Chapter 5 Mission Started

117 7 2
                                    

RIO'SPOV

Mabilis lumipas ang mga araw at dalawang linggo na kami sa China dahil sa pagpapagamot ni papa.

Nakikita naman namin ang pagbuti kahit paano ng kalagayan niya. Madalas parin siyang atakihin ng pagsakit ng ulo pero nagagawa naman itong agapan ng mga doktor. Mas lalo nga lang namayat si papa. Ang matipuno niyang katawan ay bahagya ng bumagsak at ang mga mata niyang palaging nakangiti ay naging malamlam na.

Nagagawa parin ni papang makipagkwentuhan sa amin at  nakikipagtawanan din siya. Pero madalas alam namin na pinipilit lang niyang magmukhang masaya at maayos para hindi kami mahirapan.

Kahit nasa hospital siya ay kalagayan parin namin ang inuuna niya.

Siya pa ang magtatanong kung kumain na kami. Sinasabihan pa kami nila kuya at mama na 'wag daw magpapakapuyat sa pagbabantay sa kaniya dahil baka kami naman ang magkasakit.

Kahit sa ganitong kalagayan, ipinapakita parin ni papa ang pagiging mabuting padre de pamilya.

Ang buo naming pamilya ay patuloy nagpapakatatag para sa isa't isa.

"Mama.. sa tingin ko po kailangan na po naming bumalik ni Ella sa Pilipinas." sabi ni kuya Ferdie habang kumakain kami ng tanghalian sa may canteen ng hospital.

Sabay kaming napatingin ni mama kay kuya. Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko 'yun nagustuhan.

"Yun din sana ang gusto kong sabihin sainyo mga anak." napabuntong hiningang sabi ni mama. "Masiyado nang malaki ang gastos nating tatlo dito. 'Yung bayad palang sa inuupahan nating bahay at sa expenses ng medication ng papa niyo ay masiyado nan gmalaki."

"Oo nga po mama. Tsaka kailangan ko na pong bumalik sa trabaho dahil alam kong nauubos na po ang savings natin."

"Kailangan narin magenroll ni Rionella. Isang linggo na lang ay pasukan na nila." baling ni mama sa akin.

"Hindi na po muna ako papasok. Makakadagdag lang po 'yun sa gastusin natin. Magtatrabaho na po akong fulltime para hindi lang po Saturday at Sunday ako nag tatrabaho. " sagot ko naman kay mama.

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon