C - 31

242 6 1
                                    

                              Ashtrielle Velasco

"Ash matagal ka pa ba diyan?" narinig ko ang sigaw ni Lara galing sa labas ng aming room, mukhang naiinip na ito base sa kanyang boses.

Nandito kasi kami sa hotel, pagkatapos kasi naming maligo ay dumeretso muna kami dito para magbihis.

Wala naman kasi akong  magawa kanina nang ayain nila ako, muntik na nga ring makasapak si kuya kanina mabuti at napigilan namin. Paano ba naman eh may mga kalalakihan  ang lumapit sa aming pwesto para maki sabay pero wala silang nagawa nang pumunta narin sila zavier sa amin habang matalim ang kanilang tingin sa kanila.

Sinamahan na rin ako ni Lara na magpalit dahil gusto niyang  ma siguradong walang masamang mangyayari sa akin.

"Im almost done" nakangiting sagot ko paglabas ko sa banyo, pero tanging pag irap lang ang kanyang ginawad sa akin.

"Kanina pa nila tayo inaantay" nakasimangot niyang wika at naunang naglakad kaya napangiti ako ng palihim.

Nauna nalang sana siya, parang ako pa ang may kasalanan kung bakit kami natagalan.

Wala pa siguro sila zavier, may inaasikaso kasi sila ni kuya at nagmamadali pang nagpaalam sa akin pagkatapos naming maligo sa dagat. Naiwan si Raven at dracey para daw may magbantay sa amin pero hindi naman kami bata para bantayan pa.

Nang makarating kami sa ground floor ay sabay na kaming lumabas ni Lara sa elevator. Hindi pa man kami nakakalayo nang mahagip nang mata ko si Keshia na kumakain sa isang restaurant.

Pareho kaming napatingin ni Lara sa kanyang pwesto kaya nauna na akong naglakad patungo doon.

Pagkarating palang namin ay nakakunot ang kanyang noo ng makita niya kami habang naka subo pa ito nang kanyang pagkain.

"Nagtitipid ako ngayon bumili kayo nang sa inyo" ma awtoridad niyang wika kaya napahalakhak kami dahil sa kanyang sinabi.

Kahit kailan talaga ang buraot nito, tsaka hindi naman ako bibili dahil busog pa ako.

"Patikim lang naman" nakangising sabi ni Lara at kaagad niyang dinampot ang binili nitong fries kaya masama ang naging tingin ni Keshia sa kanya.

"Huwag mong tatangkahing kunin pa ang nasa lamesa kung ayaw mong pabayaran ko sa iyo ang mga ito" pagbabantang wika ni Keshia habang masamang nakatingin sa babaeng patay gutom.

I just shook my head because of what they were doing. Everywhere they really bring their mania.

We immediately looked at each other when we heard a shout from somewhere, we stood up together because I felt they needed help.
I didn't hesitate anymore and immediately ran out of the restaurant and I  knew  they followed me. I looked around until I saw people gathering in a place so I immediately went there.

"Tulungan niyo ang anak ko pakiusap" rinig kong sigaw ng matanda habang umiiyak ito. Nilapitan ko sila kaagad at tinignan ang lalaking nakahandusay sa sahig.

sinuri ko muna ang kanyang katawan at nang mapansin na ang mga balat nito ay namumula at nagkakarashes, namamaga rin ang kanyang bibig.

"Miss  ano pong nangyayari sa kanya?" umiiyak na tanong nito sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tinignan ko ang mukha ng lalaki at nagkalat na ang mga rashes sa balat nito, nahihirapan na rin siyang huminga.

"He can't breathe properly, move away so he can get some air" seryosong wika ko sa mga taong nakapaligid sa amin, kaya nag madali silang lumayo ng may pagtataka sa kanilang mga mukha.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now