Chapter Twenty Three - Christmas Ball

103 2 0
                                    

Xandra's POV

Ngayon na yung araw ng Christmas Ball namin. Kasalukuyan na akong inaayusan ng isang make-up artist na katiwala nila mama. Tinawagan ko siya kagabi na siya na bahala sa amin dalawa ni Dwayne sa Christmas Ball, masaya naman siya kasi magkakaroon raw siya ng pera (=__=)

"Ate Jack, tapos na ba maayusan si  Dwayne?" tanong ko sa nagmemake-up sakin. 38 na yung  age niya.

"Oo tapos na hija, bago palang. Wag kang mag-alala malapit na rin tong sayo at 7:30 palang. You still have 30 minutes"

Tumango nalang ako sa kanya. Dun na raw kami kakain sa hotel and do all the stuffs.

Nagagalit lang ako minsan sa sarili ko kasi hindi mawala-wala sa isip ko yung gabing nakita kong umiyak si Dwayne. First time yun at hindi ako makapaniwalang umiyak siya bigla dahil lang sa pagso-sorry sakin, dahil lang magkagalit kami.

Hindi ko rin naman masasabing magkagalit sila ni toothpick kasi okay naman sila.

"Oh, ayan tapos na hija. Halika na at baka naiinip na yung groom mo sa paghihintay"

"Ate Jacky naman eh"

"hahaha.. pasensya ka na, sa tuwing pagmamasdan ko kasi kayo nawawala talaga sa isip ko na magpinsan pala kayo. Para kasi sakin bagay na bagay kayo. Ay, teka? Hindi ba siya yung ka-date mo?"

"hindi po ate. Sabay lang po kaming pupunta sa hotel pero hindi siya yung ka-date ko, may sariling date yang isang yan"

"at ikaw rin meron?"

"oo naman po. Magpapahuli pa ba ako?"

"tama yan hija! Ganyan lang, wag mong ipapakitang nasasaktan ka"

"si ate talaga! Hindi ho ako nasasaktan"

"asus! Itatago mo pa sakin eh halata naman!"

"hindi nga ate!"

"asus! Masyado ka namang defensive eh.. halika na"

So, ganun talaga kahalata para mapansin niya? Sabagay, hindi ko naman makukwestyon ang sinabi niya kasi kilala niya na ang mga kilos ko -_- bakit ba kasi ang daming nakakakilala sakin, ganyan na ba talaga ako kaganda? Sus! -_-

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Baka kasi matapilok ako tapos mamatay pa ako ng wala sa oras.

I'm wearing a gown, a blue one. Tube na heart ang style sa harap at X naman ang style sa likod. May mga glitters at silver dust sa damit na nakakasilaw. Basta yung damit ko parang gown ni Bell yung sa beauty and the beast, alangan naman magala-Ariel ako eh hindi naman ako lalangoy sa dagat.

Yung sandals ko terno rin sa gown, pareho sila ng kulay at may heel.

Napansin ni Dwayne na papababa ako. alam niyo yung taong bigla nalang natulala, ganyan siya ngayon. Na-starsruck siguro =__= Feelingerang Xandra!!

"sus! Ang ganda talaga nitong alaga ko, tignan mo nga yang pinsan mo kulang nalang tumulo laway! Hahahah..  hala nakakilos na siya, natauhan na ang loko" singit naman ni ate Jacky.

"ate ang ingay mo! Baka marinig ka niya, ikaw pag hindi tumigil tatawagin ko sa uncle Jun"

"oo na! titigil na"

Ayan! Asawa lang pala katapat neto.

Mahirap mang aminin pero sobrang gwapo ni Dwayne ngayon. It's not that ngayon lang, ano lang kasi, mas super gwapo siya ngayong gabi >////> oo na ako na malandi. Palagi naman eh pagnakakaharap ko na siya. Aiiissshh!!

Lumapit si Dwayne at inalalayan ako sa pagbaba. Ngumiti siya sakin pero umiwas ako ng tingin. Buti nalang nakaiwas ako bigla kundi bumigay na ako sa ngiti niya +___+ siguro ititigil ko nalang tong pagshashabu ko para di ako masyadong HIGH. Snob muna peg ko ngayon sa kanya.

I'm Inlove With My CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon