Diane’s POV
Andito ako sa gym may hinihintay lang, alam niyo na siguro kung sino.
Hindi ko alam kung nakwento ko na sa inyo kung paano kami naging close ni Chris pero para sigurado, eshi-share ko nalang ^_^
Well, nagsimula kaming mag-usap simula nung marinig ni Dwayne kaming dalawa ni Alex na nag-uusap tungkol sa taong mahal niya. Natatandaan niyo naman diba? Inako ko pa nga na ako nalang ang inlove kaya ayung napaamin ako ng wala sa oras. Sa mga nakalimot na, bahala kayo jan!
Sabay kaming apat kumain ng lunch nun at para talagang pinag-pares kaming apat. Nagkwentuhan kami, nagtawanan, at nagawa pa nga naming magshare-share ng mga saloobin. Starting that day, mas lalo ata akong nagkagusto sa kanya. I just realized na ang comportable sa feeling kapag kausap mo siya.
So, kinareer ko na talaga ang pagpunta sa gym para lang Makita siya. Naalala niyo yung sinabi ko kay Alex na magbo-boyhaunting ako? totoo naman talaga yun, pero sadyang ang tadhana na ang naglapit sa akin sa kanya. Naglilibot ako nun at napadaan na rin sa gym. Nakita ko siyang nagsho-shoot ng bola.
*O*
Ang galing niya! Siya lang mag-isa, umuwi na siguro ang iba, wala na rin kasi sina Anthony. Hindi niya ata napansin yung presence ko kaya may pagkakataon akong titigan siya ng matagal. Napansin ko lang, ayaw ata ng mga mata kong umalis ang pagkakatitig sa kanya. Hanggang sa natapos siya sa pagpapa-practice at pumasok na sa locker room.
Yung puso ko, NAGPAPALPITATE!!!
Simula nun, sinimulan ko siyang e-stalk ^_^
CALLING MAMA
“hello ma?”
[hello anak? Kumusta ka jan?]
“I’m okay ma. Maayos na maayos ako ditto at kasama ko naman si yaya palagi eh, you don’t need to worry about me. Kayo ni papa? Ayos lang ba kayo jan?”
[ayos lang naman kami anak. We’re having a meeting with a special friend, may pinag-uusapan lang kami tungkol sa near future]
“hoy mama ha! Ano yan? Kakuntsaba mo ba si papa niyan?”
[oo naman! Kalian ba kami hindi nagkasundo ng papa mo sa ilang bagay? I’m sure magugustuhan mo to anak! Kahit na andito kami sa ibang bansa at malayo sayo, alam na alam namin ang pinaggagagawa mo jan noh]
“dahil na naman kay yaya? Mama noh?”
[ah …. Yes]
“sinasabi ko na nga ba! Ma regards mo nalang ako kay papa ha, sabihan mo rin I love you”
[ I love you too anak ----- o si papa na sumigaw nun! Eh paano naman ako?]
“asus! Oh sige na nga! Pinipilit niyo ako eh, joke lang! I love you ma. Cge na. bye na!”
“GRACE!!!” sigaw ni Chris. Ang ingay talaga nito, para namang ang layo ko eh.
[hoy anak! Sino yun ah? Diane Grace may hindi ka ata sinasabi samin?]
“manliligaw ko yun ma. Sa susunod ko nalang sasabihin sayo ang ibang detalye”
[talaga anak? Naku ang ganda naman talaga ng anak ko. At yang manliligaw mo ah, nagpapa-unique ata. Siya lang kasi tumatawag sayo ng Grace. Basta anak, wag mo nang pakawalan yan, gwapo ata eh. Gwapo ba?]
“naku ma! Super! Kilala mo naman ako diba, kalian man di ako naatract sa isang lalake, ngayon lang ata nangyari to eh.”
[all I can say, tinamaan ka talaga anak, o sige na! ako nalang magpapaalam dahil alam kong sabik na sabik na ikaw makasama yan. Ayyiiieeehhh!!]