Ashtrielle Velasco
Pakiramdam ko may taong nakamasid sa akin, gusto ko mang imulat ang aking mga mata pero hindi ko magawa, hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin.
Naramdaman ko ang paghagod nito sa aking buhok pero hindi ko manlang maigalaw ang aking kamay, pakiramdam ko nasa isang panaginip lang ako pero totoong totoo ang nangyayari.
Ano bang ginagawa niya dito sa silid ni nanay at sino ba siya?
"Finally i saw you again"
Napabaliwakas kaagad ako nang maramdaman ko ang bulong nito sa aking tenga pero napakunot ang aking noo dahil wala namang kahit anong tao ang nandito sa silid. Napansin ko ang pinto na halatang may lumabas mula doon dahil gumalaw pa ito ng kaunti.
Nilingon ko si nanay pero maayos naman ang kanyang lagay, panaginip lang ba iyon? bakit nagmumukhang totoo. Nararamdaman ko rin sa aking katawan ang pagtayo ng aking balahibo ng marinig ang kanyang ibinulong.
Napailing iling nalang ako sa aking sarili kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.
"Ash pinapatawag ka ni Doc. Alfred " kaagad akong napalingon sa pinto nang pumasok si keshia bago ito ngumiti.
"Nagpunta ka ba kanina dito?" nakakunot noo kong tanong pero nagtatakang umiling iling ito.
"Hindi naman tsaka ngayon lang ako nagpunta dito para bantayan si nanay" lumapit ito sa akin at umupo sa aking tabi habang may pagtataka parin sa kanyang mukha.
"Bakit may problema ba?"
Napailing nalang ako sa kanyang sinabi at nagpaalam nalang ako sa kanya bago lumabas.
Napapadaan ako sa mga pasyenteng may ngiti sa kanilang labi ng makita nila ako kaya nginitian ko rin sila pabalik. It reduces the problem if I see that their condition is good, yung tipong walang problema ang makikita mo sa kanilang mga mata, sa tingin ko rin ay malapit na silang ma discharge.
Bigla kong naalala si Monic yung batang matagal kong inaalagaan, napangiti nalang muli ako ng maalala ang mga masasayang nangyari sa amin. Palagi ko siyang inililibot sa hospital dahil gustong gusto niyang makita ang paligid.
Wala narin akong balita sa kanya at mukhang maayos na ang kanyang buhay, masaya ako para sa batang iyon dahil nagawa niyang makaligtas noon kahit nag aagaw buhay na siya.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad patungo sa opisina ni tito, sa tingin ko ay mahalaga nanaman ang kanyang sasabihin.
Nakakailang hakbang palang ako ng may mapansin akong isang pamilyar na babae mula sa kalayuan parang nakita ko na siya dati, bigla nalang pumasok sa aking isipan ang mga nangyari noong nasa italy pa ako.
Gulat akong tumingin sa babaeng bakas sa mukha nito ang pagaalala, teka siya yung kasama ni zavier noon sa hospital, anong ginagawa niya dito?
Hindi ko napigilan ang aking katawan ng magsimula na akong humakbang patungo doon, parang may tumutulak sa akin na hindi ko maintindihan. Huminto muna ako saglit nang makalapit na ako sa kanya, pero kaagad akong napatago nang mapalingon siya sa aking pwesto.
Bakit parang kinakabahan pa ako? Ano ba itong ginagawa ko mabuti nalang at walang naka kapansin sa akin baka kung ano pa ang isipin nila.
Muli akong sumilip sa kanyang pwesto at mukhang kanina pa siya hindi mapakali dahil bakas sa mukha nito ang pagaalala, puntahan ko nalang kaya siya? Hindi naman niya ako nakilala o nakita noon. Nagbuntong hininga muna ako at inayos ang aking suot bago lumabas.
Maglalakad na sana ako pero kaagad din akong napahinto ng makita ko si zavier na nagmamadaling lumapit sa babae, nagtataka akong napatingin sa kanilang dalawa nang mag usap sila pero mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam nang makita ko kung gaano ka lapit ang loob nila sa isa't isa.
YOU ARE READING
I'm His Personal Doctor
RandomShe is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ashtrielle Velasco is a very talented patient surgeon, that many admire her.