabi na sa iba ko pang kabarkada

Kinabukasan...

Mariele's POV

Kadarating ko lang dito sa school at binuksan ang aking locker, habang kinukuha ko ang aking mga libro narinig ko ang isa sa mga kaibigan ni Christian na may ka-kwentuhan

"Uyy. Magbibigay ng supply si Chris for free, kapag natalo siya sa pustahan namin."

"Parang sobrang sigurado kang matatalo siya ah." sinilip ko sila at nakita kong ang kausap niya ay taga second section

"Oo naman.. Siguradong sigurado"

"Sige bigyan mo kami ha. Bigyan mo na rin ng supply yung 3rd and 4th section"pagkatapos noon ay umalis na din sila

Ano kaya yung tinutukoy nilang supply? Ano yung pustahan nila? Bakit kasama doon si Christian? Ang daming tanong sa isip ko pero bigla na lang nawala yun ng makita ko si Christian na palapit sakin ng nakangiti? Sa totoo lang kagabi pa siya naka-ngiti, nung nag video chat kami, imbes na pag usapan yung sa materials, wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako at kung anu-anong jokes ang pinag sasabi hindi ko naman mapigilan matawa..

"Good Morning, Beautiful." bati niya na may kasamang pamatay na smile kaya napa ngiti na rin ako

"Stop calling me beautiful. Hindi naman ako maganda.. Tapos isang kagaya ko liligawan mo, baka naman pinagti-tripan mo ko" kagabi pa niya kasi ako kinukulit na liligawan daw niya ko

"Liligawan ba kita, kung wala akong gusto sayo... Ms. Beautiful.*wink*"

Hayy nako, ang kulit talaga, hindi ko alam na may ganyan siyang side, ang cute lang hehe.. Sige na nga, wala namang mawawala kung magpa-ligaw ako.. Wish ko lang, hindi ko to pagsisihan sa huli..

====================

Not Edited

Dedicate ko itong chapter kay YourUnknownGirl hanggang part 2.. Yesss may part 2 hehe

Vomment. Vomment. Silent Readers

Si Mariele at Christian sa side ----->

~HyeSunJung / 정 혀 선

Pretentious Angel [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon