RIO'S POV
Nang makauwi na ako sa bahay naabutan ko si mama na may kausap sa cellphone sa may sala. Nakita ko ang tensiyon sa boses niya. Nakita ko rin ang lungkot sa mukha niya.
"Okay, boss. Medyo matatagalan ang pagbalik niya." sabi ni mama na mukhang hindi ako napansin.
Napakunot ang noo ko dahil doon.
'Ano 'yun?'
"Yes, boss. Matagal na pala ito pero hindi niya lang sinasabi sa amin." si mama pa rin.
"We will informed you para sa updates..thanks boss." sabay ibinaba ni mama ang cellphone at napatingin sa akin.
"Oh..nandiyan ka na pala.." baling niya sa akin na bahagyang nagulat pa.
"Opo...narinig ko pong si boss ang kausap niyo. Bakit po siya napatawag?"
"A-ahh...w-wala naman anak..K-kumain ka muna may niluto ako diyan. A-alam kong hindi ka pa nag-aagahan.." sabi niya na halatang umiiwas sa tanong ko.
Lumaki ako na laging may naglilihim sa paligid ko. Sa kabila ng mga paglilihim na 'yun doon ko natutunan ang makiramdam ng mabuti, magmasid sa galaw ng iba at pagaralan ang bawat taong nasa paligid ko.
Alam kong may kakaiba sa usapang iyon ni mama kay boss dahil hindi magugulatin si mama. Malakas din ang pakiramdam ni mama at nagtataka akong nagulat siya ng makita ako.
'Tsk tsk tsk tsk tsk...may something eh..'
"Okay po.." sagot ko na lang.
Nagsimula na akong maglakad pa puntang kusina ng muli kong lingunin si mama.
"Ahh..mama, pwede po kayong magshare sa akin. Handa po akong makinig.." sabi ko.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha niya at sabay tumitig sa akin.
"O-okay, anak. S-salamat.."
Pagpasok ko sa kusina nakita ko si kuyang kumakain na rin pero parang hindi maipinta ang mukha niya. Nilalaro ang kanin sa plato at bahagya pang nakayuko.
"Hoy! Kuya Ferdie..bakit ganiyan ang mukha mo?" tinapik ko siya at nakita ko ang pagkagulat niya.
"Wala.." sagot niya na lumungkot ang mukha.
'Nagulat din? At bakit may lungkot akong nakikita?'
"Aba mukhang may sekreto kayo ni mama sa akin ahh.." ngumiting sabi ko.
Kumuha na rin ako ng pagkain at nagsimula ng sumubo. Napatitig si kuya sa mukha ko at alam ko nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"P-pinagsasabi mo d-diyan.." nauutal niyang sabi. "Kumain ka na lang diyan tingnan mo ang payat payat muna.." pagiiba niya ng usapan.
"Tse..Alam kong may hindi kayo sinasabi sa akin..at you know me kuya. Malalaman ko rin 'yan."
"A-alam ko. Ayaw ko lang manggaling sa akin, Rionella.." bumuntong hininga siya.
"Tse.."
Tinitigan niya ako at ngumiti ngunit kita pa rin ang lamlam sa mga mata niya.
"Uy impisin mo 'yan pagkatapos mo.." sabi niya at tumayo na.
"Aist..."
BINABASA MO ANG
Secretly She
AçãoHindi ko kinukwestiyon ang pagkalalaki ko..pero parang hindi tamang lagi siyang nasaisip ko. Lalaki ako at sigurado ako dito pero dahil sa kanya mababaliw ako. Siya ang tipo ng taong dapat pinoproteksyunan..Pero bakit ganoon??? Lagi siyang dumaratin...