C - 26

201 6 0
                                    

Ashtrielle Velasco

"Tita, I need to go I have a lot to do, but don't worry pupunta ako bukas" nagmamadaling wika ni Ashley at sumulyap muna ito sa akin bago umirap.

Bakit ba sa tuwing nag titingnan kami ganun nalang ang kanyang inaasta wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya.

"Iha, ganyan talaga iyon kapag bago ang kanyang nakikilala, pero mabait yan kapag nakilala mo nang husto" nakangiting kwento ni tita, kaya nagtaka rin ako sa kanya ng sinabi.

Mabait pero kung makatingin parang nagkasala ako ng sampung taon sa kanya!

"It's okay tita, alam ko-"

Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang mapansin ko ang mukha nitong parang nagtatampo.

"M-om" nag-aalinlangan kong wika at parang nahihiya pa ako dahil ngayon lang ako tumawag nang ganun sa kanya.

Napangiti naman siya at muling nakipagkwentuhan sa akin. Tahimik lang naman si zavier na nakayakap na ngayon sa aking bewang at ang ulo niya ay nakasandal sa aking leeg.

"Siguro may asawa nadin ngayon ang kuya mo zavier, hindi niya lang sinasabi" napatigil ako sa paghagod nang kanyang buhok dahil sa sinabi ni tita.

Nalaman ko kasi kay Hannah na malayo na daw ang loob nilang magkapatid, wala ba silang balak magkita o kaya manlang makausap ang isat isa't?

"Mom I don't want to talk about that" matalim ngunit seryosong wika ni zavier at napansin ko ang lungkot sa mukha ni tita.

"Zavier, kapatid mo parin siya siguro may rason siya kung bakit niya iyon nagawa "

Kaagad kong hinaplos ang kamay nito nang maramdaman ko ang pagkuyom nang kanyang kamao at sinusubukan ko siyang pakalmahin baka kung ano pa ang magawa nito.

"Tita nagkikita po kayo ng kapatid niya?" takang tanong ko kaya napalingon siya sa akin at mas na higpitan ni zavier ang pagkakahawak sa akin.

"Yes iha, binibisita namin siya pero si zavier lang ang hindi sumasama" nababakas sa mukha niya ang lungkot ganun din si tito.

Ganun na ba kalaki ang problema nila kaya hindi sila nagkikita ng ilang taon, siguro kung si kuya iyon baka hindi niya natiis.

Naalala ko kasi noong nagtratrabaho ako sa Italy, bigla nalang niya akong pinuntahan doon para pauwiin dito dahil daw hindi niya kayang malayo ako, pero siya naman itong umaalis sa iba't ibang bansa.

"Zavier, why don't you try-" napatigil agad si tita nang biglang napamura sa kawalan si zavier at tumayo habang pinipigilan hindi ma sigawan ang kanyang ina.

Nababakas sa kanilang mata ang mga lungkot at galit, hindi ko alam kung ano man ang nakaraan nila pero alam kung nahihirapan na sila sa ganitong sitwasyon.

Handa rin naman akong tumulong para makabalik sila sa dating masaya.

"Mom he's the one who leave me why I -"

"Don't shout at your mom zavier!"

kaagad siyang napatigil nang magsalita si tito ng may pagbabanta kaya galit na umalis si zavier sa amin at derederetso itong nagtungo sa loob.

"Iha, I'm sorry pwede mo bang kausapin muna si zavier, alam kung makikinig siya sa iyo" mahinahong wika ni tita at ngumiti lang ako sa kanya bago nagpaalam.

Nagmamadali ko siyang hinanap sa loob pero hindi ko siya mahagilap. Nang makita ko ang isang tauhan niya sa labas ay kaagad na akong nagtanong.

Nagpasalamat nalang ako sa kanya dahil nasa kotse na daw si zavier.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now