Chapter 2 "Something like you"

177 7 4
                                    

RIO'S POV

Matapos kaming kausapin ni Boss Cristobal, pinayagan na niya kaming umuwi para makapagpahinga na si papa.

Ako na ang nagmamaneho ng kotse niya dahil medyo hirap pa siyang gumalaw. Maayos naman na si papa pero ayaw ko na siyang pagurin dahil nagaalala pa rin ako sa tama niya.

"Rionella.." tawag sa akin ni papa.

"Bakit po?" sinulyapan ko siya sa pagtawag niyang iyon.

"Ngumiti ka naman..nanghahaba ang nguso mo kanina pa..haha" pagbibiro niya.

"H-hindi naman po.."

"Ayan oh..nakanguso ka pa rin..hahaha" pangaasar pa rin niya.

"Haist..ang lakas pa ring mangasar kahit may tama na..tsk tsk tsk.." biro ko din sa kaniya. Sinulyapan ko siya at....

"Hahahahahaha" sabay kaming natawa.

"Namiss ko iyang tawang 'yan anak..haha. Mas maganda ka kapag ganiyan.."

"Matagal na po akong maganda, papa. Mana ako sa inyo eh..hahaha" sagot ko.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad naming pinagpahinga si papa. Nasa bahay pa rin sila mama dahil sa nangyari. Hindi na sila ni kuya pumunta sa ABAS dahil hinintay na lang nila kami dito.

"Kamusta ang mission nyo anak?" tanong ni mama matapos naming ihatid si papa sa kwarto. Nakaupo na kami sa sala at nagkwentuhan muna.

"Okay naman po, mama. Medyo panganib pero na kaya naman namin ni papa."

"Ganoon ba. Mabuti at hindi ka nasaktan. Balita ko anim sila at dalawa lang kayo."

"Ahh..opo. Kinaya naman po namin ni papa kahit mas madami sila sa amin. Kaya lang po nabaril pa rin si papa."

"Oo nga..mukhang matindi ang nakalaban ninyo. Hindi kasi basta basta matatamaan ang papa mo ng ganun na lang.." tama si mama. Masiyadong magaling si papa para hindi maiwasan ang ganoong pagbaril sa kaniya.

Napaisip tuloy ako. Pero tulad ng nakagawian kong gawin ay hindi na ako nagtanong.

Nagtuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa lumipas ang oras.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising para magjogging. Sunday ngayon kaya wala kaming reporting sa ABAS. Pero depende parin ang pagrereport tuwing sunday kapag may biglaang mission.

Medyo na pagod ako sa tatlong oras na pagjojogging kaya naisipan kong umupo muna sa bench ng isang bus stop at magpahinga.

Napukaw ang atensiyon ko ng isang matandang lalaking mag isang naglalakad patawid sa kalsada. May hawak siyang tungkod at patingin tingin sa paligid na parang may hinahanap. Nakita ko na malapit nang mag green light at nasa bandang gitna pa lamang siya ng kalsada.

"Tsk..aabutan siya ng green light sa gitna.." bulong ko at tumayo.

Nagmadali akong lapitan iyong matandang lalaki sa gitna ng kalsada para maalalayan. Pagdating ko sa gitna ay eksakto ang paggreen ng light.

May isang mabilis na sasakyan ang padating. Isang mabilis na pagtakbo at paghila ang ginawa ko para maiiwas ang matanda sa sasakyang iyon.

"Tsk..muntik na 'yun ahh.." kinabahan na sabi ko.

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon