Chapter 6 "How it started"

103 7 2
                                        

SYD'S POV

"IKAW?!" hindi ko na pigilang mapasigaw nang makita ko ang 'housemate' namin ni Calix.

"Kamusta?" sabi niya sa amin ni Calix na cool na cool kung titingnan.

"Uyy.. hahahaha. Ikaw pala ang housemate namin ni Syd." galak na galak na sabi ni Calix.

"Oo nga.. kayo pala ang makakasama ko dito sa bahay. Nakakatuwang magkakaklase pa tayo.." sabi niya na isinara na ang pinto ng kwarto at nagsimulang bumaba na ng hagdan.

'Natutuwa? Na saan ang tuwa sa mukha mo? Masiyadong seryoso.'

Mukhang engot naman kami ni Calix na sumunod sa kaniya sa living area. Alam kong pareho kami ni Calix na curious sa kaniya.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya.

"Hindi pa nga Rio.." sabi ni Calix.

"Natatandaan mo pa pala pangalan ko." walang emosyong sabi niya kay Calix. Ngumiti naman si Calix. "Ikaw si Calix di ba?" tanong niya at sabay baling sa akin. "At ikaw naman si Syd Cedric?"  sabi niya na may kakaibang tingini sa akin.

'Bakit niya ako tinitingnan ng ganyan?'

"Ikaw din na tatandaan mo rin mga pangalan namin.." si Calix.

"Ahh.. kayo nga 'yong dalawa sa naisulat ko sa quiz kanina.." sabi niya na naupo na sa sofa.

"Talaga?" masayang sabi ni Calix. "Hoy bro, tulala ka lang diyan forever?" biglang pansin na niya sakin.

"H-hahaha.. hindi naman. Tara kain muna tayo gutom na ako. For sure gutom na rin 'yang si Rio. Diba Rio?" nilingon ko siya dahil nauna na akong pumunta sa kusina.

"Oo nga.. gutom na ako." sabi niya nasumunod na sa akin.

Ang totoo hindi ko mapigilan ang kakaibang dating ni RIO sa akin. Kaya habang naguusap sila ni Calix nakamasid lang ako sa kanila. Napansin kong hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha niya habang kausap si Calix. Pero nung bumaling siya sa akin.. nakita ko na parang may kakaibang sinasabi ang mata niya.

Nagsimula na kaming kumain sa kitchen. May handa na kasing pagkain sa four sitter table na naroon. Sa pagkakaalam ko kasi may magluluto at may maglilinis na ng bahay namin. May laundry shop naman na kukuha ng mga maruruming damit namin.

Parang nasa mansyon parin ako kung iisipin. May bodyguards, may katulong pero wala nga lang si lolo.

Tahimik lang akong kumakain habang si Calix ay walang hinto sa pagkausap kay Rio.

"So Rio, na saan pala ang parents mo?" tanong ni Calix.

"Nasa ibang bansa sila.." casual na sagot naman ni Rio.

"Wala ka bang kapatid?" si Calix uli.

"Meron.." tipid naman na sagot ni Rio.

"Ilan? Lalaki o babae?"

"Isa.. lalaki." hindi tumitinging sagot niya.

"Bakit ang sabi ay 'yong tito mo na friend ng lolo ni Syd ang magpapaaral sa'yo?" pag-uusisa pa ni Calix.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rio. Mukhang hindi niya gusto ang tanong na 'yon.

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon