Dwayne's POV
"Oh Anthony? Napadpad ka?"- Clark
Nandito ako sa bahay ng bestfriend ko. Hahanap ng makaka-usap.
"Kailangan ko ng makakausap para sa"
"nararamdaman mo?" putol niya sa sasabihin ko.
"yeah" naupo ako sa couch niya.
"teka lang dude, kukuha ako ng makakain at maiinom natin para maganda"
Kumuha siya ng dalawang can ng beer at klase-klase ng chips.
"sige simulan mo na" sabi niya at tinungga yung beer
"mahal ko siya"
" pffffttttt!! .. *cough* *cough* *cough* ano sabi mo?"
"mahal ko nga siya" ulit ko
"sigurado ka jan? walang hesitations? No doubts? Walang alinlangan? Ano?"
"pare, sigurado ako."
"kailan mo naman yan na amin sa sarili mo?"
"Nung New Year's Eve. Nasabi ko sa sarili ko na hindi ko kayang mawala siya at naamin kong mahal ko na siya matagal na.."
"Give me any proof"
"Nagseselos ako sa tuwing kasama niya si Dale"
"baka naman nagseselos ka lang kasi nawawalan na siya ng time sayo"
"hindi eh. Alam kong nagseselos ako kasi mahal ko siya"
"Okay, the reason is valid. Ano pa?"
"Ayaw kong may lumalapit sa kanya at gusto kong ilibing ng buhay ang mga nanliligaw sa kanya"
"hindi ba pwedeng nagiging kuya ka lang sa kanya?"
"No. If being her brother lang ang dahilan ko sana pinayagan ko nalang si Dale na ligawan siya nung time na nanghingi siya ng permission sakin"
"Next reason"
"Masaya ako sa tuwing siya ang kasama ko. I want to touch her always especially her lips and I can also feel those butterflies inside me pag malapit lang siya. Nasasaktan ako pag hindi niya ako pinapansin and to those days na lagi silang magkasama ni Dale. Isipin ko pa lang na mawawala siya para na akong pinapatay. Mas mahal ko pa nga siya kaysa sa girlfriend ko"
SILENCE ..
"ikaw nga aminin mo sakin, mahal mo ba si Kim o minahal man lang?"
"Oo minahal ko siya. Pero kung gaano ko siya kamahal nung umpisa ganun lang din ang pagmamahal ko sa kanya hanggang ngayon. It's just like a friendly love"
"Congrats pare at naamin mo rin na mahal mo talaga ang PINSAN mo pero paano naman si Kim?" pinagdiinan niya pa talaga ang word na pinsan -___-
"Honestly, I don't know. Hahayaan ko nalang na ang kapalaran na ang magdikta ng mga mangyayari. Kung ano man ang patutunguhan ng nararamdaman ko kay Xandra, bahala na basta ipaglalaban ko siya"
Mahal ko siya, sobra..
Xandra's POV
"Dwayne, saan ka galing?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing maaga siyang umalis kanina. Di na nga siya nagalmusal tapos tanghalian na siya uuwi.
"Galing ako kina Clark. Mukhang masarap yang niluluto mo ah?"
Nagluluto ako ng ulam namin. It's a ginataang manok with squash ;) "Ah eto ba? Syempre naman masarap to! Ako pa!"
Naghain na ako at senerve ang ulam. "Kain na tayo"