C - 17

228 9 0
                                    

Ashtrielle Velasco

Hindi ko nalang sana siya sinama, kung ano anong sinasabi. Nakaisip naman ako nang paraan para maka ganti, tignan natin hanggang saan ang kaya mo zavier.

Nang makarating na ako sa kusina ay nakita ko siyang nakaupo sa harapan nila Dad at may bakante sa kanyang tabi.

Hindi ko siya tinignan bagkus umupo lang ako sa tabi ni Dad kaya na ngunot ang noo nitong tumingin sa akin.

"Ash what happen to your hand?"

Tumingin ako kay mom at napansin pala nito ang aking sugat pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Naipit ko lang po sa pinto mom" masama lang niya akong tinignan at nagsimula na kaming kumain ng tahimik.

Napansin kong kanina pa patingin tingin si zavier sa aking pwesto at hindi ito makakain nang maayos, pero hindi ko siya tinapunan ng tungin.

Pagkatapos namin ay tumulong lang ako sa mga katulong na maghugas habang nag-uusap naman sila Mom sa sala.

"Mom we need to go, may trabaho pa si zavier" napatayo sila nang sumulpot ako sa kanilang harapan.

"Iho ikaw nang bahala kay Ash, magiingat kayo" niyakap ko ito bago nagpaalam.

Nauna na akong naglakad palabas at na kasunod lang siya sa akin at mukhang may gusto pa itong sabihin.

Ako na ang nagbukas nang pinto sa kotse at nag buntong hininga naman ito bago umikot sa kabila.

"Stop ignoring me wife" May bahid sa boses nito ang pagkainis pero hindi ko parin siya tinignan.

Narinig ko ang mahihina niyang pagmura pero hindi ko parin siya pinansin, bahala siya diyan.

"F*ck stop doing this, look at me" galit nitong turan kaya masama ko siyang tinignan bago napalitan nang pagmamakawa ang kanyang mukha.

"May trabaho ka pa zavier kaya tayo na" deretso wika ko pero mukhang wala itong narinig dahil nakatitig lang ito sa akin.

Hindi ko pinakita sa kanya na naaawa ako dahil sa kanyang mga tingin.

Kaagad akong napahawak sa aking upuan dahil bigla nalang nag adjust ang aking inuupuan kaya napahiga ako kaagad.

Ano bang ginagawa niya.

Lumapit ito sa akin at napalunok pa ako dahil humarap pa siya.

"Zavier ano bang ginagawa mo" naiinis kung wika pero seryoso lang niya akong tinignan.

Napaiwas ako dahil mas inilapit lang niya ang kanyang mukha sa akin, Habang ang dalawa nitong kamay ay nakahawak sa magkabilang upuan.

"Umalis ka sa harapan ko zavier kung hindi-" napatigil ako dahil bigla nalang niya akong hinalikan sa labi.

Nagulat ako sa kanyang ginawa at hindi ako makagalaw dahil hinawakan pa nito ang mag kabila kong kamay.

Kaagad naman siyang tumigil at maamo na ang kanyang mukhang tumingin sa akin. Kaya masama ko siyang tinignan.

First kiss ko iyon, ninakaw niya ang matagal ko nang pinangakaiingatan. Para dapat iyon sa magiging asawa ko.

Pero asawa ko naman siya.

"Why did you do that zavier?" galit kong wika bago siya tinulak at napaupo ako ng deretso.

"Because your ignoring me wife" pagdadahilan nito bago bumalik sa kanyang upuan.

"That's not a valid reason zavier"

Hindi ako nito sinagot at nagumpisa na siyang paandarin ang kotse.

I'm His Personal Doctor Where stories live. Discover now