Chapter 10: Pretty Boy

23 2 1
                                    

RIO'S POV

"Mama, ano po bang nangyayari kay papa? " nangangambang tanong ko.

Dinig ko sa kabilang linya ng telepono ang mga pagdaing at ingit ni papa na alam kong nahihirapan.

"Matinding sakit ang nararamdaman niya ngayon na kahit ang pinakamataas na dosage ng pain killer ay hindi na gumagana sa kaniya. " umiiyak na sabi niya.
"Wala po bang ibang magagawa ang doktor?" naiinis na sabi ko. "Ano pa pong silbi nila kung wala silang magagawa. "
"Rionella, magagaling ang mga doktor dito. Ang sabi nila sa akin ay ganun lamang talaga ang nangyayari dahil kakasimula palang ng gamutan ng papa mo. Kaya matagal tagal pang paghihirap ang dapat niyang kayanin. Kapag na estabilized na ang paglaki ng tumor at mapalakas ang katawan ng papa mo, ooperahan na siya para gumaling. Hindi ko lamang makayanan na nahihirapan siya ng ganiyan."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ni mama pero nakahinga parin ako ng maluwag dahil alam kong kakayanin ni papa ang Laban na ito. Lalo ko tuloy naisip na dapat kong pagbutihin ang trabaho ko ngayon.

" Konting panahon na lang po mama gagaling na si papa. " nagtitiwalang sabi ko.

"Ang pinangangambahan ko lang anak ay kung kakayanin pa ba natin ang gastusin niya." umiiyak na naman na sabi niya.
"Opo mama, sa ngayon po mama ay nakakuha po ako ng misyon na makakatulong po ng malaki sa gastusin natin. "may pag-asang sabi ko.
"Rionella, diba ang sabi ng papa mo ay hindi ka muna tatanggap ng misyon dahil magaaral ka. " nabibiglang sabi  niya.
"Mama, hindi naman po magiging sagabal sa pag-aaral ang misyon ko po ngayon."

"Anak, bawat misyon natin ay pinaggugugulan natin ng panahon at atensiyon. Hindi ka makakapagfocus sa pag-aaral mo kung kukuha ka ng misyon."

"Mama, ang misyon ko po ngayon ay simple lamang po." pagsisinungaling ko. "Kailangan ko lang pong bantayan 'yung isang mayamang kaklase ko po." masiglang pagkukwento ko.

"Bakit mo siya kailangan bantayan? Nasa panganib ba ang buhay niya? Kahit kaklase mo siya ay hindi ka makakafocus niyan kung dapat bawat galaw niya ay babantayan mo siya." seryosong sabi ni mama.

"Mama... w-wala naman po sa p-panganib ang buhay ng binabantayan ko." nauutal na pagsisinungaling ko. "M-masiyado po kasing gala at tumatakas sa lolo niya ang kaklase ko pong ito kaya pinababantayan. Bukas po ay magpapadala po ako ng pera diyan para sa gamutan ni papa." pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, Rionella. Salamat sa pagtulong mo saamin ng kuya mo. Ang hiling ko lang ay wag mong pababayaan ang pag-aaral mo."

"Opo, mama."

"Anak, mukhang tumatalab na ang gamot sa papa mo."

Mukhang tama si mama. Nawala na kasi ang pagdaing na naririnig ko sa kabilang linya.

"Ganoon po ba, mama. Mabuti po kung ganun. Magpahinga na po kayo diyan. Wag na po kayong mag-alala dahil gagaling po si papa." pagpapalakas na loob na sabi ko.

"Pasensiya ka na anak sa akin. Nag-alala ka tuloy. Wala kasi akong makausap at malabasan ng nararamdaman ko. Ang kuya Ferdie mo ay hindi ko macontact. Alam ko naman na nasa gitna iyon ng isang misyon."

"Wala po 'yon mama. Basta kapag kailangan niyo po ng kausap ay nandito lang po ako. Kahit ano pong oras ay tumawag lang po kayo."

"Ayy..sige anak ibaba ko na ito. Mag-aral kang mabuti diyan at 'yong mga larawan mo pala sa bagong paaralan mo ay hindi mo pa naipapadala dito. Gusto na iyon makita ng papa mo."

"Oo nga po pala. Pasensiya na mama at nalimutan ko pong magpicture sa school. Naging busy at excited po kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa school."
Totoo naman na naging busy ako sa pagsasaayos ng gamit ko sa paaralan..busy sa paglalagay ng mga CCTV at pagsurvey ng bawat sulok into.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly SheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon