Ashtrielle Velasco
Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol doon sa pasyente pero baka mas lalo itong magalit kapag gumawa nanaman ako ng ikakapahamak.
Ayoko namang maabala siya sa trabaho kaya si Keshia nalang siguro ang sasama sa akin. Siguro delikado ang lugar na iyon dahil pakiramdam ko may masamang mangyayari pero kailangan kong iligtas ang anak niya, dahil baka wala nanaman akong maabutan.
"Are you okay?"nabalik ako sa ulirat nang mapansing kanina pa pala ako nakatunganga.
Magkalapit ang aming mga mukha at tumitig muna ako saglit bago umiwas. Nakakaatract kasi ng amoy nito.
"Sino pala ang kausap mo kanina?" tanong ko sa kanya ng lumabas pa siya sa kwarto, siguro ay tungkol sa trabaho niya.
Isa kasi siyang ceo ng kanilang company at siya ang nagpapatakbo nito. Hanga din ako sa kanya dahil pareho pala sila ni kuya na puro trabaho lang ang nasa isip.
"it was dracey, he just give me some information" paliwanag nito at napatango lang ako.
Niligpit ko lang ang aming pinagkainan bago ito hugasan, nagpunta naman siya sa sala habang nanonood.
Mamaya ko pa titignan ang laman ng document na ibinigay sa akin ng lalaki kanina. Siguro napakahalaga ito para ipagpalit ang kanyang buhay para lang doon.
Nang matapos na ako ay nilapitan ko siya at nakinood nadin.
"May kapatid ka ba?" tumingin lang ito sa akin at inirapan ako.
Abat nagtatanong lang yung tao!
"Why are you asking about that?" bakas sa boses nito ang pagkainis. Teka wala namang mali sa tanong ko ah.
"Dahil hindi ko pa kilala ng lubusan ang pamilya mo at ikaw, kaya pwede ka bang magpakilala kahit kalahati lang sa buhay mo" mahinahon kong wika pero umiwas lang ito ng tingin dahil tumabi ako sa kanya.
"Yes I have a sibling but he's not here, nasa ibang bansa siya" nagulat ako sa kanyang sinabi . Hindi naman tungkol sa kanya.
Siguro magkapareho din sila na business ang trabaho, pero di ako makapaniwala dahil si zavier lang ang kwinekwento ni tita sa akin kapag dumadalaw ito sa bahay.
" Ilang taon naba siya? Mas matanda ba sa iyo o mas ba-" nagulat ako nang bigla nalang siyang sumeryoso at humarap sa akin.
"Don't ask about him, you are more interested in him than me" seryoso nitong wika at nakatitig lang nang seryoso sa akin kaya napalunok ako dahil nakakatakot pa naman ito kapag nagagalit.
"Tinatanong ko lang naman eh, ano bang pangala-" napapikit ako nang hampasin nito ang katabi niyang lamesa.
Huwag ka nang magtanong Ash, baka ikaw na ang iba libag niya.
"The F*ck stop asking about him, I'm jealous Ashtrielle!" galit nitong sigaw kaya nagulat ako sa aking narinig.
Nagseselos siya sa kanyang kapatid? Eh hindi ko pa nga iyon kilala o nakikita manlang.
"Now your thinking of him" malamig niyang wika bago umalis at nagtungo sa itaas.
Grabe siya magselos nakakasira ng gamit, nag buntong hininga muna ako bago inoff ang TV.
Paakyat palang ako ng marinig ang malakas na pagsara ng pinto, mukhang galit nga.
Doon nalang kaya muna ako sa guestroom, baka mas lalo pa siyang magalit kapag nakikita ako nito.
Pero baka kung ano nanaman ang gagawin nito, hihingi nalang ako nang tawad. Si tita kasi ang may kasalanan eh hindi niya manlang nababanggit ang kapatid ni zavier kaya napilitan akong mag tanong.
YOU ARE READING
I'm His Personal Doctor
RandomShe is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ashtrielle Velasco is a very talented patient surgeon, that many admire her.