Chapter 4 "A river of Tears"

137 7 2
                                    

RIO'S POV

Kinabahan ako kanina ng makita ko sa park 'yung lalaking niligtas namin sa misyon ni papa.  Binisita ko kasi si Luella sa village nila at ang nakakagulat ay sa iisang village lang sila nakatira.

Napakaexclusive ng village nila Luella at puro big time o super yaman ng mga nakatira sa lugar na 'yun. Alam kong mayaman na tao 'yung lalaking 'yun pero napakaliit ng mundo para magkita pa kami.

Napakayaman kasi ni Luella at tulad ko wala rin siyang kaibigan maliban sa akin. Naging classmates kami ni Luella sa mga martial art schools. Dahil sa solo siyang anak ng isang multi-millionare sa negosyo ng coal mining sa maraming bansa sa Asia, gusto ng parents niya na kaya niyang proteksyonan ang sarili niya laban sa mga mapagsamantalang tao.

Dahil si Luella nga lang ang kaibigan ko, siya lang ang pinagkakatiwalaan kong tao maliban sa pamilya ko.

Pinuntahan ko siya matapos kong malaman na naglilihim na naman sa akin ang pamilya ko. Noon, siya lang rin ang karamay ko.. siya lang rin ang nakakasama ko kapag wala ang pamilya ko.

Hindi alam ni Luella ang pagiging secret spy ko at ng pamilya ko. Ang tangi niya lang alam ay may negosyo ang pamilya namin kaya palagi akong naiiwan. Kahit siya ang pinagkakatiwalaan ko, mahirap paring idawit siya sa mapanganib na trabaho ng pamilya namin.

"Ang gwapo nu'ng guy sa park kanina..hehehe. Napagkamalan ka pa.." pukaw ni Luella sa akin habang nagmemeryenda sa kwarto niya.

"Psss.. wala akong pakialam. Hindi ko nga napansin eh!" walang ganang sagot ko.

"Weh? Imposibleng hindi mapansin 'yung ganung lalaki hehe.."

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ng cake.

"Grabe ka talaga.. kahit kailan hindi ka man lang nagkainteres sa mga boys." nakangusong sabi niya. "Tomboy ka noh?" Nakaturo pang sabi niya habang hawak ang tinidor.

"Tse.." singhal ko sa kaniya .

"Hala.. baka ako ang type mo.." pangaasar pa niya.

"Oo..ikaw ang type ko.." nanlaki ang mata niya sa sagot ko. "Type na type kitang kutusan ngayon sa mga kabaliwan mo.."

"H-hahaha.. kinabahan ako du'n ahh..hehe" sabay inom ng juice na sabi niya. "Pero ang wirdo nu'ng lalaki.. niligtas mo daw siya.."

"Nagkamali lang 'yun.."

"Oo nga.."

Tinuloy ko na lang ang pagkain at ganu'n din siya.

"Uyy.. hindi ko nga pala natanong kanina. Anong problema mo?" gulat ako sa biglang pagsasalita niya at sa tanong niya.

Naubo pa ako dahil parang bumara 'yung cake sa lalamunan ko.

"Pinagsasabi mo?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Hoyy tomboy.. hindi mo ako dinadalaw kapag wala kang problema. Ako pa nga madalas pumunta sa'yo para bumisita.." panunumbat niya.

"Grabe naman 'to. Hoy kerengkeng! Sobra ka naman manumbat." nakangusong sabi ko sakanya.

"Sus..kilalang kilala kita noh! Ang problema lang hindi mo naman sinasabi kung anoman 'yan" nakanguso ring sabi niya.

"Hehehe.. Kaya love na love kita friend eh.." sabay yakap sa kaniya.

"Ayyy tomboy talaga.. hehehe. May payakap yakap pa.." pangaasar niya sa akin. "Hoy Rionella, baka nakakalimutan mong ako lang ang kaibigan mo..hehehe "

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon