Ashtrielle Velasco
Nagising ako nang may marinig akong tunog galing sa banyo. Babangon na sana ako pero may napansin akong kakaiba, teka sa sofa ako natulog kagabi ah. Bakit nasa kama na ako?
"Hindi naman ako gumising ng madaling araw ah" mahinang bulong ko sa sarili.
Kaagad akong napalingon ng sumara ang pinto at nakakunot noo ko itong tinignan.
"No doctor, I carried you up because you are not comfortable sleeping on the sofa." tumayo ako nang sabihin niya iyon.
Paano niya nasabi eh ang laki ng sofa tapos maayos naman akong nakatulog ah.
"Paano mo nagawa eh may sugat ka?" takang tanong ko sa harapan nito pero seryoso parin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
Kakatapos lang nitong maligo at medyo nakaka lakad na siya.
"Hoy kinakausap pa kita" sigaw ko habang sinundan ko ito bigla nalang kasing umalis.
Pagkarating namin sa baba ay napaka tahimik ang buong paligid. Nasaan ang mga maid? Si Lara?
"If your confusing doctor pinauwi ko na ang kaibigan mo kasama si dracey" sa kanya na nabaling ang aking paningin at nagtataka ko itong tinignan.
"Teka bakit?" takang tanong ko bago ako muling sumunod sa kanya ng magpunta ito sa kusina.
"Your noisy doctor stop asking and sit there"naiinis nitong wika at tinuro pa nito ang upuan.
Pumunta siya sa lababo at may hinugasan siyang mga gulay. Mag luluto ba ito? eh hindi pa siya masyadong magaling.
" Ako na diyan kailangan mong magpalakas muna" tumabi pa ito nang agawin ko ang hinuhugasan niya bago niya ako pinaningkitan.
"Im okay as you can see" tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa kanyang sinabi.
"Okay, tulungan nalang kita pero pwede ba Ash nalang ang itawag mo" wika ko sa kanya at kinuha ang choping board para hiwain ang mga ito.
Hindi niya ako sinagot bagkus may kinuha pa ito sa ref. Hindi ko alam kung ano ang lulutuin niya pero tumulong nalang ako.
Napaatras ako ng dumaan ito sa aking harapan hindi manlang nag excuse, pinanuod ko lang ang bawat kilos niya.
Kukunin niya sana ang bowl sa drawer pero napadaing ito dahil nasagi niya ang kanyang sugat.
Deserve!!
"Ako na" pagprisinta ko bago pumunta sa harap nito at inabot iyon mabuti at matangkad ang lahi namin.
Natapos na ako sa pagsaing ng kanin at ito naman ay nagluluto pa teka hindi ba siya marunong gumamit ng apron, paano eh nadudumihan na ang kanyang damit.
Ako na ang kumuha ng apron na nakasabit bago ako nagtungo sa pwesto nito.
Nagulat pa siya ng ilagay ko ang apron sa kanyang katawan, paano kasi para na akong nakayakap sa kanya. Baka sabihin nito tsansing ang ginagawa ko.
"Kalalaking tao di marunong" bulong ko pero nakakunot noo lang itong tumingin sa akin.
Hinintay ko nalang siyang matapos at himala magaling pala itong magluto ang bango kasi.
Tinulungan ko nalang siyang ilapag ang mga pagkain sa mesa bago ito umupo sa harapan ko.
"Bakit ang rami mong mga tauhan?" nagtataka akong tumingin sa kanya pero seryoso lang ito.
"For safety" tipid niyang sagot pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ba ito na pa panganib.
"You'll not understand from now on, but soon" sunod muli nitong wika kaya hindi nalang ako nagsalita.
YOU ARE READING
I'm His Personal Doctor
RandomShe is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ashtrielle Velasco is a very talented patient surgeon, that many admire her.