Dwayne’s POV
Andito ako sa gym. Naglalaro na naman ng basketball . nakakapagod rin magmukmok , mas maganda gumalawgalaw para mas gumanda ang body built!
“UY CAPTAIN!! MAY NAGHAHANAP SAYO!!”
“WHO’S THAT?” tanong ko ng di tumitingin sa kanila. Shoot lang ako ng shoot sa three-points area ng court.
“KIMBERLY FAJARDO RAW”
O_______________O --- t-talaga? Yung CRUSH KO!!!
“dude , a toothpick girl is finding you , she said her name is Kimberly Fajardo” sabi ni Clark
“dude, tumigil ka nga. Ano ba ginawa sayo ng crush ko ah?”
“wew, salamat naman at nagtagalog ka na.”
“sabi ko naman sayo magtatagalog lang ako pag gusto ko, at pag kakilala ko .. “
“eh kilala mo naman ang team ah, bakit nag e-english ka parin?”
“we’re not that close. And besides among them you are my bestfriend that’s why I’m talking to you in tagalog.”
“okay”
“so now answer me, why did you call her toothpick? Is that her nickname?” pa-inosente kong tanong.
“hahahah .. patawa ka talaga ! syempre hindi! Nakuha ko yan dun sa pinsan mo ..”
O____________________O
Sinabi niya yun? Ano namang atraso sa kanya ni Kimberly?
Nga pala alam ng bestfriend ko na pinsan ko si Xandra. Alam na niya 2nd year highschool palang kami at nagtataka rin yan kung bakit attatch na attatch ako kay Xandra , at kung bakit di ko gustong malaman ng lahat na magpinsan kami .. ako nga rin mismo di ko alam ang sagot -_- ..
“weh? Sigurado ka? “
“oo naman. Narinig ko silang nag-uusap ni G-grace nung araw..”
Namula bigla ang loko. Ano nangyari dito?
“nangyari sayo? Namula ka bigla jan?”
“w-wala .. tsk! Akala ko ba si Janine ang sayo? Tapos ngayon may iba ka na naman? Dude, baka naman bumabalik ka na naman sa pagiging cassanova mo?”
“hindi noh! I just found her interesting.. “
“tss! Infatuation lang yan! Mawawala rin yan. Pustahan pa tayo. Babalik at babalik ka rin dun sa cousin mo!”
“cousin nga diba? Di pwede?”
“malay mo naman hindi pala? Ginawa lang yun na istorya para may thrill ang life niyo? Gaya dun sa istorya nina autumn at winter, lumaki sila na kinikilalang magkapatid ang isa’t-isa pero tignan mo nga naman di pala! Eh destiny na ang nagdikta, kahit na magkapatid sila, pinagpatuloy parin nila ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa o tignan mo meant to be nga sila sa huli! “
Binatukan ko siya.
“yan .. yan ang nakukuha mo kababasa ng mga romance story! Adik ka talaga! Umalis ka na nga! Kanina pa naghihintay ang bisita ko”
“sus! Kung ako si Janine , kanina pa kita kinalbo! Mas uunahin mo pa ata yang bwesita mo! Halaka! Ikaw pag nakita niya yang pinaggagawa mo, patay ka!”
Umalis na siya ng tuluyan. Buti nga dun. Lumakad na ako papunta dun sa inuupuan ni Kimberly.
Habang naglalakad, napapa-isip ako sa mga sinabi nung gunggong. May isip rin pala yun? Tsk!