Chapter 9 : Ngiti

97 7 3
                                        

RIO'S POV


Nang magsimulang kumanta si Syd sa stage, nakita ko ang isang lalaking nakahood na kahinahinala ang kilos. Hindi ako nagpahalatang pinagmamasdan ko ang kilos niya. Habang nanunood ako sa pagkanta ni Syd na mukhang tanga sa pagsayaw, nagsisimula na akong bumuo ng plano sa isip ko.


Pasimple akong tumawag kay Ben habang nakatingin parin kay Syd gamit ang telecommunication device na nasa tenga ko.


"Ben, may titingnan lang ako.." bulong ko na halos hindi bumubuka ang bibig.

"Sige. I-inform mo agad ako." sagot niya na naiintindihan ang ibig kong ipahiwatig.


Hindi muna agad ako umalis para suriin ang paligid gamit ang peripheral vision ko kung may kahinahinala pa sa paligid maliban sa lalaking iyon.


Ayaw ko kasing mapansin ni Syd ang ginagawa ko dahil mukha siyang tangang patingin-tingin sa akin. At ngayon nga ay tinititigan pa ako ng lalaking ito. Kasabay ng pagngiti ni Syd sa akin ay ang pagkilos ng lalaking nakahood na may inilabas na mini-pistol sa jacket.


Mabilis kong kinuha sa bulsa ko ang ballpen na my electric current at nilapitan ang lalaking iyon. Bahagya ko siyang tinusok sa braso na ikinagulat niya. Hindi ganoon kalakas ang kuryenteng pinadaloy ko na parang kagat lang ng bubuyog ang sakit.


"ARAY!" sigaw sa akin nung lalaki.

"Sorry po kuya." paumanhin ko sabay lagpas sa kaniya.


Mukhang hindi naman nakahalata si kuya dahil tiningnan niya lang ako ng masama at umalis sa karamihan ng mga tao. Pasimple ko siyang sinundan at nakita ko siyang pumasok sa CR.


Dahil isa naman akong lalaki, deretso pasok din ako sa loob ng CR. Tinanggal niya ang hood at mas lalo kong nakita ang kabuuang itsura niya. Nakita kong itinaas niya ang manggas at sinipat ang tusok na gawa ko at nagmura sa galit.


Maya-maya pa nakita kong inayos niya ang pagkakasuksok ng baril sa jacket at may dinukot uli sa loob nito na isang ballpen. Napangiti ako dahil mukhang ito na lamang ang gagamitin niya at hindi na baril. Mas makakabuti ito dahil walang madadamay na ibang tao.


Mabilis akong lumabas ng CR bago siya. Naglakad ako ng ilang dipa ang layo sa bukana ng CR. Paglabas niya ng CR ay nagpalingon lingon siya sa paligid. Pasimple akong bumili ng milk tea sa malapit na stall para hindi niya mapansin ang pagmamatyag ko sa kaniya.


Lumapit siya ulit sa karamihan ng mga taong nagpapalakpakan sa pagtatapos ng kanta ni Calix. Mabilis siyang lumakad palapit sa grupo nila Syd na paalis na. Nakita ko ang paglingon ni Syd sa paligid na animoy may hinahanap.


"Loko, palapit na sa'yo si kamatayan" nasambit ko nalang dahil patakbo kong sinugod ang lalaking umamba na ng tusok sa tagiliran ni Syd.


Agad kong hinawakan ang braso ng lalaki at paikot ko itong binali. Malakas ang naging lagatok ng buto niya.


'Mahina..'


Napainom tuloy ako ng milk tea dahil mukhang pipitsugin naman ang lalaking ito.

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon