RIO'SPOV
Maaga akong gumising ngayon. Naligo agad ako para ayusin ang sarili ko. Sinuklay ko ang maikli kong buhok na gupit parang koreano. Yun kasi ang sabi ng baklang gumupit sa akin. Bagay daw ito sa akin pero nang hinayang siya sa buhok ko. Kahit ako grabe ang panghihinayang sa hanggang beywang na buhok ko pero wala naman akong naramdamang pagsisisi pagkatapos akong magupitan.
'Parasapamilya ko.. lalonakay papa, kahitmagpakalbopaako.'
Isinuot ko na rin ang breast binder ko. Noong una akong magsuot nito bilang paghahanda ay halos mahimatay ako. Nahirapan kasi akong makahinga dahil parang pinipiga ang dibdib ko. Makapal din ang isinusuot kong damit na panloob para safe. Tsaka ko pa lang isinuot ang uniform ko.
Chinek kong mabuti ang sarili ko bago lumabas at siniguradong lalaking lalaki ang itsura ko.
Napaaga masiyado ang gising ko kaya siguradong tulog pa ang mga kasama ko.
Sinilip ko muna sa extension door si Syd. Tulog na tulog pa siya na parang bata. Napangiti tuloy ako.
Nag-ikot ikot ako sa buong kabahayan para i-check ang buong paligid. Dahil ayos naman ang lahat pumasok na uli ako sa loob ng bahay para mag-agahan. May nakahanda ng pagkain sa lamesa pero hindi muna ako kumain. Nagtimpla ako ng kape na may gatas na paborito ko.
Habang nagkakape ay narinig ko na ang yabag ng taong pababa sa hagdan. Kunwari hindi ko ito pansin kaya deretso lang ako sa pag-inom ng kape at pagbabasa ng isang magazine na nakita ko sa sala.
"Good morning.." si Syd.
"Good morning.." casual lang na sagot ko.
"Kanina ka pa gising?" tanong niya at umupo na rin sa tapat ko.
Nagsimula na siyang magtimpla ng kape niya at buksan ang mga nakatakip na pagkain sa lamesa.
"Hindi naman.. nauna lang ako ng kontisa'yo." pagsisinungaling ko.
"Oh! Ba't nagkakape ka lang? Ito kumain ka" sabay abot ng sandwich.
"Hindi na. Salamat." tanggi ko.
Nagkibit balikat lang siya at nagsimula nang kumain. Narinig ko ang yabag pababa sa hagdan at sigurado akong si Calix na 'yon.
"Uyy ang aga ninyong dalawa ahh.." nagpupunas pa ng buhok na sabi niya.
"Tulog mantika ka kasi lagi.. Tsaka dapat bago ka bumaba nakaayos ka na ", si Syd.
"Maayos na ako..tingnan ninyo." sabay bato ng tuwalya sa may sofa at sinuklay ng kamay ang buhok niya. "Oh diba? Pogi na!" kumpyansang sabi ni Calix.
BINABASA MO ANG
Secretly She
ActionHindi ko kinukwestiyon ang pagkalalaki ko..pero parang hindi tamang lagi siyang nasaisip ko. Lalaki ako at sigurado ako dito pero dahil sa kanya mababaliw ako. Siya ang tipo ng taong dapat pinoproteksyunan..Pero bakit ganoon??? Lagi siyang dumaratin...