Chapter 8: Malling

93 9 14
                                    

RIO'S POV


Umuwi muna kami sa bahay para ihatid ang mga gamit namin at iwan ang motor ko. Mas makakabuti rin kasing nasa iisang sasakyan kami habang papunta sa mall.


Nagready rin ako ng mga gadgets na gagamitin incase na may mangyaring hindi inaasahan. Naglagay ako ng isang maliit na semi-automatic pistol sa magkabilaang binti ko. Nagsuot din ako ng watch na may poison spray, ballpen na may electric current at small knife sa magkabilaang braso ko.


Tumawag muna si Ben sa lolo ni Syd kung pwede ba kaming magmalling kahit delikado ang sitwasyon. Ang nakakagulat at nakapagtataka lang ay agad naman itong pumayag na magmall kami.


Kahit si Ben ay hindi makapaniwalang pumayag ito. Dahil sa sumusunod lang kami sa mga boss namin, hinayaan nalang namin siya sa desisyon niya.


Nakatanggap ako ng text message galing sa lolo ni Syd na nagsasabing...


'Ikaw na bahala sa Apo ko.. :-) :-) :-) '


"Kakaiba ang matandang ito may smiley pa talaga.. tsk tsk tsk bagets na bagets" napapangiting nasabi ko nalang sa sarili ko habang pasakay na ng sasakyan.


Mabilis kaming nakarating sa mall. Pagpark palang ng sasakyan ay agad nang kumilos ang mga body guards para palibutan kami nila Syd at Calix.


Nilingon ako ni Ben at sumenyas siya na nagsasabing maging mapagmatyag ako. Napapaggitnaan namin ni Calix si Syd. Nasa bandang kaliwa ako nakapwesto pero medyo nahuhuli ako sa paglalakad.


Parang walang pakialam sila Syd at Calix sa paligid. Mukhang masaya at excited pa sila sa pagmomalling namin.


'Hindi man lang nag-iisip ang dalawang ito.'


Papasok na kami sa entrance ng lapitan ni Ben ang isang security guard ng mall. Ipinakita niya dito ang isang papel at id. Agad naman kumilos na parang natataranta ang guard at agad sumenyas sa mga nakabantay din sa entrance ng mall.


Agad kaming pinapasok at hindi kailangan pang kapkapan o tingnan ang mga dala naming gamit. May mga dalang baril ang mga body guards at syempre kami ni Ben ng pumasok sa mall.


Sa pag-aaral na ginawa ko sa background ng family ni Syd, napag-alaman kong isa sila sa stock holder ng mall na ito.


Tahimik lang akong naglalakad kapanabay nila Syd. At dahil likas yata ang pagiging maingay ng dalawang ito hindi sila matapos tapos kakadaldal sa mga balak gawin dito sa mall.


"Hoy Syd! Kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako eh.." sabi ni Calix habang hinihimas ang tiyan.


"Hoy! Sabit ka nga lang dito kung makapagrequest ka dyan." sita ni Syd kay Calix sabay tingin sa akin. "Gutom ka na ba?"


"Ayos lang." tugon ko.


"Sige kumain muna tayo. Saan mo gusto?" tanong parin niya sa akin.

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon