SYD'SPOV
"Cheers.. hahahahahahaha"
Sabay sabay kaming tumayo at itinaas ang aming baso. <TING>
"Bro, happy birthday.." tinapik ko sa balikat ang bestfriend kong si Calix habang bumalik kami sa pagkakaupo.
"Thanks bro at nakapunta ka.." sagot niya.
"Wala iyon..ano pang silbe na naging magbestfriend tayo.."
"Hahaha..basta super thanks talaga sa pagpunta. Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko.." may pag-aalalang sabi niya.
"Wag mong isipin 'yun.."
Tinapik ko na lang uli siya sa balikat at niyaya siyang magcheers ng kaming dalawa na lang.
BRISKKK BRISSSSK BRISSSSK
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.
"Sino ba itong istorbo na ito?" inis kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko.
Medyo na hirapan pa akong kuhanin ito dahil sa nakaupo ako."Gotcha..." sabi ko nang makuha ko ito.
Pumunta muna ako sa may bahagi ng resto bar kung saan hindi masyadong maingay. Napakaingay kasi sa loob dahil masyadong nagkakasiyahan ang lahat.
Hindi na rin ako nagabalang tingnan kung sino man ang istorbong tumatawag na ito.
"Hello..."medyo inis kong sagot sa sinumang istorbong ito nakakaabala sa pagsasaya namin ng mga kaibigan ko.
"Hindi yata maganda ang timing ng pagtawag ko Cedric Syd?.." isang medyo oldy ang boses ang sumagot at nagtanong sa akin...
Opppppps.. Oh my Goose..
'SiLolo.'
Nabigla ako sa realization na siya pala ang tumawag sa akin. Medyo nawala ang konting tama ko dahil naka isang boteng beer na rin ang naiinom ko kanina. Tiyak lagot ako nito.
"A-ahhh, hahahaha hindi naman po lolo.." kinakabahan kong sagot.
"What do you think you're doing? It's already 3am in the morning at hindi ka pa umuuwi sa condo mo!!. " galit na sigaw nya sa akin.
Marami talagang ispiya si lolo kahit saan. Sigurado akong marami na naman siyang kinausap para pasundan ako.
"Lolo naman...birthday po kasi ng kaibigan ko tsaka kaya ko naman po ang sarili ko..."
BINABASA MO ANG
Secretly She
ActionHindi ko kinukwestiyon ang pagkalalaki ko..pero parang hindi tamang lagi siyang nasaisip ko. Lalaki ako at sigurado ako dito pero dahil sa kanya mababaliw ako. Siya ang tipo ng taong dapat pinoproteksyunan..Pero bakit ganoon??? Lagi siyang dumaratin...